Magic 6- The Dark Magicians

530 24 2
                                    

A/N:

Hi WMA Readers! Dahil may free wi-fi na umaaligid sa paligid kaya makakapag-update ako. Gift ko na to sa inyo. Sana marami pang magbasa! Please share nyo din po sana tong story sa mga friends nyo. Kasi katulad nyo silent reader rin ako kaya waley, NGANGA. HAHAHAHA! I love you all!

Advance Happy New Year Everyone!

______________________________________________

Magic 6- The Dark Magicians

 “Hanna gising na.” sabi sakin ng isang babae habang tinatapik yung pisngi ko.

Pagdilat ko ng mata ko si Scar pala yun kakagising lang din.

Tinignan ko yung oras. 5:15 am palang wala pang araw.

“Bakit yata ang aga nating gumising wala pang araw oh.”sabi ko habang inaayos yung kama ko. Kakalabas lang ni Trin sa CR bagong ligo sya. Nakabihis na sya ng plain Yellow loose tshirt tsaka black and light blue leggings with stars pa.

“Yun nga yun eh, aabangan natin yung sunrise sa rooftop tsaka maglalakad-lakad na din tayo.”sabi ni Trin.

“Ang tagal mo naman maligo Trin.”sabi ni Scar. Pumasok na sya sa CR.

“Hanna Pagkatapos ni Scar ikaw na maligo. Sya na nagayos ng susuotin mo. Pero kung ayaw mo yung nilabas nya ibahin mo hindi ko din like yung pinili nya eh” Trin. Tinignan ko yung damit sa dulo ng kama ko. Plain white loose tshirt tapos rainbow leggings tapos black sneakers.

“Okay lang sakin kahit ano.”

“Alam mo Hanna magugustuhan mo talaga dito lalo na kapag sunrise at sunset.”sabi ni Trin habang nagsusuot ng blue sneakers.

“Excited na ko.”

*

Pagkatapos maligo ni Scar ako na yung sumunod. Ang ganda nga nung suot nya pink loose tshirt tapos floral leggings and black sneakers.

Tapos na ko maligo ngayon mga 5:45 na. Kakatapos ko lang isuot yung sneakers ko. Astig nga eh. Alam nila size ng paa ko.

“Ayan. Ano ready ka na Hanna? Medyo malapit na magsunrise oh.”sabi ni Trin.

“Sige tara n---Ay oo nga pala…” Naalala ko yung phone pati yung drawing notebook ko. Dadalhin ko yun para makadrawing mamaya.

“Ano yun? May nakalimutan ka Hanna?”sabi ni Trin.

“Ahm meron ba kayong small shoulder bag? Yung kakasya yung isang notebook?”

“Ah! I have! Marami ako nyan.”sabi ni Scar

West-Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon