"I miss you"
Zein's Point of View
Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko habang nakatingin sa mga taong may kung anu-anong nilalagay sa akin. Malabo ang lahat at hindi ko makita ang mga mukha nila, basta ang alam ko lang ay naka surgical mask sila at mga nakaputing damit. Naramdaman ko ang muling pag-ikot ng paningin ko.
Nagising ako sa isang malawak na puting kwarto. Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng hindi familiar na silid na ito. Walang ibang gamit kundi ang hinihigaan kong puting kama, wala ring bintana ang tanging ang fluorescent lamp lang ang nagbibigay liwanag sa paligid at nakasara ang nag-iisang pinto.
Napatingin ako sa suot ko. Naka school uniform pa rin ako. I tried to move my legs expecting a severe pain, pero wala. Wala akong maramdamang sakit o bakas man lang na pinuruhan ako ng makapal na tubo. Kumunot ang noo ko at inalalayan ang sariling makaupo.
Hinawakan ko ang likod ko pero wala rin akong maramdamang hapdi. Imposible namang patay na ako dahil alam kong humihinga pa ako, ano bang nangyari? Asan ako?
Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang lalaking naka laboratory suit na may surgical mask pa. Sandali nya akong sinulyapan bago lumapit sa akin at hinawakan ang aking binti at ni-check ito.
"May nararamdaman ka bang sakit o hapdi man lang?" Tanong nya habang patuloy pa rin sa pag-scan sa binti ko na animo'y naghahanap ng kung ano roon.
"W-Wala po." Malalim na sagot ko.
Kahit na wala akong nararamdamang sakit ay ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko at ang pahirapang pagsinghap ng hangin. Pakiramdam ko ay nasasakal ako sa lugar na ito kahit na malawak naman.
"Good. No scar nor bruise."
"Sandali po!" Pigil ko nang aktong aalis na sya.
Tumigil naman sya sa pagtangkang pagpihit ng seradula ng pitno at binalingan ako ng tingin habang nakataas pa ang isang kilay. Lumunok ako. "Where am I? Sino ka?" Tanong ko.
"Sorry binibini, hindi ko masasagot ang katanungan mo." Lumabas na sya at iniwan akong tulala.
Napabuga na lang ako ng hangin at ginalaw muli ang binti ko. Hindi ko maiwasang mapangiti, ano kayang klaseng paggamot ang ginawa nila sa akin at parang isang himala na hindi ako nalumpo?
Naalala ko na naman ang ginawa nila sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangisi. Hintayin nyo ako mga mapagpanggap na tao, matagal na rin akong nagpapanggap at isang galaw ko lang ay makakatakas na ako at magiging malaya na. Hintayin nyo ako, malapit na akong makawala.
Nawala lahat ng pagkamuhi ko nang makita kung sino ngayon ang nakatayo sa pinto. Ang malalim na mata nito na tinatakpan ng salamin ay nakatitig sa akin, may halong pananabik at pag-aalala. Ang pagsikip ng dibdib ko ay mas lumala habang sumasabay ako sa mga titig nya.
"G-Gising ka na." Ang unang katagang kumawala sa labi nya bago sumilay ang isang ngiting nagpaluwag sa paghinga ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sa akin ng lalaking 'to, nakakabaliw.
Pinagmasdan ko syang lumapit sa akin. Bawat hakbang na ginagawa nya ay parang talbog sa puso ko na gustong kumawala at pumunta sa kanya. Hindi ko na napigilang mapatayo at mapatakbo sa kanya.
Napasinghap ako nang magtama ang katawan namin at nang pumulupot ang braso nya sa likod ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ilang araw din kaming hindi nagkita para makaramdam ng ganitong klaseng pangungulila. God! I badly missed this guy and I don't know why.