"Favor"
Zein's Point of View
Seems right feels wrong. I only have two choices still I chose the most painful one. Kahit masakit ay kailangan kong tanggapin na hindi kami maaari.
I know, we'll never be the same again.
Nakakalungkot lang na nangyari ang lahat sa gabi ng kaarawan nya. The pain will always be remembered and the scar will always be inside us. I am sorry, I had to give you up. Hoping someday, the pain would fade together with the feelings.
Hindi ko alam kung paano ako nakaligo at ngayon ay nakabihis na. Alam kong late na ako para sa next subject ko dahil late na rin naman akong nagising. Hindi na nila ako ginising dahil alam kong gusto rin nila akong makapagpahinga nang maayos.
Mabilis din akong nakatulog kagabi dahil sa kakaiyak. I cried every scene in every moments we had. Moments that will always remain inside of me. Hindi ko naman kailangang kalimutan ang lahat, hindi ko kailanman kakalimutan lahat ng pinagsamahan namin. That's already embeded inside my heart.
Muling sumikip ang dibdib ko kaya minabuti kong iwaksi na lang lahat. I am so tired of tears.
Kapag kalabas ko ng dorm ay kakaibang aura sa buong campus ang bumungad sa akin. Sobrang dilim ng paligid. Kinakabahan man ay nagpatuloy ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko.
"Huwag ka munang lalabas ng dorm."
Naguguluhan man ay nagawa kong pigilan si Mia sa pagtangka nyang paghila sa akin pabalik sa dorm.
"Please,"
"What's going on?" Naguguluhang tanong ko.
Napalitan ng pag-aalala ang kaninang seryosong mata ni Mia. Naramdaman ko na lang na may mga nakapalibot na pala sa amin. Damn!
"Where are you taking that bitch?" Nakahalukipkip na wika ni Roxane kay Mia.
Hindi nag-abalang sumagot si Mia bagkus ay hinigpitan nya pa ang pagkakahawak sa braso ko. Gusto kong magtanong ngunit hindi ko alam kung paano uumpisahan. Ano na naman bang nangyari? Akala ko tapos na lahat pagkatapos ng nangyari kagabi? Bakit tila iba ang tingin nila ngayon sa akin? Parang nandidiri sila na nangangalaiti.
"Come on, Zein." Tinangka akong hilain muli ni Mia ngunit hinarangan sya ng ilang estudyante.
Nanatiling tikom ang aking bibig.
"Seems confused huh?" Nakangising sabi ni Roxane na animo'y nabasa ang iniisip ko. "Well, alam naman na ng buong campus ang namagitan sa inyo ni Supremo. Ang exemption na ginawa nya sa paglabag mo sa rule." Humalakhak ako.
Napangisi na lang ako bago napailing. "Then, congrats." Sagot ko na ikinangiwi nya.
"Such a slut. I am sure she seduced our Supremo."
Napaatras ang babaeng nagsalita nang binalingan ko sya ng tingin. Tinaasan ko sya ng kilay. "I will accept that as a compliment. At least, nagawa kong akitin ang Supremo... ikaw ba? Kaya mo?" Natatawa kong wika na ikinalaglag ng panga nya.
"See? She seduced our Supremo! Papalampasin nyo ba 'to?" Wika naman ni Roxane na natuwa nang makuha ang simpatya nya mga tao.
Pathetic. Nakakaawang hindi nya ako kayang kalabaning mag-isa kaya humihingi sya ng simpatya sa iba. Well, alam naman na nila lahat bakit pa ako magpipigil?