Kiss 35:
(Zhi Shu's POV)
Kakatapos lang ng isang major operation ko, it was again another success. Dumiretso na ako sa office ko, sigurado ako na naandun si Xiang Qin kasi tapos na ang mga duties niya.
"Xiang Qin..." Agad kong tawag sa kanya pagkapasok ko sa office ko. Pero wala siya.
Na saan naman kaya siya? Tapos biglang dumilim ang buong paligid. Block-out? Kinuha ko na yung cellphone ko at lumabas ako ng office ko. May mga nurse akong nakakasalubong na may dalang mga flashlight at tinutulungan yung ibang mga pasyente na naglalakad. Tinawagan ko na lang si Xiang Qin.
"He-hello..."
"Aaaaaahhh!! Ang init! Ano yung mainit!" May boses ng isang lalaki akong narinig sa kabilang linya.
"Waah! Bitawan mo ako!" May isang boses din ng babae akong narinig.
"Zhi Yi, anong- aish... aray ko!"
"Xiang Qin, na saan ka?"
"Zhi Shu! Zhi Shu! Wala na akong makita. Ang dilim! Zhi Shu!" Narinig kong paiyak na yung boses niya.
"Huminahon ka, alam mo bang na saan ka?"
"Ah... Na- nasa Room 29 ako!"
"Oh sige, papunta na ako diyan."
Pinatay ko na yung call at binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko saka ako pumunta sa Room 29. May mga nurse na rin ang nag-aassist sa kanila at ang pinakadulong pasyente ay nagwawala kasi nakaramdam daw siya ng mainit sa katawan niya. Pinuntahan ko agad sila at inilawan. May lugaw sa katawan niya tapos nakita ko na hawak hawak niya ang kamay ni Zhi Yi. Sa pinakang gitna ng dalawang kama, nakita ko si Xiang Qin na nasa sahig at nangangapa.
"Xiang Qin!" Agad ko siyang nilapitan.
"Zh-zhi Shu!!" Yumakap naman agad siya sa akin. "Wala na akong makita. Wala akong makita."
"Ssshhh... tahan na. Naandito na ako."
Inalalayan ko siyang tumayo habang nakayakap siya sa akin. Inilawan ko ang buong lugar may mga basag na bagay sa sahig at may tray. Mukhang natapon yung lugaw dun sa isang pasyente kaya siya nagwawala, mainit pa siguro yung lugaw. Maya-maya pa ay biglang nagkailaw na ulit.
"Ah, Zhi Shu... nakakakita na ulit ako. A-anong nangyari rito?" Napatingin siya dun sa lalaki na nagsisigaw sa sakit na nakahawak pa rin kay Zhi Yi. "Gi-gising na siya! Zhi Shu... gising na yung pasyente. Paano nangyari iyon?"
Medyo magulo ang buong lugar. Agad kong tinawag yung ibang nurse upang mag-asikaso dun sa lalaking pasyente. Pinakalma na namin yung sitwasyon at pinatawag si Doctor Xiao Xiao. Pagdating ni Dr. Xiao Xiao ay nagulat siya kasi isang linggo ng coma yung pasyente at ngayon lang nagising. Isang himala raw ang nangyari. Kinuwento ni Xiang Qin ang buong pangyayari. Pinapakain niya ng lugaw yung katabing matandang lalaki na pasyente nang biglang nawalan ng ilaw. Nataranta siya kasi wala na rin siyang nakita kaya na out of balance siya at naitapon yung lugaw dun sa isang pasyente. Isang himala kung tatawagin sapagkat nagising yung pasyente dahil lang sa natapunan siya ng mainit na lugaw. Napatingin na lang ako kay Xiang Qin.
Anong bang meron sa kaniya? Bakit siya nakakagawa ng himala mula sa kapalpakan niya?
Nagpasalamat na naman si Doc sa amin at sinabi niya na siya na lang ang bahala kaya umalis na kami. Hindi pa rin makapaniwala si Xiang Qin sa sitwasyon ni Liu Nong, yun pala ang pangalan nung pasyente. Naaksidente kasi ito, nahulog sa isang construction site. Nagkabali sa paa at halos isang linggong coma. Dirediretso pa rin ang pagsasalita niya hanggang sa makarating na kami sa office.
BINABASA MO ANG
The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)
Fanfiction[ON-GOING] It started with a kiss and They Kiss Again was a Taiwanese show. It was aired last 2005 and 2007. This story was the adaptation of the manga "Itazura na Kiss" by Tada Kaoru. It was an unfinished story because the author just died before c...