"Wrong"
Zein's Point of View
Lagi akong nasa likod nya. Laging ako ang pinoprotektahan nya. Nakakamangha na gamit lang ang isang kutsilyo at ang kanyang liksi ay nagagapi nya ang mga armadong lalaki.
Napapikit ako nang maramdaman ang muling pag-agos ng dugo galing sa braso ko. Halos buong braso ko na ngayon ay nababalot ng dugo.
Nararamdaman ko na rin ang panghihina dahil sa dami ng dugong nawala sa akin. Hindi 'yon napansin ni Supremo dahil busy sya sa pakikipaglaban.
Naluluha ako habang nakikita syang hingal na hingal. Tagaktak ang pawis nya at halos dugo na rin ang damit nya at kamay.
Napaawang ang bibig ko nang maramdaman ang pagrupok ng binti ko na parang babagsak na talaga ako.
No. Hindi ako maaring magapi ng pesteng kahinaan na ito. Ayokong makita nya akong mahina. Ayokong mag-alala sya.
Mabilis na itinago ko sa likod ko ang kaliwang braso ko nang palapit na sya sa akin.
Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa ngiti nya. Hinawakan nyang muli ang kamay ko.
"Lets go..."
Bigla kong naalala ang mga panaginip ko. Ako pala... Ako pala ang babaeng kahawak-kamay nya. Kinain ako ng kaba ng maaalala ng mga kasunod na nangyari sa panaginip ko--- No. Please.
Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman ang pag-ikot ng paningin ko hanggang sa naramdaman ko na lang na bumagsak na ako sa lupa.
"Zei- Shit!"
Mapait na napangiti na lang ako nang makita ang alala at gulat sa mata nya nang makita ang brasong hindi ko na naitago.
Nangingitim na rin ito at parang nauubusan na ng dugo.
"Hold on..."
"Hey!" Pigil ko sa kanya nang aktong bubuhayin nya ako. "I can still walk... Magpahinga na muna tayo." Wika ko.
"No... Please. Darling, let m-"
"Ssshh..." Sinubukan kong umupo na inalalayan naman nya ako. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat nya habang nakatingin sa dilim.
Bumibilis ang paghinga ko na animo'y kinakapos na rin ako ng dugo. Napapikit ako nang muling maramdaman ang pag-ikot ng paningin ko.
"Darling..." Tawag ko sa kanya. "Sorry... Sorry for everything." Mapait kong wika.
Napaklaki ng kasalanan ko. Marami akong pagkakamali na nagawa sa kanya. Nasaktan kami sa isang pagkakamali na ako lang ang may kasalanan. Naging biktima sya ng isang maling desisyon.
"You have nothing to sorry for. Naiintindihan kita..."
"Still, sorry."
Kinain kami nang katahimikan. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil napakaromantic ng mga minutong ito kahit na nagpapatayan na.
Kung makakaligtas kami sa pagsubok na ito, ibibigay ko ang lahat ng kailangan ng lalaking ito. I will give what he deserve.
I am willing to give every piece of me tocompletehim.
"Tara na."
Inalalayan nya akong makatayo. Kahit papaano ay nakatulong ang pagpapahinga namin dahil kahit papaano ay nakalakad na akong muli ngunit sobrang higpit na ng hawak sa akin ni Supremo na parang wala na syang balak kumalas sa akin.