"Innocent Evil"
Zein's Point of View
Isang buwan na rin pala ang lumipas matapos kaming mapadpad dito. Hindi naging madali ang bawat araw sa amin, hindi kailanman magiging madali ang pananatili sa impyernong ito. Kung tutoosin ay maswerte pa rin kami na humihinga hanggang ngayon.
"Alam mo? Nakakapanibago sila." Sambit ni Vanessa habang pinagmamasdan ang mga estudyante na binabati kami.
Nagagawa na nilang ngumiti sa amin. Iyon kasi ang utos ng Supremo, kailangan nila kaming pakitaan ng maganda. Kahit na alam kong napipilitan lang sila.
"Hayaan mo na. Masasanay ka rin." Sambit ko.
Dumiretso kami sa library kung saan sasamahan ko si Vanessa sa paghahanap ng libro para sa assignment nya. Si Mia naman ay masakit ang ulo kaya nasa dorm lang tapos ang mga boys? Ewan, gumagala siguro.
Agad na naagaw ng pansin ko ang librarian na matanda na. Nakangisi ito sa akin kaya ibinalin ko sa iba ang aking tingin. Anong meron sa ngisi nya?
Umupo kami sa isang table kung saan hinihintay ko si Vanessa na makabalik dahil hinahanap pa nya ang libro. Sandali kong inikot ang aking paningin, parang ordinaryong library, napakaraming sign ng katahimikan, may mga mangilan-ngilan ding estudyante ang narito.
"Ikaw si Zein?"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil paglingon ko sa kaliwa ay mukha agad ng librarian ang tumambad sa akin. Nakangisi pa rin ito sa akin. Hindi ko gusto ang ngisi nya.
"O-opo." Sagot ko.
"Totoo nga ang balita. Mabilis kang nagkaroon ng posisyon at naitaas sa ika-siyam na pwesto."Sabi nya habang nakatingin sa aking uniform.
Hindi ko nagawang sumagot dahil hindi pa rin ako makaget over sa panggugulat nya sa akin.
"Parang nauulit ang lahat. Sana nga..." aniya."Sana sa pagkakatong ito, magtagumpay na."Dugtong niya.
Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Mahaba ang buhok nitong kulot na puti, kulubot na ang balat nito at nababalutan ang mata nya ng makapal na eye glass. Nakalagay sa nameplate sa kaliwang dibdib nya ang pangalang 'Leonora'.
"A-ano pong sinasabi nyo?" Tanong ko. Hindi ko kasi maintindihan. Anong sinasabi nyang mauulit muli? Ano ang tinutukoy nya.
"Kaibigan mo 'yon?" Tanong nya sabay turo kay Vanessa na nagkakalkal sa mga libro. "Alam ba nila?" Tanong nya.
"Ano po? Teka, ano po ba ang sinasabi nyo?"Wala talaga akong maintindihan.
"Nag-aaral sila ng mabuti para mapasali sa Highest 10, para makaalis dito. Pero ikaw, kasali ka na. Ano pang ginagawa mo sa impyernong ito?" Tanong nya sabay mahinang tumawa.
Napalunok ako nang mapagtanto ang ibig nyang sabihin. Natikom ang aking bibig.
"Alam mo na hindi ba? Nagpaniwala ka naman?" Tanong nya. "May mali sa bawat kwento, tandaan mo Zein, walang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo lang din. Kahit ang mga kaibigan mo, huwag kang magtitiwala. Ikaw din. Baka maulit ang nangyari dati. Mag-iingat ka."
Tumalikod na sya at pumunta muli sa upuan nya sa dulo kung saan naroroon ang kanyang table.
Hindi ko pa rin ma-absorb lahat ng sinabi nya. Hindi tama 'yon, kaibigan ko sila, dapat ko silang pagkatiwalaan. Ginugulo nya lang ako, tama! Ginugulo lang nila ako. Hindi ako makikinig sa kanila, pinagkakatiwalaan ko ang aking mga kaibigan gaya ng pagtitiwala nila sa akin.