"Awaken"
Zein's Point of View
I can't breathe...
Napapikit ako kasabay ng pagdilim ng lahat. Natatakot ako... sobra. Ayoko sa dilim. Ayokong makulong sa dilim.
Naramdaman ko ang muling pagbagsak ng luha sa mata ko kasabay ng panunumbalik ng mga alaala.
Akala ko tama. Akala ko tama na layuan ka. Akala ko tama ang naging desisyon ko.
Tama naman e. Tama na nilayuan kita. Napakalaki ng tama pero bakit ganon? Napakaliit lang ng mali pero mas nanaig ito?
Napasinghap ako sa dilim nang maramdaman ang paninikip ng dibdib ko.
Napakaraming pagkakataon ang nasayang ko. Mga pagkakataon na dapat ay kasama kita. Mga pagkakataon na dapat inilaan ko sa'yo. Mga pagkakataon na hindi na maibabalik pa.
I should have trusted you.
Sana... Hindi pa huli ang lahat dahil kung bibigyan pa ako ng pangalawang pagkakataon... Sisiguraduhin kong hindi na ako muli magkakamali.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Kahit na nakapikit ako ay tila kilala ng puso ko kung sino ito dahil ganon na lang ang pagwawala nito.
"Darling... I'm here. Open your eyes."
Hindi ko alam pero parang nanumbalik lahat ng lakas ko matapos nya akong hawakan at marinig ang kanyang tinig.
Nakakabingi ang tibok ng puso ko na parang gusto ng kumawala sa dibdib ko.
Nakahinga na ako ng maluwag dahil malamang na nakabukas na ngayon ang incubator.
I tried to open my eyes. Nanginginig ang paningin ko at masyadong malabo. Malabo ngunit nakikita ko ang isang pigura na gusto kong hawakan.
Unti-unti ay lumiwanag na ang lahat. Napangiti ako na sya ang unang bumungad sa akin.
"I'm sorry... Darling, forgive me."
Kahit na nanghihina ay inangat ko ang braso ko para haplusin ang kanyang mukha. Akala ko hindi ko na sya makakaharap nang ganito kalapit.
"S-Supremo..."
Inalalayan nya akong makatayo. Napayakap ako sa kanya nang maramdaman ang panginginig ng tuhod ko. Nanghihina pa rin ako dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin.
"Can you walk?"
Hindi ako nakapagsalita nang mapagtanto ang nangyayari sa paligid. Kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Supremo na nakangisi sa akin.
"W-What the hell is happening?"
Nakapalibot sa aming dalawang ang mga taong naka pula at itim na maskara na animo'y pinoprotektahan kami.
Lumayo ako nang konti sa kanya at kahit papaano ay nakayanan ko ng tumayo.
"You came back to me." Sambit nito habang nakangiti. "Sinabi mo 'yan." Dugtong pa nito.
Kumunot ang noo ko bago napagtanto kung ano ang tinutukoy nya. "Yes. I'm back and will never turn back, again." Lumapit ako sa kanya.
"Promise me... You'll never leave me again. I don't wanna be alone again."
Hinawakan ko ang kamay nya at tumitig sa kanyang mata. Napangiti ako dahil hindi nya suot ang salamin nya. Hindi naman kasi talaga malabo ang mata nya e.
"I can't promise but I will stay no matter what. I will never do the same mistake again. Never. Ever."
Humigpit ang hawak nya sa kamay ko nang may pagsabog na naganap. Kumunot ang noo ko ngunit nanatili ang kanyang ngiti sa labi.