Kiss 19
Umalis na kami ni Zhi Shu sa ward ni Christine at pumunta na kami sa office niya. Inilapag ko sa mini table yung pagkain. Habang inaayos ko yung mga pagkain ay nagulat na lang ako na may kamay na biglang pumulupot mula sa likuran ko at naramdaman ko na lang na ibinaon niya ang mukha niya sa balikat ko.
"Doctor Jiang, asawa ko, may problema ba?" Lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Gutom na ako." Bigla niya akong hinalikan sa pisngi pababa sa leeg ko, nakaramdam ako ng kuryente sa ginagawa niya.
"Zhi Shu, anong ginagawa mo?" Pilit kong inaalis ang mga kamay niya sa beywang ko. "Lalamig yung pagkain. Sabi mo gutom ka na."
Kumawala siya sa akin at umupo sa may sofa. Tumabi rin ako sa kanya. Ibinigay ko sa kanya yung pagkain niya.
"Sabi ni Mama, masarap yung luto ko ngayon. Tikman mo na." Nakangiti kong sabi. Tiningnan lang niya ako.
"Bakit sabi ni Christine mapait?" Inilapag niya ulit yung pagkain sa mesa. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ehh siyempre buntis siya." Nagcrossed arm ako sa kanya. "Ayaw mo bang kainin? Kung ayaw m-hmmmm" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan.
Hinalikan lang niya ako ng hinalikan. Ramdam ko ang dila niya sa loob ng bibig ko na naging dahilan upang maibuka ko pa ang bibig ko at halikan din siya pabalik. Hanggang sa marahan ko siyang itinulak dahil hindi na ako makahinga. Pati siya ay hinahabol din niya ang kanyang hininga.
Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakatingin lang sa akin si Zhi Shu habang hinihingal. Nakabukas naman ang aircon ng office niya pero ang init ng pakiramdam ko. Napalunok na lang ako dahil hinawi ni Zhi Shu ang buhok ko na magulo. At ngumiti siya sa akin.
"Zh-zhi Shu, a-akala ko ba nagugutom ka na?"
Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako. Pero hindi siya umimik at hinalikan niya ako sa noo ko, sa ilong ko, sa labi ko, mga halik na kahit dampi lang ay nagbibigay pa rin ng dahilan kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko at tuluyan niya akong inihiga sa sofa.
"Bakit ka kinakabahan?" Yung mga ngiti ni Zhi Shu, nakakahumaling.
"Eh ka-kasi na-nandito tayo sa hospital... sa office mo... baka-"
Hinalikan na naman niya ako.
"Huwag kang mag-alala naka-lock yung pinto." Hinalikan niya ulit ako. "At isa pa... Tapos na ang duty ko."
"Huh?"
"Ngayon lang ulit kita masosolo." Nagulat ako dahil bigla niyang hinubad yung coat niya.
"...at hindi ito ang first time natin dito sa office."Sinunggaban niya ulit ako ng halik. Kahit na hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya ay napahawak na lang ako sa batok niya, naramdaman ko na lang yung kamay niya na gumagapang sa buo kong katawan na naging dahilan upang mabuhay ang aking pagkababae at...
(Hao Mei's POV)
Magkasabay kaming naglalakad ngayon ni Ah Nou sa corridor para pumunta sa susunod naming klase. As usual, lahat ng mga estudyante na madadaanan namin ay nakatingin lang sa kanya, at siya? Wapakels! Naka-earphone lang siya. Tsk! Kinuha ko yung notebook ko at tiningnan kung ano ang next class namin.Literature.
English? Huhuhu! Iyak na ako! Pumasok na kami sa room namin. Actually yung room na ito ay wala sa department. Ewan ko ba? Sobrang layo nito sa kabilang building pa. Kaya ito, center of attraction lalo na at ang kasama ko ay artista.
Pumuwesto na kami ni Ah Nou sa may bandang dulo sa kanang bahagi ng classroom dahil wala pang masyadong tao na nakaupo dun. At dahil dun kami umupo ay dinumog kami ng mga kababaihan. Sa dulong upuan si Ah Nou kaya ito, imbis siya ang dumugin ay ako ang nadumog dahil ako ang nagsilbing harang upang di sila makalapit sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako at umub-ob sa desk ko.
Bakit ko ba kasama ang lalaking ito???? Huhuhuhu! Sana nandito si Yu Shu!
"E-ehem!" Naramdaman ko na lang na natigilan yung babae na halos nakasampa na sa likod ko.
"Bakit ba?" Pagsusungit nung babae.
"That's my seat."
Ang boses na iyon! Agad akong napabangon at tumingin sa direction kung na saan siya. At isang nakakasilaw na awra ang lumabas. Kumislap ang mga mata ko. Totoo ba ang nakikita ko? Ang prinsipe ko naandito?? Natigilan yung babae at umalis. Kasunod nun ay umupo na siya sa tabi ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya yung baba ko at nagsara ang bibig ko.
"Naandito na yung Prof. natin."
"Ah."
Umayos na ako ng pagkakaupo. Nawala na yung mga dumumog kay Ah Nou. At nasa unahan na nga yung Prof. namin. May mga diniscuss yung Prof. namin tungkol sa mga requirements this semester, etc. Sa totoo lang, wala akong naintindihan dahil nakalutang pa rin yung utak ko. Kaklase ko si Yu Shu? Paano nangyari yun? Diba sa Com. Sci. siya? Bakit siya naandito? Hindi pa rin ako makapaniwala.
Sa kanan ko nakaupo ang isang artista, sa kaliwa ko nakaupo ang nagtop 1 sa exam, a.k.a ang boyfriend ko. Swerte ba ako? Kung ganun, bakit pakiramdam ko sa mga oras na ito may gustong pumatay sa akin. Alam niyo yun? Tingin pa lang nakakamatay na. Waaaaahhhh!!! Natapos yung klase na wala akong maintindihan, sa totoo lang!
(Jun Ya POV)
Recess time!Inunat ko yung kamay ko, sa wakas may 20 minutes break kami. Grabe! Ang hirap talaga ng Math. Haist.
Bang!
Nagulat ako dahil may magazine na bumagsak sa desk ko.
"Is that you?"
May tatlong babae ang naka-crossed arm sa harapan ko. Kinuha ko yung magazine at nanlaki ang mga mata ko. Kinusot ko ang mata ko kung totoo yung nakikita ko. Ito yung picture ko with Nobu, hindi ko aakalain na ginawa nilang cover ng isang magazine. Bakit hindi ko alam?!
"Ano! Sagot!" Pagtataray nung babae sa kanan. Napalunok ako. Sino ba itong mga babaeng ito? Nagcross arm din ako.
"Ah. Bakit? Kamukha ko ba?" Sarkastiko kong sabi.
Pak!
Nagulat ako dahil bigla akong sinampal nung babae na nasa gitna.
"How dare you?!"
"Sino ka ba sa akala mo? Purket kasama ka ni Nobu sa isang cover magazine ganyan ka na umasta?"
"Transferee ka lang. Be careful."
Mean! B*tch! I clenched my fist. At sinamaan ko sila ng tingin. Tingin na nakamamatay. Tingin na nagsasabing: Mali kayo ng binangga niyo. Kung ayaw niyong maging kalbo! Lumayas kayo sa harapan ko!!
Nakita kong napaatras silang tatlo.
"So, what's the matter if that's me? Will you do something about it?" I smirked. "Because if you do lay any part of your body again, even if it is your hair, to me. Heh. I will not let it pass. Got it?"
Dinuro ako nung babae sa gitna, tumalikod at umalis. Kinuha naman nung isang babae yung magazine at sumunod dun sa dalawa. Napabuntong hininga na lang ako. Problema ba ng mga babaeng yun? Nahuhumaling sila sa isang lalaki? Psh. Kung alam lang nila ang ugali ng lalaking iyon. Tsk tsk. Napahawak ako sa dibdib ko.
"Jun Ya..." Napatingin ako sa kanan ko dahil may tumawag sa akin.
"I-ikaw ito diba?" Tumango lang ako. Sa totoo lang ayaw ko ng makipag-usap kahit kanino.
"P-pwede pa-autograph?"
"Huh?"
Inilabas niya yung isang pentel pen niya at ibinigay niya sa akin pati yung magazine.
"Bihira lang kasi ako makakita ng artista eh. He he he"
"Pero hindi ako artista." Saad ko. Iyon naman talaga ang totoo, hindi naman talaga ako artista. At hindi rin ako model.
"Ako nga pala si Lin Xia. Ikinagagalak kitang makilala. Pwede ba kitang maging kaibigan?" Tapos inilahad niya yung palad niya.
Kaibigan?
-------
Thank you for reading! I'll try my best to update. Pasensya na po talaga.
-LadyAkira-
BINABASA MO ANG
The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)
Fanfiction[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007. This story was the adaptation of the manga "Itazura na Kiss" by Tada Kaoru. It was an unfinished story because the author just died before c...