"I will"
Zein's Point of View
I can't blame you because I know what I have done. It sucks knowing you are with someone else now but what can I do? It was my fault. I pushed you away, it was me. I will just be thankful you are not in a misery... unlike me. Still... I was wrecked with that scene that I can't do anything but to smile and take all the blame.
I was silently hurt so much that I can no longer feel how painful it was supposed to be.
You will never be forgotten by my heart but my mind can. Supremo, minahal at minamahal pa rin kita pero tama na... Tapos na tayo.
Hindi na ako nagulat nang pagkarating ko sa SSG Office ay walang Supremo ang bumungad sa akin. Only Vice Ty and Teacher Kath na seryosong nag-uusap.
Dumiretso na lang ako sa table ko at inayos ang mga papeles na hindi ko naayos kahapon. Kahapon na wala ako sa sarili para hintayin ang isang taong hindi na pala babalik.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang bumukas ang pinto. Nagtama ang mata namin pero mabilis na umiwas din 'to ng tingin at dumiretso sa kanyang table.
Ibinalik ko na lang sa ginagawa ko ang mata ko nang marinig ang mahinang buntong hininga niya. Hindi naging madali para sa akin ang pigilan ang sarili kong lingunin sya.
Nakarinig ako ng kaluskos sa gilid ko kaya hindi ko na talaga napigilang lingunin 'to. Kumunot ang noo ko nang makitang pinupunit nya ang logbook.
Naguguluhan man ay minabuti ko na lang na ibalik sa ginagawa ko ang aking atensyon.
Natapos na akong mag-ayos kaya binalingan ko ng tingin ang katabi kong nakayuko sa kanyang desk at nakatagilid papunta sa akin ang ulo.
Tulog 'to at nakatabingi na ang eye glass. Mukhang pagod na pagod sya at walang tulog. Hindi ko magawang iiwas ang mata ko... kahit man lang ngayon matitigan kita nang hindi mag-aalalang mahuli mo ako.
Gusto kitang lapitan... Gusto kong ayusin ang gusot mong polo at magulo mong buhok... Gusto kong alisin ang salamin mo at ayusing ang position mo para hindi ka mangawit pero alam kong hanggang gusto lang ako... Masaya ka na. Ayoko ng guluhin ka pa. Masakit man pero hanggang dito lang ako.
Napagitla ako nang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Angel na tinapunan lang ako ng saglit na tingin bago dumiretso sa table ni Supremo.
Gusto ko syang pigilan sa paggising kay Supremo dahil halatang pagod ito at kulang sa tulog pero sino ba naman ako para pigilan sya? Pero sana... hinayaan nya na munang magpahinga ang tao.
Ano ba kasing ginawa nya at mukhang hindi sya natutulog? Psh.
Tinapik nya nang mahina ang balikat ni Supremo na agad namang nagising. Pumungay ang mga mata nito na naniningkit.
Mabilis na kumilos naman 'to nang makita si Angel sa harap nya.
Tumayo si Supremo at sabay silang lumabas ni Angel na hindi man lang naglalabas ng mga salita na animo'y alam na niya kung ano ang dahilan kung bakit naparito si Angel.
Baka naman may plano na talaga sila... baka.
Nagstay muna ako ng ilang minuto bago napagpasyahang tumayo na at pumunta sa cafeteria. Lunch break...
"Cancelled ang pasok..." Bungad ko sa mga kaibigan ko.
"Oh? Bakit daw?" Tanong naman ni Mia.