"Confession"-will it be a YES?
Zein's Point of View
"He is fine. Kailangan lang nya ng kaunting pahinga." Bungad sa amin ni Nurse Cha at sa likod nya ay si Supremo na diretso ang tingin sa akin.
Habang ginagamot ay nasa loob din si Supremo para siguraduhin na gagamutin nya talaga si Matt.
"Can we see him?" Tanong ni Jerome.
"Ah. Oo." Gumilid si Nurse Chat at nagpasukan silang lahat maliban sa amin nila Nurse Cha at Supremo.
"Excuse me," Pagpapaalam nito bago nagmadaling lumabas. Bale kami na lang ni Supremo ang narito.
"Salamat." Pagpapasalamat ko sa ginawa nya habang nakatingin sa kanyang mata na nagtatanong.
"Are you okey?" Alalang tanong nya at hinigit ako para suriin ang bawat parte ng katawan ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti na ganito pala mag-alala si Supremo. OA.
"Hey! Why are you smiling?! Tell me where it hurts."
Hinawakan ko ang kamay nya para pakalmahin sya sa pag-o-over react. "I am. Matt protected me." Sagot ko.
Tumalikod na ito sa akin para umalis na. "Matt must be so lucky to have you as a friend." Walang buhay nyang sambit at nanatiling nakatalikod sa akin.
Lucky?
"I don't think so." Mapakla kong tugon.
Binigo ko sya. Binigo ko ang pangako kong pagkakatiwalaan ko sya. Sinira ko ang pangako ko.
"Yes he is. Can I also be lucky?"
Kumunot ang aking noo ngunit nanatili syang nakatalikod sa akin.
"Can I have the luck of being with you? Please. Give me a chance, Zein."
Mabilis na naglaho sya sa kadiliman. Ang kaninang nakabagsak kong panga ay napalitan ng isang matamis na ngiti.
You don't need to please. You already have me.
Pumasok na ako sa loob at nadatnan kong tulog pa rin si Matt na may benda sa braso at mga pasa sa katawan. Halos manlambot ako sa nakikita kong kalagayan ni Matt, kalagayan na sana ay wala sya kung pinagkatiwalaan ko lang sana sya.
"Don't blame youself." Mahinang bulong sa akin ni Dave.
Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala silang lahat sa akin. Ang kaninang masikip kong dibdib ay bahagyang lumuwag nang makita ang mga ngiti nila sa akin. I couldn't measure how lucky I am to have them.
Umupo ako sa tabi ni Matt at hinawakan ang kanyang pisngi na may mga sugat. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"I-I'm still sorry, Matt. Sorry. Can you forgive me? Please."
Kumuyom ang kamao ko at napayuko na lang. Hindi ko pa rin maiwasang kamuhian ang sarili ko. I should have believed on him! Damn, Zein!
Naramdaman ko ang paghawak ni Jerome sa aking balikat para patahanin ako. "Stop crying. Hindi pa sya patay." Biro nya kaya binatukan sya ni Vanessa.