Chapter 47:

115 4 1
                                    

Kiss 47:

(Xiang Qin's POV)

Dinala ulit namin si Jun Ya sa operating room naging unstable ang kanyang sitwasyon kaya naman ay inasikaso agad siya ni Zhi Shu. Muli niyang chineck ang vitals ni Jun Ya, humihina na ang tibok ng puso nito kaya kinakailangan na talagang palitan sapagkat hindi na nagfufunction ng maayos lalong lalo na yung part na kung saan pumutok ang isang ugat.

"Doc., hindi pa rin po kami nakakahanap ng puso na magmamatch sa kanya." Rinig kong tarantang sabi ni Zi Yi sumunod din siya sa amin sa operating room.

"It's okay. We already had. Ang kailangan lang natin ngayon ay dugo." Kalmado niyang sabi. Napatingin sa akin si Zi Yi. Tumango lang ako sa kanya.

"Sige, hahanap na ako ng dugo para sa kanya." Umalis si Zi Yi.

May inutos naman si Zhi Shu dun sa isang nurse na kasama namin, sabi niya iready na yung anesthesia for the operation. Tapos may sinabi rin siya dun sa isang doctor na kasama namin. Sinabi niya yung pinakang sitwasyon ngayon ng puso ni Jun Ya ay masyadong kritikal at isang pagkakamali lang delikado na. Pinaready naman sa akin ni Zhi Shu yung puso for transplant.

Paano kami nagkaroon ng puso para kay Jun Ya?

Noong nawalan na ng buhay si Mrs. Zhang hindi agad ito pinadala ni Zhi Shu sa morgue dahil sinabi niya na kukunin ang puso nito. Sinabi ni Zhi Shu ang huling habilin ni Mrs. Zhang.

"Yung puso ko, match kay Jun Ya."

Kaya isinagawa agad ni Zhi Shu na kunin ang puso nito tapos tiningnan niya kung match ito kay Jun Ya at totoong match ito sa anak niya. Siguro ay alam na ni Mrs. Zhang na talagang hindi na siya magtatagal, at alam niyang magmamatch ang puso niya sa anak niya. Iba talaga ang pagmamahal ng isang Ina sa kanyang anak. Willing niyang ibigay ang kanyang puso para lang mabuhay ang kanyang anak. Siguro kung ako ang nasa katayuan ni Mrs. Zhang baka ganun din ang gagawin ko. Handa rin akong ibigay ang lahat para lang sa kaligtasan ng mga anak ko. May tumulo na luha mula sa aking mga mata.

"Xiang Qin, bilisan mo na diyan." Seryosong sabi ni Zhi Shu.

"Ah, oo." Pinahid ko na yung mga luha ko at lumapit na ulit ako kina Zhi Shu.

Hindi ito yung unang pagkakataon na makikita ko si Jun Ya na ooperahan sa puso, pero sa ngayon, nakaramdam ako ng takot at pangamba. Kaya habang hinihiwa ni Zhi Shu ang dibdib ni Jun Ya ay napatalikod ako at huminga ng malalim.

Xiang Qin! Hindi ka pwedeng matakot ngayon. Kaya mo yan!

Lumapit ulit ako kina Zhi Shu at sinusunod ko na yung mga pinag-uutos niya. Inaabot ko na sa kanya yung mga tools na kailangan niyang gamitin. Muling dumating si Zi Yi at marami siyang dalang bags ng dugo. Iyon ang inasikaso niya. May ikinabit agad silang dugo kay Jun Ya.

Nakikita kong dahan dahan sila Zhi Shu sa operation na ginagawa nila. Mga mag-iisang oras na kami ay naikabit na nila ang artificial na pampatibok kay Jun Ya at dahan dahan na nilang inalis ang puso nito. Ngayon naman ay ikakabit na nila ang bagong puso kay Jun Ya.

Kumuha ako ng tissue sa tabi ko at pinapahiran ko ang pawis ni Zhi Shu.  Sa ngayon ay isa-isa na nilang inaalis yung artificial na pampatibok kasabay nun ang pagkakabit ng puso rito. Muli akong napatingin sa orasan, mag-isang kalahati na nilang nilalagay ang puso kay Jun Ya kaya nagulat kaming lahat dahil biglang tumunog ang monitor screen.

"Check her vitals." Agad niyang utos.

"Doc. Unstable." Sabi nung isang nurse.

May iniutos pa si Zhi Shu na agad din naman nilang ginagawa. Pero hindi pa rin humihinto yung monitor dirediretso pa rin ang pagtunog nito hanggang sa bigla na lang nagflat yung line.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon