"King and Queen"
Vanessa's Point of View
Pinauna ko na si Zein dahil alam kong matatagalan pa ako. Ang hirap talagang magmarunong lalo na kung napipilitan ka lang. Katulad ng ginagawa ko, nagpapaka book worm para lang mapasali sa Highest 10. Sigh.
"Here..."
Narinig kong may nagsalita sa harap ko at naglatag ng isang libro sa lamesa ko. Tumaas ang aking paningin at tumambad sa akin ang isang lalaki na nakangiti. Mejo chinito ito na matangkad lang sa akin ng konti.
"Tapos na kami sa assignment na 'yan and I've got my answers from that book." Turo nya sa librong ibinaba nya kanina.
Sinulyapan ko ang libro at binasa ang title. Tumugma sa assigment ko ang title kaya kinuha ko na ito.
"May I hear the magic word?" Tanong nya na ngayon ay nakaupo na sa kaninang pwesto ni Zein.
"T-Thank you." Sagot ko.
"Yon! Akala ko 'di ka marunong magsalita, tuturuan sana kita." Biro nya na mahina kong ikinatawa.
Sa palagay ko ay mapagbiro talaga ito. Mejo corny pero jolly.
"Liam."
Pinagmasdan ko ang kamay nyang nakalahad sa aking harapan at naghihintay na abutin ko ito.
"Vanessa."
Maikli kong tugon at binalewala ang kamay nyang nakalahad pa rin. Ibinalik ko na lang sa librong ibinigay nya ang aking paningin.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nya. I am not really a friendly person, kontento na ako sa mga kaibigan ko ngayon. I usually ignore people getting near on me.
"Page 256." dinig kong sambit niya.
Inilipat ko ang pahina ng libro sa sinabi nya at saglit na binasa ang content nito. Wala sa sariling napangiti ako nang makita lahat ng sagot sa aking tanong.
Kinuha ko na ang aking kwaderno at nagsimulang magsulat ng sagot.
"Vanessa. Such a beautiful name." dinig kong sabi nya.
Saglit akong natigilan ngunit hindi ko ito ipinahalata. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagsusulat.
Lumipas ang minuto at natapos na ako sa aking assignment ngunit si Liam ay nanatiling nakaupo sa harap. Hindi ko sya sinulyapan kaya hindi ko alam kung natutulog na ba sya, nagbabasa o nakatingin lang sa akin.
"Are you done?" Tanong nya.
Ngayon ko lang narealized na baka hinihintay nya ang libro na ipinahiram nya lang sa akin kaya nahihiyang ibinalik ko 'yon sa kanya.
"Salamat." Nilakasan ko ang loob na tumingin sa kanya. Inilapit ko sa kanya ang libro. Tama nga, nakatingin lang sya sa akin habang nakangiti.
Anong problema ng isang 'to? May saltik ata.
"Nah. You can borrow it since tapos na rin kami sa librong 'yan." aniya sabay balik ng libro sa akin.
Gusto ko pa sanang makipagtalo na hindi ko na kailangan ng libro nya ay kinuha ko na lang ito para hindi na humaba ang usapan namin. Inayos ko ang mga gamit ko at tumayo na.