"Fairy Tale"
Zein's Point of View
Ang pagkainip ko ay umabot na ata sa aking mata. Halos pumikit na ito sa antok and I am trying my very best to entertain myself.
Quiz. Ang mga kaklase ko ay todo sulat sa kanilang mga papel. 'Yong iba ay nakakunot ang noo habang ang iba ay humahaba ang leeg. Typical students.
Tumayo si Lyka at pumunta sa harap bitbit ang piraso ng papel na sa tingin ko ay ang sagot nya. Napaangat ng tingin si Teacher Aya at isang ngiti ang kumawala sa labi nya nang makita si Lyka.
Naningkit ang aking mata. There's something with that smile, maybe sadness? longing? Biglang sumagi sa isip ko si Supremo, ganito rin ba ang pakiramdam nya habang iniisip ang dahilang ng ngiti ko?
Was he just curious? Maybe, yes. Ano pa nga bang in-e-expect ko? Maybe he was just not in control of his curiosity? He was just so damn curious about the reasons behind my mysterious bright smile.
"You've got a perfect score. Your mother must be proud of you." Nakangiting wika ni Teacher Aya.
"T-Thank you." Nanginig ang boses ni Lyka and suddenly, they hugged each other.
They seem like, a mother and her daughter. Yeah.
Bago bumalik sa upuan nya si Lyka ay pinunasan nya muna ang mata nya. Tumingin ako sa aking mga kaklase na busy pa rin sa kakasagot. Ako lang ata ang nakapansin dahil busy ang lahat o wala lang talaga silang pakialam?
Natigilan kaming lahat nang biglang tumunog ang mga speaker sa paligid na lumikha ng nakakabinging ingay na tumagal lang ng sandali.
"Good morning students,"
One sentence and I just found myself seeking for air. I have a bad feeling about this. Napakasaya ng boses nya. She seems so happy. Together with the Vice President under admins of Hell University.Francisco Augustine.
Ano na naman ito ngayon?
Mukhang hindi lang ako ang kinabahan. Maging ang lahat ng kaklase ko ay halatang kinakabahan, ang iba ay hindi na nila namalayang nabitawan na nila ang kanilang mga ballpen. Si Teacher Aya naman ay nakatingin ng malungkot sa isang kaklase namin na halatang kinakabahan din.
"Do you find bloody week boring?" Tanong nya na ikinatawa nya.
Boring? Boring your face. Hindi ka pa ba nakuntento na maraming estudyante na ang namatay dahil sa kagagawan nyo? Wasn't it, enough? What are you planning now to satisfy your boredom? Black Lady.
"Let's play a game."
Game? Where our lives are involved? Binuksan ko ang laman ng aking bag. Agad na naagaw ng aking pansin ang isang kahon na pahaba. Pumorma sa aking labi ang isang ngiti. Well, I am ready to play.Muli kong isinara ang aking bag.
"May inilagay kami sa inyong locker. Isang pangalan, pangalan ng taong kailangan nyong mapatay bago lumubog ang araw bukas."
Bukas na matatapos ang blood week. Finally, pero alam kong hindi namin kailangang mapanatag. Shit! Hindi talaga nila kami titigilan, they want a bloody ending. Curse their souls.
"Lets add a twist. Kapag wala kayong nakitang pangalan sa inyong locker. Youaredoom. Hindi mo alam kung sino ang papatay sa'yo, kailangan mo syang maunahan. Kapag hindi nyo natapos ang laro, kami na mismo ang tatapos sa inyo."