Magic 14- Drawing

370 16 4
                                    

Magic 14- Drawing

"Wag kayong magulo."

"Umaangal ka pa ikaw na nga tong sinusubuan."

"Ang ingay nyo! Baka magising si Hanna!"

"Waah!! Gusto ko pa ng pagkain Chavin!"

Dahan-dahan kong minulat yung mata ko dahil sa ingay. Pagkagising ko nandito na naman ako. Sa Clinic na to. Pangatlong beses na to ah.

"Ang ingay nyo! Ayan! Nagising na si Hanna!" Napatingin ako sa gilid ko. Sila Layla, Scar, at Trinna pahero kaming nasa kama. Nakaupo nga lang sila at nagaagawan sa pagkain.

Umupo ako at hinawakan ko yung noo ko. Aray, parang biglang bumigat yung ulo ko. Pumikit-pikit ako at iniling yung ulo ko.

"Okay ka lang ba Hanna?" tanong ni Chavin. Tumango lang ako sa kanya. Sht. Parang naipon lahat ng bigat sa tuktok ng ulo ko at nung pagkaupo ko lahat bumaba. Aray.. Sakit. Shet!

"Oy! *pout* Nakalimutan nyo na ko! Penge pagkain!" Napatingin kami kay Scar na nakapout na ngayon. Napailing na lang ako sa kaniya.

"Oy Scar! Kanina ka pa pinapakain nila Gun! Kami naman ni Trinna!"- Layla.

"Sige go lang. Push nyo yan." Si Trinna nagbabasa ng libro. Napatingin ako kela Chavin at Gun napansin ko na mag mga band aid sila sa katawan. Aish! Oo nga pala. Muntik na kami-----

"Wait. Pano tayo nakarating dito?"tanong ko sa kanila. Lahat sila napatingin sakin. Hindi man sabay-sabay pero lahat sila nagkibit balikat.

"Sabi ni Mr. Hance tuluyan na daw tayong inatake ng mga Dark Pets tapos nawalan daw tayo ng malay. Pagdating nila sa Forest nandun lang tayo. Nakahilata." Sabi ni Chavin. Napakunot yung noo ko sa sinabi niya pero nagkibit balikat lang siya.

"Pero sa totoo lang wala naman akong natandaan na nahimatay tayo. Sila Scar at Trinna nakita ko pa. Pero ako? Si Chavin at Gun? Pati na ikaw Hanna? Hindi ko nga maalala kung paano tayo nahimatay."sabi ni Layla. She looked at me knowingly. Parang may ibig sabihin yung sinabi nya.

"Kailan pa kayo nagising?"tanong ko.

"Pagkagising ko gising na sila Gun at Chavin. Sunod na gumising si Scar at kahapon si Trinna."sabi ulit ni Layla.

"Ilang araw na ba tayo natutulog at hindi pumapasok?" tanong ko.

"Dalawang linggo." Sabi ni Chavin. Nanlaki yung mata ko.

"ANO?! Na naman?" I snorted. Hindi na ko nakakaattend ng class.

Hinawakan ko yung noo ko. Sumakit ulit.

"Okay ka lang ba?" Sabi nila.

"Oo okay lang ako. Pwede na ba tayo pumasok ngayon? Tutal naman okay na ko."sabi ko sa kanila.

"Pwede naman ang gusto nga namin sabay sabay na tayo pumasok e." sabi ni Chavin.

"Ano na bang class ang maabutan natin?" Medyo napatigil ako sa naisip ko. Ako ba to? Dati sa Regular World ayaw kong mag-aral. Halos lagi ko na lang pinipilit sarili ko na pumasok. Konting sakit ng ulo umaabsent na ko. Pero ngayon halos kakagaling ko sa bingit ng kamatayan pero gustong-gusto ko parin pumasok.

"2nd break na ngayon nila. Bale pag pumasok tayo yung class ni Mr. Hance yung maaabutan natin." Sabi ni Layla. Tumango-tango naman ako.

"Sige magbibihis na lang kami tapos pasok tayo. Payag kayo?" tanong ko sa girls. Tumango naman sila. At dahan dahan kaming tumayo.

***

"Sure ba kayong papasok na kayo sa klase ko? Lalo ka na Hanna na kakagising pa lang? Excuse naman kayo e kaya pwede pa kayo magpahinga."- Mr. Hance.

West-Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon