Ngayon na nagsimula ang trainings ng lahat. Sabi nila isang buwan na puro sila Mr. Hance lang muna ang magtuturo at sa natitirang tatlong buwan ay darating na mga mentors.
Isang buwan lang. Isang buwan bago ko makita for the first time yung mga sinasabi nilang mentors. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ko.
Nagiba ang ayos ng klase namin simula ngayon. Nauna padin ang physical or combat class ni Sir Conrad sunod ay ang klase ni Mr. Hance tungkol sa talino at kay Ms. Seth na about magics. Hindi tulad na hanggang alas tres lang klase ay ngayon ay hanggang five na.
Imbis na P.E uniform ang suotin namin ay combat clothes na. Pinahiram ako ni Scar ng damit. Isang fitted but stretchable black leggings at leather boots at saka black tshirt na tinack in ko sa harap at nakalaylay naman sa likod. Hinigpitan ko ang pagkakapony ng buhok ko. Sisiguraduhin kong magagamit ko na din ang mga natutunan ko sa mga special trainings ko.
After kumain ay sabay kaming tatlo nila Scar at Trinna na pumuntang field para sa klase ni Sir Conrad. Nagulat ako ng madami na ang nandoon at nagkukwentuhan habang hinihintay si Sir Conrad.
Lumapit kami kay Chavin na nakikipagusap kela Calai ng makita kaming tatlo ay kumaway sila samin. Pagkalapit namin sumipol si Chavin habang nakatingin samin. "Mukhang fierce tayo ngayon ah."
"Nasan si Layla?" tanong ko.
"Di ko alam dun." Sabi niya at umiwas ng tingin. Hindi ko na pinansin yung inasal niya at nagkibit balikat.
"Bat hindi mo kasama si Gun? Hindi siya aattend?" tanong ni Scar.
Natawa ako ng magact siya na parang humihilik at natutulog sabay tura sa bandang likuran niya. "Inaantok pa si fireboy."
Tumingin ako sa tinuturo niya at dumako ang tingin ko sa isang puno pero napakunot ang noo ko ng walang tao roon. Hindi ko alam kung bakit pero napadako ang tingin ko sa taas ng puno at doon ko nga siya nakita na mahimbing na natutulog. Hindi ko maalis ng titig sa kaniya. Bakit siya diyan natutulog?
"Huwag mo masyadong titigan magigising yan." Nagulat ako sa nagsalita at napatingin kay Chavin na nakangisi sakin. Bakit nakangiti siya?
"H-ha?" para akong mangangamatis ulit sa pula dahil nahuli niya ko pero pinigilan ko dahil lalo niya ko aasarin.
"Malakas ang pakiramdam ng isang yan lalo na pagmay tumititig sa kaniya." Natatawang sabi sakin ni Chavin.
Napatingin ulit ako dun sa taong nasa itaas ng puno. Nanlaki ang mata ko ng biglang dumilat ang mata niya at tumingin sakin with no expression. Mabilis pa ata kay flash na iniwas ko ang tingin at umayos ng upo paharap. Napakagat ako sa labi ko dahil sa kaba. Sht parang aatakihin ako sa puso sa gulat sa kaba.
Mukha namang nahalata ni Chavin ang naging reaksiyon ko kaya tumawa siya. "Sabi sayo eh."
Napatingin ako sa babaeng naglalakad papunta samin. Halos lahat ng lalaki ay nakatingin sa kaniya at napa'wow' at sa tingin ko ay kasama ako sa mga napasabi non. Naglalakad papunta samin si Layla na nakahigh ponytail, leggings at sports bra lang ng itim. Kitang kitang ang kasexyhan niya pero kung maglakad siya ay parang walang siyang pakielam sa mga nakatingin sa kaniya.
Nakarinig ako ng malakas na tunog ng paglunok sa tabi ko at mapatingin ako kay Chavin na nakatingin kay Layla halatang nagulat pero agad din nagiba yun ng pagkakunot ng noo at sama ng tingin.
Paglapit niya ay pumunta siya sa likuran sa pagitan namin ni Chavin.
"Tabi, ako ang katabi ni Hanna." Sabi niya kay Chavin. Wala naman nagawa si Chav at tumabi tsaka umupo si Layla sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
West-Magic Academy
FantastikA girl who's from Regular World. A world for normal person. Will be sent to Magic World, a world for supernatural beings and aristocrats. She will attend their school? What if they found out that she's not aristocrat? Will they accept her?