"Saved"Chapter 27: Saved
Muli kong kinuha ang aking bag pack at sinulyapan si Matt na mahimbing ng natutulog dahil sa kalasingan.
Bumuntong-hininga na lang ako at napailing. Hindi naman kasi basta-basta umiinom ng alak si Matt, ewan ko nga ba kung bakit naisipan nyang magpakalunod sa alkohol.
Pagkalabas ko ay agad na hinanap ng mata ko ang mga kaibigan ko, ngunit kahit na isa man sa kanila ay wala akong natanaw.
Asan na ba ang mga 'yon?
Naglakad ako patungo sa wide space kung saan alam kong nakatambay ang lahat. Kapansin-pansin ang pag-iiwasan ng lahat. Kapag may makakasalubong sila ay pareho silang lalayo ng ilang metro na animo'y takot na baka may basta sumaksak na lang sa kanila.
"Hoy!"
Sinamaan ko ng tingin si Jerome nang gulatin nya ako ngunit tinawanan nya lang ako.
"It's not funny!"
"I know." Nakangiting sagot nya. "Aalis na sana ako rito pero nakita kita." Dugtong pa niya.
"Asan ang iba?"
Nginuso naman nya ang isang bruhang may kasamang lalaki na nakaupo sa isa sa mga benches dito sa wide space.
"Sinong kasama ni Van?" Tanong ko.
Nakatalikod sa akin ang lalaki kaya hindi ko mamukhaan.
"Liam." Tipid na sagot nya.
Kumunot ang aking noo bago napagtanto kung sino ang Liam na 'yon. Siya 'yong lalaking tinukso ko dati kay Van sa cafeteria. 'Yong lalaking pasimpleng sinusulyapan ng mga babae.
Bumalik ang tingin ko kay Jerome na hindi magawang sulyapan ang dalawa. I can smell something kaya hindi ko nagawang pigilan ang pagngisi. Hindi naman nahalata ni Jerome ang ngisi ko dahil sa iba sya nakatingin.
"I know what you are thinking." Sambit niya na hindi man lang sumusulyap sa akin.
Pft.
"Samahan mo na lang akong hanapin ang iba."Suhestyon ko. Tumango na lang sya at sabay kaming naglakad.
"S-Sino ang iyo?" Tanong ko. Kanina pa kasi bumabagabag sa aking isipan ang tanong na 'yon at hindi talaga ako mapapakali hanggat hindi ko naitatanong.
I really can't control my curiosity.
"Anonymous." Biro nya. Naramdaman nya atang hindi ako natawa sa sinabi nya kaya isang mabigat na hininga ang pinakawalan nya. "May mga bagay na hindi na natin kailangang malaman, bagay na hindi natin dapat pagtuonan ng pansin." Banggit nya.
Natahimik ako. Bakit ba kasi napaka matanong ko? Kahit naman ako siguro ang nasa sitwaston nya ay hindi ko magagawang sagutin ang tanong na 'yon. I must keep it a secret at mahirap isiwalat ang pangalan ng taong dapat mong patayin.
Sigh.
Pero ang sure ako ay may pangalan syang nakita. Definitely, alam nya kung sino ang dapat nyang puntiryahin para makaligtas sa kapahamakan.
"C-Can you kill that person?"
Shit! Zein Shion! Hindi mo talaga kayang pigilan ang bibig mo. Sermon ko sa aking sarili.