Chapter 34: Room 29

196 8 2
                                    

Kiss 34:

(Xiang Qin's POV)

May isang babae akong nakikita ngayon sa isang malaking salamin. Nakaputi siyang damit at bagay na bagay sa kanya ang kanyang kasuotan. Nakapony tail ang kanyang buhok. Light lang ang kanyang make-up. At makikita mo sa kanyang mukha na masayang masaya siya.

Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa pisngi ko. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba itong nakikita ko? Waaah! Hindi ko maitago ang aking kagalakan.

"Xiang Qin... dyan ka na lang ba sa harap ng salamin?" Napatingin ako kay Zhi Shu na nakasandal sa may pinto habang nakacross arm siya sa akin. "Tara na."

"Okay!"

Sa wakas, after ng mahabang pahinga ay ito magtatrabaho na ulit ako. Dumaan muna kami sa kwarto ng kambal at binigyan sila ng matatamis na halik saka kami bumaba. Ibinigay na sa akin ni Mama ang packed lunch namin. Sabay na kami ni Zhi Shu na pumunta sa hospital gamit ang sasakyan niya. Pagdating namin sa hospital ay dumiretso muna kami sa office ni Zhi Shu para ilagay dun yung bag ng packed lunch namin. Sinabi sa akin ni Zhi Shu na may dalawa siyang major operation ngayon, kaya pinapapunta niya muna ako sa head nurse namin para sa duties ko kasi baka manibago raw ulit ako.

"Ano ka ba Zhi Shu! Ako yata si super nurse Xiang Qin!"

"Hala, hala, sige na. Malelate ka na." Tapos hinalikan niya ako sa noo.

Umalis na ako sa office ni Zhi Shu at dumiretso sa head nurse. Kinamusta naman ako ng head nurse namin tungkol sa pagiging isang ina. Sinabi ko sa kanya na sa una mahirap pero ngayon ay kinakaya. Natutuwa naman siya sa kalagayan ko. Sa ngayon ay yung dati kong load sa trabaho noong nag-uumpisa pa lang ako rito ang binigay niya sa akin. Katulad ng pag-uuli sa mga ward upang icheck ang mga pasyente at pagpapalit ng mga bedsheets. Pagkatapos akong kausapin ng head nurse ay pumunta na ako sa station ko at iniligay ko na ang bag ko sa locker nang biglang nandilim ang paligid ko dahil may isang kamay ang nagtakip dito. Kaya naman ay nagsisigaw na ako. Tapos bigla niyang tinakluban yung bibig ko na naging dahilan para kagatin ko siya.

"Aray! Xiang Qin!!" Kumawala na siya sa akin.

"Surprise!!" Tapos bigla silang sumulpot sa harapan ko.

"Waaahhh!! Nina, Zhi Yi!!" Niyakap ko sila.

"Hoy!" Napatingin naman ako kay Gan Gan tapos bigla niyang hinawakan yung pisngi ko. "Bakit mo ako kinagat?!" Panggigil niya sa akin.

"Aaaa! Gan Gan!" Pinagpapalo ko yung kamay niya at tumigil na siya sa pagpisil sa pisngi ko.

"It's good you're back!" Tuwa rin niyang sabi.

"Hmp! May ibubully ka na kasi ulit! Tch! Eyy... si Qi Tai, na saan?"

"Wala pa, panggabi siya ngayon." Agad namang sabi ni Nina.

"Xiang Qin, masaya ako na bumalik ka na." Nakangiti naman na sabi sa akin ni Zhi Yi.

"Ako rin."

(Hao Mei's POV)

May tinuturo ngayon yung teacher namin tungkol sa isang psychologist, si Erik Erikson.

"The first stage of Erik Erikson Psychosocial Stage is the Trust vs. Mistrust. During this stage, the infant is uncertain about the world in which they live. To resolve these feelings of uncertainty, the infant looks towards their primary caregiver for stability and consistency of care. If the care the infant receives is consistent, predictable and reliable, they will develop a sense of trust which will carry with them to other relationships, and they will be able to feel secure even when threatened."

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon