Magic 12- Mission

534 21 3
                                    

Magic 12- Mission

Hanna’s POV

“Always remember Hanna. Your everyday emotions are affecting your magic, so don’t ever cast a magic if your mind and feelings are entangled. Lagi kang mag-iingat.” Huh?  ?.? Medyo naguluhan ako sa huling sinabi nya. Saan ako mag-iingat? Bakit may gera ba? Hay nako ewan. Nginitian ko sya at tumalikod na.

*yawn* Inantok ako bigla. Siguro dahil sa pagod. Di pa tapos yung klase nila Layla nyan. There still one hour before dismissal. Hindi na lang ako dadaan sa room nila. Didiretso na ko sa dorm. Hindi naman siguro ako papagalitan ni Mr. Hance kapag wala ako sa last hour ng klase nya kasi kailangan kong magpahinga. Tsaka baka makatulog lang din ako sa classroom kapag ganon.

Pagkarating ko sa dorm uminom ako ng maraming tubig at kumain ng sandwiches. Nagpalit na ko ng damit at umupo sa kama.  *yawn* Una-unat. Inaantok na talaga ako. Matutulog na nga muna ako siguro naman magigising din ako mamaya.

***

“Hanna”

 

“Hanna”

 

When I open my eyes I’m here again in this beautiful place with the same white dress and white doll shoes. Wow ha. Hindi pa ba ako naliligo?

 

“Hanna”

 

Sinusubukan kong hanapin kung nasaan yung tumatawag sakin. Pero wala hindi ko sya Makita.

 

“Nasan ka? Pwede po ba kayong magpakita?”

 

“Hanna. Mag-iingat ka sa misyon na gagawin mo. Maraming nagmamasid sayo.Maraming gustong pumatay sayo. Pero wag kang mag-alala iingatan kita. Poprotektahan kita.”

 

Hindi ko maintindihan kung ano yung mga sinasabi nya. Nalilito ako.

 

“Ano po bang gusto nyong iparating? Bakit naman po maraming gustong pumatay sakin? Wala naman po akong ginagawa a?”nagtatakang tanong ko.

 

“Mag-iingat ka Hanna. Babantayan kita.”

 

“Sandali lang po! Nasan po ba kayo? Bakit hindi po kayo magpakita?”

 

“Paalam.”

 

“WAITTT!!”

Napadilat ako at napabangon. I’m gasping for air. Breathe in. Breathe out. Panaginip lang pala. Pero ano ba yun? Bakit ko kailangang mag-ingat? Nandito lang naman ako a?

Pagtingin ko sa dalawa tulog na sila. Hindi pa pala sumisikat yung araw. Anong oras na ba? 3:00am?! What the fvck?! Ang aga pa! Jusmeyo!

West-Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon