Magic 9- Just A Dream

357 15 0
                                    

A/N:

Hey. Baka palitan ko po yung Prologue ng Wma. Kasiii, ngayon ko lang narealize ang lame ng Prologue!! HAHAHA! Kaya yun. Papalitan ko na. Just check the new Prologue. Sana magustuhan nyo na this time! I love you!

 

 

Magic 8- Just A Dream.

I’m walking in a beautiful place. Full of many pretty flowers and colorful butterflies around me. There are many kinds of tree that surrounded me. Mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko ang magandang bahaghari. I’m just simply wearing a white dress and white doll shoes.

 

Ang sarap tumira dito. Mapayapa, at walang manggagambala sayo. Walang gulo. Dito na lang ako. Ang ganda ng tanawin. Sayang at wala yung phone ko.

 

Naglalakad lang ako. Nilalaro ang mga paru-paro at ibon. At tinitignan ko ang mga kulay berdeng dahon na nakakalat sa lupa at natatapakan ko iyon.

 

But in just one glimpse when I step again… the grass became dark. Unti unting nawalan ng buhay ang lahat ng nakapaligid sakin. The butterflies became black, and then the birds became crow. Nawala ang magandang bahaghari,  nawala ang mga hayop.

 

Nagulat ako ng pagkatapak ko ay wala na kong matapakan.I can’t step on anything. To my surprise I plunge in a big hole. A big hole that full of water. Walang liwanag na makikita. Pilit akong lumalangoy pataas ngunit tila napakalalim ng pinaghulugan ko at kahit anong langoy ko ay wala pa rin ako sa itaas.

 

Biglang narinig ko ang mga huni ng uwak. Pagkatingin ko sa paligid. Ang dami nila. All of them are staring at me. Ang kanilang mga mapupulang mata na kasing kulay ng dugo ay sobrang nagpatakot sakin. I can hear the voice of trees. Nakapaligid sila ngayon sakin. Nauubusan na ko ng hininga dahil sa mga hindi sinasadyang pagbuka ng mga bibig ko sa sobrang takot. Malulunod na ko. Nakikita ko lang sa paligid ang mga mata ng uwak at mukha ng mga masasamang puno na gusto akong patayin. Akmang sasakalin na nila akogamit ang mga baging nila ng biglang lumiwanag.

 

“Hanna.” Someone called me from the light. I can’t see the face but I know she’s a girl. Basta linahad nya lang ang kanyang palad sa akin.

 

“Hawakan mo ang kamay ko. Hindi ka pa pwedeng mamatay. Halika na.” I held her hand. At sa pagkahawak ko bigla akong nabalik kung saan ako naglalakad kanina. Sa magandang lugar.

 

“Hanna.” I turn around when I heard her voice. Ngayon nakikita ko na ang mukha nya. She’s very beautiful. Parang isa syang anghel. Her face is so familiar, it seems like I already saw her face somewhere I don’t know. O kaya parang may kamukha sya pero hindi ko alam kung sino.

 

Nasa 30’s na siguro sya pero parang mas pinabata ang kanyang mukha sa sobrang amo. I didn’t do anything but to stare at her face that smiling at me right now. Pero nabalik ako sa wisyo ng maalala ko ang nangyare kanina.

 

“Kilala nyo po ako?” I asked her. Nilapitan nya ko at hinawak ng dalawang palad nya ang mukha ko.  Ang lambot ng mga palad nya.

West-Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon