"Started"
Zein's Point of View
Madilim...
Hindi ko alam kung nasan ako. Wala akong makita. Binabalot ako ng takot at pangamba.
Nasan ako?
Naglakad ako... Dahan-dahan. Hindi ko alam kung may hangganan ang dilim na ito hanggang sa biglang nagkaroon ng mga imahe na malabo.
Magulo... Nagtatakbuhan... Nakakabingi ang mga sigawan.
Sa karamihan ng mga nagkakagulong tao ay may dalawang taong katangi-tanging nakaagaw ng atensyon ko.
Sumikip ang dibdib ko habang nakikita ang magkahawak nilang kamay...
Pinagmasdan ko kung paano sila pinalibutan ng maraming tao... Wala akong maintindihan pero pakiramdam ko ay mamamatay na ako.
Napapikit ako nang makitang niyakap niya ang kasama nya. Nakikita ko sa lalaki ang pigura ng taong handa ko ng ipaglaban pero... Sino ang babaeng niyakap nya?
Sino?
Pawis na pawis na namulat ang mata ko sa isang puting silid kung saan walang gamit at gawa sa bakal ang nag-iisang pinto.
Sinubukan kong tumayo ngunit sobrang sakit ng katawan ko. Ramdam ko rin na nanginginig pa ang ibang bahagi ko... malamang na dahil 'yon sa pagkakakuryente sa akin.
Sina Mia... Nakatakas sila.
Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Sana nasa mabuting kalagayan na sila. Kahit man lang ngayon ay may napanindigan ako sa mga pangako ko sa sarili ko.
Nakakalungkot lang na mukhang ang pangako kong babalik ay hindi ko na magagawa. Hindi na nila ako papakawalan. Wala sa sariling napangiti na lang ako at tumitig sa puting kisame.
Bigla ko na namang naalala ang panaginip na 'yon. Anong ibig sabihin no'n? Bakit parang sobra akong naapektuhan? Naguguluhan ako pero mas naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
Supremo? Nasan ka? Sana hindi ka nila sinaktan--- Napapikit ako nang maramdaman ko ang kakaibang pakiramdam habang iniisip na sinaktan nila si Supremo.
Dare me... I'll kill you. Huwag nyo syang sasaktan.
Sinubukan kong tumayo muli at sa pagkakataong ito ay mejo nakayanan ko na kahit na nanghihina pa rin ako. Sinubukan kong buksan ang pinto kahit na alam kong nakakandado 'yon.
Napakagat ako sa aking labi nang kumirot ang likod ko dahil sa pwersang ibinuhos ko sa pagtangkang pagbukas ng pinto.
Napasandal na lang ako sa pader habang hinahabol ang hininga ko. Hindi ko pa talaga kayang kumilos dahil sa panghihina ko.
Shit!
Hindi na ba talaga ako makakatakas? Ito na ba talaga ang katapusan? Hanggang dito na lang ba talaga ako?
Zein... Hanggang dito ka na lang ba?
Sandali akong natigilan nang marinig ang kaluskos galing sa kandado sa labas. Hinintay kong bumukas ito.
Pinanuod ko lang na lapitan ako ng dalawang naka lab gown at hawakan ang dalawang braso ko. Sinubukan kong bawiin ito ngunit hindi kaya ng katawan ko at ang katotohanang malaki ang katawan nila.