"Forever"
Matt's Point of View
We won. Nagapi namin lahat ng tauhan ni Madame Violet. Mas marami kami at may mga pulis pa. Lahat kami ngayon ay nakatingin na lang sa isang babaeng may hawak na baril.
"Mag-isa ka na lang... Wala ka ng laban sa amin." Wika ni Raze.
Alam kong nagpipigilan lang sya ng galit dahil ang babaeng ito ang puno't dulo ng lahat. Kinuha nila lahat ng mga mahalagang tao hindi lang kina Supremo at Raze kundi maging sa mga taong pinaslang din nila.
Maging ako ay galit sa kanya pero sa kalagayan nya ngayon, napalitan na 'yon ng awa. Nakakaawa sya.
"Nagkakamali ka... Kasama ko pa ang anak ko, darating sya!"
Napabuntong-hininga na lang ako habang inaalala ang bangkay ng anak nya. Wala na sya sa katinuan at hindi nya napansin na napaslang na nya ang nag-iisang kakampi nya sa laban na ito. Kinain sya ng kanyang ambisyon.
"You killed your son... He's gone... Liam was gone."
"What?!" Itinaasa nito ang kanyang braso na may baril at itinutok kay Nazzer. "You killed my son?!" Tanong nito.
Pumatak ang isang luha sa kanyang mata na hindi kalauna'y nagsunod-sunod na. I feel sorry for her... She killed her son unconciously.
Sa tingin ko ay hindi na sa kulungan ang bagsak nya... mental hospital na.
"Damn! No! You killed your own son! Anong klaseng magulang ka?!" Sigaw sa kanya ni Jerome na pinapakalma ni Vanessa.
Si Davies naman ay nakasandal na lang sa puno dahil sa puno. Kasama nya si Mia na hinihingal din. Hindi ko maiwasang mapangiti.
Sa wakas, tapos na. Makakalaban na kami sa impyernong ito ng sama-sama. Shit! Salamat at walang nawala sa amin.
Narinig ko ang halakhak ni Madame Violet na sa tingin ko ay tuluyan ng nawala sa katinuan.
"Tama na, mahal... Itigil na natin ito." Wika ni Francisco na nakaposas at hawak ng mga pulis.
Napatingin sa kanya si Madame Violet. "Mahal? Bakit mo ako tinalikuran? Akala ko kakampi kita?" Malungkot na tanong nito.
"Mahal kita kaya kita tinalikuran... Sumuko ka na, tama na pakiusap."
"Mahal..."
"Marami ng nadamay sa ambisyon na ito. Handa akong pagbayaran ang lahat ng iyon kahit na malabong mabayaran ko. Mahal... Sa laban na ito, talo tayo. Wala tayong laban kahit na anong gawin natin... Kahit dayain natin sila... Talo tayo."
Natigilan si Madame Violet na napatingin sa taas kung saan pumatak ang ulan. Maya-maya ay bumuhos na ang malakas na ulan. Sumabay pa ang pag-ihip ng hangin kaya nangatog ang tuhod ko sa lamig.
"Kapag ba sumuko ako... Mapapatawad ako ng anak ko?"
"Hindi..." Sagot ni Raze. "Dahil kailanman ay hindi sya nagtanim ng sama ng loob sa'yo. Wala ka dapat ipagpatawad dahil mahal ka ng anak mo." Sagot ni Raze.
Natigilan si Madame Violet. Binalot ang paligid ng katahimikan. Nakakabinging katahimikan na binasag ng halakhak ni Madame Violet.
"Hindi pa tapos ang lahat..." Nakangising wika nito sa lahat. "Hindi ako ang tunay na kalaban." Dugtong pa nito.