Chapter 20: I'm Zhang Jun Ya

240 6 4
                                    

Kiss 20:

(Hao Mei's POV)
I'm in cloud nine! Yun ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Well, palagi naman talaga akong nasa ulap sa tuwing kasama ko si Yu Shu. Pero, iba ito! Since middle school, pangarap ko na talaga na maging kaklase si Yu Shu. Kaya lang, hindi nangyayari kasi Section A siya, ako naman ay F. Nung Senior High School magkaiba naman kami ng school. Tapos ngayong college, magkaparehas na kami ng school, magkaklase pa kami. Paano nangyari yun?

"Hoy. Mauubos na yung straw ng drinks mo. Ayos ka lang?" Nawala ako sa cloud 9 dahil biglang nagtanong si Ah Nou.

Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko na ubos na yung drinks na iniinom ko. Katabi ko si Yu Shu at nasa harapan namin si Ah Nou. Kumakain siya ng carbonara. Si Yu Shu naman ay kumakain ng burger at paubos na ito. Tapos ako, paano ako nagkaroon ng cupcake sa harap ko? Umorder ba ako? Kailan ko ininom yung drinks ko?

"Lumulutang na naman yang isip mo." Pinupunasan ni Yu Shu ng tissue yung bibig niya. Ibig sabihin tapos na siyang kumain. At tumingin siya sa akin. "Hindi ka ba kakain?"

"Huh? Ah!" Kinuha ko yung cupcake ko at kinain ko.

"Mabuti na lang pala may vacant tayo na isa't kalahating oras." Narinig kong sabi ni Ah Nou sabay inom ng kanyang drinks. "Ano pala next subject natin?"

"Wait, titingnan ko sa notebook ko." Kukunin ko pa lang sana yung notebook ko ng biglang nagsalita si Yu Shu.

"Mathematics in General World." Napatingin ako sa kanya.

"Paano mo alam?"

"Yun din ang next class ko."

Bigla akong nabilaukan sa sinabi ni Yu Shu. Iinumin ko sana yung drinks ko kaya lang ubos na pala. Kaya naman, ibinigay sa akin ni Yu Shu yung drinks niya.

"Kaklase ka namin?" Bulalas ko.

"Ayaw mo?" Seryoso niyang sabi.

"Ah ano... kasi..." Ininom ko ulit yung drinks niya. Mamamatay ako ng wala sa oras nito. Kaklase namin siya sa Literature kanina. Tapos ngayon, pati sa Math kaklase namin si Yu Shu? Napakagat ako sa straw.

"Yaah!" Nagulat kaming dalawa ni Yu Shu dahil biglang sumigaw si Ah Nou, hindi naman ganun kalakas parang nagulat lang siya tapos nakaturo siya sa drinks na iniinom ko.

"Bakit?" Pagtataka ko.

"Umiinom ka sa drinks ni Yu Shu?!" Tiningnan ko yung drinks ni Yu Shu. Tapos tumingin ulit sa kanya.

"Anong masama dun? Wala namang sakit si Yu Shu. At isa pa, ubos na yung drinks ko." Ibinagsak niya yung kamay niya sa lamesa.

"Nag-indirect kiss kayo!" Nanlalaki ang mga mata ni Ah Nou. Mabuti na lang kakaunti lang ang tao sa canteen. Kung hindi, grabe nakakahiya!

"Indirect k-kiss?" Napatingin ako sa straw at napalunok. Pakiramdam ko namumula na ako.

Nagulat ako dahil biglang uminom ulit si Yu Shu. Lalong nagpanic si Ah Nou.

"Ano ang silbi ng indirect kiss? Ehh... Nagkiss na kami." Nakangiti niyang sabi.

Woooooo!

Boooom!

Fireworks!

Psswwoooo!

K.O.

Good bye soul! 😱

Pakiramdam ko yung kaluluwa ko iniwan na ang katawan ko dahil nanigas na lang ako. Lalo na si Ah Nou, dahil bigla niyang ibinagsak ang ulo niya sa mesa.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon