A/N:
Habang inaayos ko yung tatlong chapters tumigil muna ako sandali at nagbasa ng fantasy stories dahil wala talaga akong mahanap na inspiration. Wala naman kasi lovelife ang lola niyo. Hahahaha!
_______________________
Magic 15- Search about Philosopher Stone
"Psst! Kamatis!" tawag ni Layla.
"Hey Tomato!" tawag ni Chavin.
Huwag kang haharap Hanna. Huwag kang haharap. Sinasabi ko sayo kapag humarap ka pagtatawanan ka nila.
"Awww. Ayaw humarap ni Tomato." Sabi ni Scar.
"Baka daw pag humarap sya mamula na naman sya."sabi ni Trinna.
Tapos sabay sabay silangtumawa. Hala sige tawa pa kayo! Nakakainis! Maubo sana kayo sa ginagawa niyo!
Dapat hindi na lang ako dumeretso sa canteen e. Dapat natulog na lang ako sa dorm e. Pinagsisisihan ko talaga yung nangyare kahapon. Ugh!
Bwisit kasi yung ungas na yon. Kung anu-ano pinagsasabi kahapon. Tuloy! Yung romantic bones ko nagactive! Nakakainis talaga! Letse!
Kakarmahin din siya sa ginawa niya sakin!!
*Flashback*
"Kapag ako natunaw sa kakatitig mo, siguraduhin mong mabubuo mo ulit ako."
A-ano daw?
Naglakad ako at nilagpasan sya. Feeling ko bigla akong namula. Bigla na lang uminit. Shit! Hindi naman tag-araw ngayon ah. At dahil feel na feel ko ang pagkapahiya, kaya inunahan ko siya. "A- ang corny mo. Lumayas ka na nga." Ugh! Bakit ba nauutal ako?
"Huwag ka ng tatanga-tanga. Baka maligaw ka na naman." Hindi ko Makita yung mukha niya pero parang bigla akong nainis na kinilig parin?
Pakshet! Hanna! Tinawag ka na ngang tanga, kinikilig ka pa?! Nasisiraan na yata ako ng ulo.
Habang naglalakad ako hindi na sya sumusunod. Wala na sya sa likod ko. Hay salamat. Hindi ko kayang may nagsasabi sakin ng ganon. Ano na naman bang nakain non? Iba na naman sya. Ano yun may sumapi sa kanya? Parang hindi siya si Gun na masama ang ugali.
"Kapag ako natunaw sa kakatitig mo, siguraduhin mong mabubuo mo ulit ako."
Letse! *blush* 3x
Yah! Yung romantic bones ko nagactive! Takte. Hindi ako sanay na may nagsasabi ng mga ganung lines. Sa anime ko lang yun naririnig tuwing nanunuod si Kate.
Alam ko namang walang meaning yon. Pero kung sa anime lang yon sobrang kinilig na ko. Pero takte! Hindi sya anime! Bakit nagblush ako!
Pagkaderetso ko sa table umupo agad ako sa tabi ni Scar. Pero pagtingin ko sa kanila.
Nakatitig sila sakin. Na para bang nakakita ng isang daang multo. Nagtinginan sila tapos humarap ulit sakin.
"Bakit ba?!" tanong ko. Isa pa tong mga to parang mga tanga na nakatingin sakin!
Hinid nila ako sinagot, sa halip nagkatinginan ulit sila tumingin ulit sakin.
"Ugh! Subukan niyong hindi magsalita, malilibing kayo ng buhay ngayon sa kinatatayuan niyo?!" Sinamaan ko sila ng tingin. Ganito ako pag badtrip. Highblood.
Akal ko kung ano sasabihin nila, pero mas nabwiset lang ako sa sunod na ginawa nila.
"Pffft.. HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"
"Pfft. Ang cute mo! Bakit ka namumula? San ka galing?"tanong ni Layla.
"Nagbublush ka ba?"tanong ni Chavin.
BINABASA MO ANG
West-Magic Academy
FantasyA girl who's from Regular World. A world for normal person. Will be sent to Magic World, a world for supernatural beings and aristocrats. She will attend their school? What if they found out that she's not aristocrat? Will they accept her?