Magic 11- Special Training with Mr. Hance
Nagising ako ng maaga. Syempre damay-damay na to kaya ginising ko na rin yung dalawa.
“Hmm. Hanna ang aga-aga pa.” Sabi nila dalawa.
“*pout* Ang sama nyo. Hmp! Edi wag! Ako na lang mag-isa pupunta sa canteen.” Good mood ako tapos hindi nila ako sasamahan para magbreakfast? Unfair! Ako nga ginigising nila kahit maaga basta ba gising na silang dalawa! Tapos ako bawal manggising? Wth.
“Sige na nga. Babangon na. Baka may mangyare na naman sayo.”sabi ni Trinna. Bumangon na sya at inalog-alog nya si Scar.
“Hoy Scar! Tayo na dyan! Ano to ako lang babangon?”
“*yawn* sobrang excited ka naman Hanna. Mamayang uwian pa yung training mo.” Sabi ni scar habang kinukusot yung mata nya.
“Ang arte nyo. 30 minutes lang naman yung ikinagahan ko e.”
“Dami mo pang reklamo Scar tara bumangon ka na dyan.” Sabi ni Trinna at dumeretso na sa banyo.
Pagkatapos nila maligo papunta na kami sa canteen. Si Scar natulog pa yata sa banyo kaya sobrang tagal namin. Kung hindi ko pa kinalabog hindi sya lalabas. Baka Umupo sa inidoro tapos dun nakatulog habang nakaupo. The hell?! Ano bang iniisip mo Hanna!
Lagi akong Masaya ngayon araw na to. Bawal mabad mood kasi may practice pa mamaya.
Yung tipong habang papuntang classroom halos lahat binabati ko ng Goodmorning kahit na hindi ko sila kilala. Kahit iniirapan ako tinatawanan ko lang. Masaya nga diba? Kailan ka nakakita ng masaya pero nakakunot yung noo?
“Alam mo Trin baliw na talaga tong kasama natin e.” rinig kong sabi ni Scar kay Trin. Yung tipong nagbubulungan sila pero rinig ko naman.
“Oo nga e. Laki ng saltik sa utak. Balak yatang kausapin lahat ng tao sa Academy. Hayaan mo na, sasali yata sa eleksyon yan, sasali sa most friendly of the Academy chuchuchurva!”sabi ni Trinna habang tumatango tango.
Humarap ako sa kanila. “Hmp! Friendly nga kasi ako! Bleh! :P ” Wala na silang nagawa kundi umiling-iling habang nakangiti.
Pagkapunta ko sa upuan ko. Binati ko agad ang mga taong nakapaligid sakin. “Naks ang saya mo a. Good mood si ate.”natatawang sabi ni Layla sakin.
“Syempre. Hindi ako pwedeng mabad mood.”
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. At ako, tawa lang ng tawa. And then bigla na lang may dumating na isang ‘bitchy devil’? Oh I’m right, sya nga.
“Ang kapal naman ng mukha mo para pumasok pa dito. After what you did? You should be thankful na absent ako kahapon. Pero dinamay mo pa ang mga kaibigan mo para sa parusang dapat na IKAW lang naman ang tatanggap? You’re so pathetic. ” Si Sapphire. Ayoko masira mood ko. Good mood right? Baka makaapekto pa to mamaya.
BINABASA MO ANG
West-Magic Academy
FantasyA girl who's from Regular World. A world for normal person. Will be sent to Magic World, a world for supernatural beings and aristocrats. She will attend their school? What if they found out that she's not aristocrat? Will they accept her?