KISS 4
Naandito ako sa bakuran ng bahay namin habang pinagmamasdan ang mga ulap, isang napakagandang-hapon, napakasariwa ng bawat simoy ng hangin, nakakahumaling ang huni ng mga ibong nagsisiawitan, ang lagaslas ng mga sanga ng punungkahoy na talagang nakakarelax sa pakiramdam, ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang inang kalikasan. Totoong hindi biro ang pagdadalang-tao ng isang babae. Paglilihi pa lang, maaari ka ng manghina, mawalan ng lakas ng loob at may tendency ding maging hindi malusog ang baby sa loob. Well, pasalamat na lang ako dahil napaka-supportive ng pamilya ko. Lalo na ang asawa ko. Talagang gumigising siya ng maaga para lang ipagluto ako ng breakfast, at kahit na pagod na siya galing sa hospital ay nagagawa pa rin niya akong ipagluto. Mabuti na lang at natapos na ang paglilihi ko. Maya-maya pa ay may naramdaman akong may yumakap sa akin mula sa likuran ko.
"Nandito ka lang pala..." unti-unting nilapit ni Zhi Shu ang mukha niya sa may tenga ko. "Mama Xiang Qin."
Napangiti ako sa narinig ko. Hindi ko akalain na ako ang Mama nang magiging anak ni Zhi Shu, ang lalaking minsan ko lang pinangarap ngayon ay buhay ko na. Huminga ako ng malalim.
"Ang ganda ng sikat ng araw na natatakluban ng mga ulap. Napaka-komportable sa mata, ang gaan sa pakiramdam." Naramdaman kong lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
"Kung gusto pa natin makaramdam ng sobrang kagalakan, totoong makakaramdam tayo ng pagmamahal sa buhay. Kung sakaling kulang pa, nandito pa ako para punan ang pagkukulang na yun... At balang-araw, ang kasiyahang nararanasan natin ngayon ay mas magiging masaya pa dahil madadagdagan na tayo ng isa pa." lumuhod si Zhi Shu sa harapan ko.
"Ano ka ba? Wala ka pang mararamdaman dyan. Two months pa lang yan."
"Well, habang hinihintay ko ang pagdating niya, gusto kong maramdaman niya agad ang pagmamahal ko." Tumayo na ulit siya at muli niya akong niyakap.
"Bakit ba sa tuwing minamahal kita ng lubos? Pakiramdam ko, lalo akong nalulungkot."
"Hmmm.. dahil siguro sa sobrang kasiyahan, hindi na natin nararamdaman ang kalungkutan."
Hindi na ako umimik. Nang mga sandaling iyon, isa lang ang napagtanto ko, sa bawat saya o lungkot man ang danasin ko. Gaano man kahirap ang isang pagsubok, as long as magkasama kami ni Zhi Shu, lahat kakayanin ko. Lahat gagawin ko. Lahat-lahat!
"Zhi Shu, Xiang Qin, halika na kayong dalawa. Magmerienda na muna tayo." Tinawag na kami ni Mama.
Mabuti na lang hindi na maarte ang tyan ko, kaya ko na ring kainin ang lahat ng mga pagkain. Kahit papaano, mas pabor na ito sa akin, dahil hindi na mapapagod pa si Zhi Shu na ipagluto ako araw-araw. Kaya naman, kinabukasan, ako naman ang magluluto at magdadala ng pagkain kay Zhi Shu sa hospital, tutal pwede na rin akong pumasok sa trabaho ko.
"Zhi Shu." Pumasok na ako sa office niya.
Wala siya. Pero, bakit ang daming nakapatong na folder sa desk niya? Saan ko kaya pwedeng ilagay itong lunch box? Teka, ano ito? Patients individual reports?
"Bakit ngayon ka lang?"
"Ayy kabayo!" nagulat ako dahil biglang dumating si Zhi Shu.
"Ayos ka lang ba?"
"Ah, oo, ayos lang. Nagulat lang ako sa'yo. Eyy, teka, bakit bigla mo akong tinanong kung bakit ngayon lang ako? Pasensiya, ito pinagluto pa kita ng lunch ehh. Gutom ka n---"
"Pumunta ka na ba sa Head Nurse?"
"Hah? Ahm, hindi pa. Kasi afterlunch pa yung duty ko ehh. Kaya dumiretso na muna ako dito para ibi--"
BINABASA MO ANG
The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)
Fanfiction[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007. This story was the adaptation of the manga "Itazura na Kiss" by Tada Kaoru. It was an unfinished story because the author just died before c...