Kiss 13
(Xiang Qin's POV)
Sa buhay natin kailangan talaga nating maranasan ang masaktan para masabi mo sa sarili mo na buhay ka. At sa sakit na nararanasan natin, nagagawa nating harapin mag-isa ang problema at nagiging dahilan para tayo ay tumatag.
Katulad na lang ng nangyari sa buhay ni Hao Mei, hindi biro mawalan ng isang pamilya lalo na't sabay-sabay itong nawala sa piling niya. Kung ako nga na lumaki na walang ina sa tabi nahirapan na ako, paano pa kaya siya? Na halos buong buhay niya na kapiling ang mga mahal niya sa buhay tapos nawala na lang sa isang iglap.
Bilang isang kaibigan at Ate sa kanya, ito kinausap ko sila Mama na kupkopin muna namin pansamantala si Hao Mei. Actually, kahit hindi ko na pala sabihin kay mama dahil sigurado akong dito na talaga papatirahin sa bahay si Hao Mei.
Ito kami ngayon sa mall, sama-sama kaming magshoshopping para mapagaan ang loob ni Hao Mei and makapamili na rin ng mga gamit niya.
"Tita, sigurado po ba kayo? Hindi po ba masyado ng nakakahiya kasi sa inyo na nga po muna ako nakatira tapos kayo na rin po yung bibili ng mga gamit ko. Sobra-sobra na po ang tulong na naiibigay niyo po sa akin." Sabi ni Hao Mei pagkalabas niya sa fitting room. Suot-suot niya ang isang white dress na pinili ni Mama. Nagkatinginan lang kami ni Mama.
"Aiyo... Ano ka ba Hao Mei? Wala ito, mas masaya pa nga ako kasi dalawa na kayo ni Xiang Qin ang pwedeng sumama sa akin sa pagshoshopping. Diba Xiang Qin?"
"Hmm! Kaya Hao Mei huwag ka ng mahiya. Kasi isa na tayong pamilya." Niyakap ako ni Hao Mei kasunod naman si Mama.
"Salamat po."
"Ano? Dyan na ba kayo magdadramahan?" Kumawala na sa pagkakayakap si Hao Mei dahil dumating na sila Zhi Shu kasama sila Papa, Yu Shu, at ang kambal.
(Jun Ya's POV)
Ito ako ngayon, instant chaperone ng isang sikat na teenstar. Ewan ko ba rito, kung bakit ba sa dinamidaming pwedeng maging assistant ako pa ang napili. High school student pa lang ako. Minor pa ako! Haaaayyy naku!
"Hoy! Bilisan mo nga ang lakad mo." Nandito kami ngayon sa department store. At grabe! Alam mo yung feeling na lahat na lang na makitang magugustuhan niya ay binibili agad! Tapos sa akin pinapabuhat! Rich brat b*tch!
"Tsk! Anong bilisan ang lakad? Kung ikaw kaya ang magbitbit ng mga ito. Akala mo naman sobrang gaan nito!"
"Anong sinasabi mo?!" Lumapit siya sa akin. Tinanggal niya yung sunglass niya tapos inilapit niya mukha niya sa akin. As in sobrang lapit. Grabe! Pakiramdam ko, biglang uminit yung mukha ko! Kaya naman naitulak ko siya. Pero ngumisi lang siya sa akin.
"A-ano ba!" Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. As in sobrang bilis, yung feeling na hinabol ako ng aso. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Aatakihin ba ako sa puso?
"Oh there you are! Nobu." Walang anu-ano'y may isang babae na lang biglang sumulpot sa harapan namin. Isang magandang babae, sexy, in short isa ring artista. Kumapit siya sa braso ni Ah Nou.
"I've been looking for you, a week na. Why you didn't answered all my calls?" Okay. Siya na ang reyna sa kaartehan. Pati sa accent. Haaayyyy..."I'm busy." Matipid niyang sagot. Anong busy? Haler! Wala ka nga masyadong gawa, palagi ka nga sa bahay nila Yu Shu. Tapos kapag may shooting halos ako na gumagawa ng mga bagay na kakailanganin niya..
"Oh, and by the way, meet my personal assistant. Jun Ya. Jun Ya, she's Starlet.""Starlet? Oh. Hello." Inilihad ko yung kamay ko. Pero inirapan lang niya ako tapos nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Inihagis niya sa akin yung bag niya. As if naman na alila niya rin ako.
BINABASA MO ANG
The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)
Fanfiction[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007. This story was the adaptation of the manga "Itazura na Kiss" by Tada Kaoru. It was an unfinished story because the author just died before c...