Chapter 18: Buntis si Christine

201 8 0
                                    

Kiss 18:

Health Tips: What to do if someone faints? (https://www.webmd.com/first-aid/fainting-treatment)

1. Make the person safe

2. Try to revive the person

3. Turn the person on His or Her side if he or she: is vomiting or bleeding from the mouth.

4. Do home care for simple fainting

5. Call a health care provider

(Zhi Shu's POV)

Kakatapos lang ng meeting from the board executives. Akala ko matatagalan pa yung meeting inabot din ng apat na oras. Sumasakit tuloy ulo ko.

"Saan ka pala maglulunch ngayon?" Kasama ko ngayon si Chuan Jin.

"Sa office." Matipid kong sagot.

"Dadalhan ka ba ulit ng asawa mo ng lunch?" Tumango lang ako. "Iba talaga kapag may asawa. Haayyss...."

"Pakasalan mo na si Nina para may maghahatid na rin ng lunch mo?"

"Ano ba! Baka may makarinig!"

"Speaking of. Ayun na sila oh." Sabay kaming tumingin sa harapan namin at magkakasama silang magkakaibigan. "Ang sarap kaya ng buhay may asawa." Bulong ko sa kanya saka umalis na ako.

Narinig kong nagrereklamo siya pero kumaway na lang ako. Dumiretso na ako sa office ko. Expected kong nandito na si Xiang Qin, pero bakit kaya wala pa siya? Baka natraffic lang. Kinuha ko yung libro mula sa desk ko, tungkol sa night blindness, at saka umupo ako sa sofa.

Xiang Qin, na saan ka na?

Napatingin ako sa cellphone ko dahil bigla na lang itong tumunog kaya sinagot ko agad.

"Hello."

"Zhi Shu!"

"Na saan ka na?"

"Naandito pa sa bahay. Biglang nahimatay si Christine. Kumain lang siya nung Chicken Curry na niluto ko sabi niya mapait, tapos sinuka niya at nawalan siya ng malay."

"Chineck mo na ba ang pulse rate niya?"

"90 yung pulse rate niya. Chineck ko na rin yung kulay ng kuko niya baka may sakit siya sa puso. Okay naman ang kulay ng kuko niya. Chineck ko na rin kung namamantal siya baka allergy siya sa Chicken curry, pero wala naman. Hindi kaya nafood poison siya? Sabi niya kasi mapait yung Chicken Curry ehh."

"Kinain niyo rin ba yung Chicken Curry?" Nag-oo lang siya. "Tingnan mo kung may pregnancy test sa bag niya." Sandaling tumahimik si Xiang Qin, naririnig ko lang ang boses ni Mama na hindi pa sinasagot ni Ah Jin ang kaniyang tawag.

"Zhi Shu! May pregnancy test.... Buntis si Christine?" Tama ako ng hinala.

"Alam mo na naman ang first aid dyan diba? Magpapadala na ako ng ambulansya."

(Ah Jin's POV)
Hindi pa rin humuhupa ang tao sa restaurant. Ang dami pa ring customer ang dumadating kaya ito, lalo akong ginaganahan na magluto. Para sa future namin ni Christine, kailangan ko pang magdoble kayod sa pagtatrabaho.

Magpapasado ala-una ng dumating na yung assistant chef ko at tinulungan na niya akong magluto hanggang sa humupa na ang mga tao.

"Boss, kami na muna ang bahala rito, magpahinga na po muna kayo." Nakangiting sabi ni Mr. Tan.

"Pero, hindi pa nauubos ang dagsa ng tao."

"Aiya... Boss, magpahinga ka na muna. Ilang araw ka ng puspos sa trabaho. Kaya na namin ito." Yumuko lang siya sa akin.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon