KISS 2
Ano kayang klaseng pagbabago ang mararanasan ko? Tatlong araw na ang nakakalipas simula nung nalaman naming buntis ako. Sa ngayon, wala pa naman akong nararamdamang kakaiba. Sa tuwing naiisip kong buntis ako, hindi ko maiwasang hindi mag-isip.
"Good morning Xiang Qin."
"Good morning ma, si Zhi Shu po?"
"Ayy, kanina pa nakaalis nagkaroon ng emergency sa hospital. Halika na dito, magbreakfast ka na.
Hindi man lang ako ginising ni Zhi Shu. Hhhhmmmmm! Ang bango nun ah!
"Xiang Qin, ito oh, pinagluto kita ng isang masarap na vegetable soup. Ang sabi kasi dun sa librong nabasa ko, kailangan yan lalo na sa isang nagdadalang-tao, para maging malusog din ang baby."
"Waaaahh!! Hhhmmmmmm!! Ang bango mama! Sigurado akong sobrang sarap nito!"
"Magpakabusog ka."
Sa amoy pa lang, sigurado akong masarap ito. Hhhhhhmmmmm! Tama nga ako, sobrang sarap! Mukhang marami ang makakain ko nito, sure na.
"Mama, ang sarap naman po nito."
"Talaga? Sige, kain ka lang dyan. Kapag kulang pa, sabihin mo lang, marami pa naman dun. Okay!"
Lahat naman ng luto ni mama, masarap ehh. Pero mas masarap ito ngayon. Balang araw, makakagawa rin ako nito. Wala pa ako sa kalahati ng pagkain. Hindi ko alam kung bakit parang may kung anong nangyari sa loob ng tiyan ko. Napatayo na ako at tumakbo papunta sa c.r. Isinuka ko lahat ng kinain ko.
"Xiang Qin, may problema ba?" pag-aalalang tanong ni Mama.
"Hindi ko po alam, Mama, bigla na lang pong bumaliktad sikmura ko at isinuka ko po lahat ng kinain ko."
"Hah? Talaga? Teka, morning sickness na ba yan?"
"Morning Sickness?"
Teka, ganito rin ba yung naranasan ni Chun Mei. Ito ba ang first step sa nagbubuntis? Sumuka ulit ako.
"Mukhang isinuka mo lahat ng kinain mo ah. Ano ba gusto mong kainin?"
"Kahit ano lang po Ma."
Ipinagluto ulit ako ni mama ng isang pagkain. Hindi ko maintindihan pero halos hindi ko ulit nakain yung niluto ni mama. Kahit na gaano pa man yun kasarap at kahit na gaano pa kataas yung kagustuhan kong kainin iyon, dumarating pa rin sa point na bumabaliktad ang sikmura ko at halos isuka ko lahat ng makain ko. Sa tingin ko, wala na akong magagawa kundi ang hindi kainin ang mga pagkaing inihahain ni mama kasi isusuka ko rin. Haaayy... Nagprepare na ako dahil papasok na ako sa trabaho ko. Kahit papaano kailangan ko pa rin gampanan ang role ko sa pagiging isang nurse.
"Xiang Qin, sigurado ka bang papasok ka ngayon?"
"Opo Ma."
"Pero, halos di ka pa nakakain ng tama."
"Huwag na po kayong mag-alala, dun na lang po ako kakain sa hospital."
"Sigurado ka?"
Tumango na lang ako at lumabas na ng bahay. Ang weird ng nararamdaman ko ngayon. Bakit kaya ganito? Maya-maya pa ay nakarating na ako sa hospital.
"Good morning Xiang Qin, late ka na naman."
"Good morning Xiu Xiu, pasensiya na inumaga na ako ng gising."
"Ganun ba? Teka, pwede bang ikaw muna ang magpalit ng bed sheets sa room 105-110. May aasikasuhin lang ako."
"Ah, sige, ako na bahala dun."
BINABASA MO ANG
The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)
Fanfic[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007. This story was the adaptation of the manga "Itazura na Kiss" by Tada Kaoru. It was an unfinished story because the author just died before c...