Chapter 49:

116 2 1
                                    

Kiss 49:

(Hao Mei POV)

Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil sa mga salita na binitawan ni Yu Shu. Matapos niyang sabihin na hindi niya ako girlfriend sasabihin niya na fiance ko siya? Ehh? Kailan pa? Nagpropose na ba siya sa akin? Bakit wala akong matandaan?

Matapos niyang sabihin sa harapan nilang lahat na ako ang fianceé niya ay hinila na niya ako papaalis sa lugar na iyon. Hawakhawak niya ang kamay ko at alam kong ramdam na ramdam ko sa kanya ang tension. Hindi ko alam kung saan kami papunta dahil nakatingin lang ako kay Yu Shu at nagulat na lang ako dahil nasa rooftop na kami ng isang building sa hospital na yun. Tapos binitawan na niya ako at huminga na siya ng malalim. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Ba-bakit?"

"Kailan ka nagpropose sa akin?" Medyo masungit kong tanong sa kanya. Umiiwas siya ng tingin at hindi niya sinasagot yung tanong ko sa kanya. "Bakit yun ang sinabi mo? Tapos hinalikan mo pa ako sa harapan nilang lahat."

"Ba-bakit? Mabuti na yun, para tumigil na sila. At saka hindi naman yun ang first kiss natin diba?" Nangangatal niyang sabi saka siya humarap sa akin. "Diba sinabihan na kita na layuan mo na si Ru Hua."

"Matagal mo ng kilala si Ru Hua?" Tumalikod siya sa akin. "So, yun ba yung reason kung bakit ayaw mo na lumalapit ako kay Ru Hua? Yu Shu, kaibigan ko si Ru Hua nung middle school. Hindi ko naman pwedeng basta balewalain yun."

Hindi pa rin siya kumibo at nakatalikod lang siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at mula sa likuran niya ay niyakap ko siya.

"Baliw ka talaga." Mahina kong sabi. "Ehh di sana noon palang sinabi mo na sa akin para alam ko kung ano ang gagawin ko. Hindi yung palagi mo akong pinag-iisip kung bakit ayaw mo sa kanya. Ngayon naiintidihan ko na. Huwag kang mag-alala. Kahit na kaibigan ko si Ru Hua hindi ibig sabihin nun ay hahayaan ko ng maagaw ka sa akin. Sabihin na natin na may kasunduan na magfiancee kayo, pero hindi yun basehan para bitawan kita. Kahit kaibigan ko siya, kahit na mas mayaman siya, Yu Shu, hinding hindi kita iiwanan at bibitawan." Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Humarap siya sa akin at niyakap niya rin ako. Sa totoo lang, simula nung isang gabi na pumunta kami sa bahay ni Ru Hua at tinawag ng Mommy niya si Yu Shu na fiance ng anak niya, naguluhan ako pero hindi ako nakaramdam ng takot at pangamba. Pati na rin yung picture na inupload ni Ru Hua sa social media acct niya, ni halos hindi na pumasok sa utak ko dahil na rin sa sitwasyon na meron kami ngayon. Mas nananaig pa rin ang takot ko na baka may masamang mangyari kay Jun Ya. Ngayon, nakakulong ako sa mga bisig ni Yu Shu, lalo akong napanatag na alam kong lahat ng ito ay may hangganan din.

(Ah Nou POV)

Sumasakit ulo ko hindi dahil sa pagod o puyat sumasakit ulo ko dahil sa mga sitwasyon na nasasaksihan ko. Pumunta kami sa isang chapel, kasama ko ngayon si Tita. Pagkatapos kasing umalis nila Yu Shu ay umalis na rin sila Ru Hua. May pagbabanta pa Mommy ni Ru Hua kay Tita about sa company nila pero dinedma lang iyon ni Tita. Tinext ko naman sila Yu Shu, sinabi ko na umalis na sila Ru Hua at kung pupuntahan kami ay nasa chapel lang kami. Napatingin ako kay Tita at nakita ko na taimtim siyang nagdadasal. Napatingin ako sa unahan. Tiningnan ko yung crucifix.

"Does He really hears us?" Napatingin sa akin si Tita.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka niyang tanong.

"Kung naririnig niya po ang mga dalangin ng mga tao, kasi kung totoong naririnig niya tayo bakit niya hinayaan na mawala si Lin Xia. For sure, I know, everyday both of her parents pray and wants her to be alive. I just don't get it. Does HE even real?" Huminga siya ng malalim.

"Ah Nou..." Hinawakan ako ni Tita sa mga kamay ko. "Ito ang palagi mong tatandaan, kung ano man ang belief mo sa buhay, GOD is real. Marahil masasabi mo na hindi niya pinapakinggan ang mga hiling natin kasi hindi ito umaayon sa kagustuhan natin. Alam mo kung bakit? Kasi lahat ay naaayon lang sa kanyang plano. Malay mo yung kahilingan mo pala ay hindi makakabuti para sa'yo. Kaya gumagawa siya ng ibang paraan, pagminsan nalilihis ito sa kung ano ang kagustuhan natin. Masakit, oo, pero at the end malalaman at makikita mo na iyon ang nararapat na mangyari. Or pagminsan naman nadedelay ang kahilingan natin dahil iba ang oras natin sa oras ng Diyos." Muli siyang tumingin sa crucifix. "Nalaman ko lang ang sitwasyon ni Lin Xia kanina nung sinamahan ko sila Xiao Fei sa mga dapat nilang asikasuhin. Hindi ko alam na may sakit na ang anak nila. Sinasabi nga niya na hopeless case na ang sitwasyon nito. Pero alam mo sinabi niya na kahit papaano Lin Xia is now free of pain. Bilang isang ina, kayang kaya niyang tiisin ang sakit, ang lungkot, pero ang hindi niya kayang tiisin ay ang makita ang anak niya na nahihirapan at nasasaktan dahil sa pain na kanyang nararamdaman. Hindi niya kaya na sa tuwing umiiyak at sumisigaw si Lin Xia sa sakit ay wala siyang magawa kundi ang umiyak na lang din at pinagdadasal niya na sana mawala na ang pain na nararamdaman ng anak niya." Tumingin ulit siya sa akin. "Alam kong hindi mo pa iyon maiintindihan. Time will come, and you'll understand. You will feel that GOD is real. Someday, you'll understand that everything happens for a reason."

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon