Unreciprocated

502 7 12
                                    


MAGKASALIKOP ang mga kamay ni Sunoo habang nakatayo siya sa harapan ng lalakeng sa tuwing nakikita niya ay mabilis na tumitibok ang puso niya. Hindi pa nakatutulong na sila lamang dalawa ngayon sa vocal practice room kung saan siya niyaya nitong makipag-usap.

Habang naglalakad silang dalawa patungo sa silid kanina ay ang dami nang pumasok sa isip niya. Mga dahilan kung bakit siya tinawag nito upang kausapin. Pero wala sa mga naisip niya kanina ang lumilitaw ngayon sa utak niya dahil naba-blanko siya sa titig ng lalake na seryosong nakatuon sa kanya. Nakakunot ang noo ng lalake at tila may iniisip.

"Hyung?" maingat na tawag ni Sunoo habang napapansin ang matagal na pagtitig ng lalake sa kanya.

Magaling sa titigan si Sunoo. Pero matutunaw siya kapag nagtagal pa ang pagtitig sa kanya ng kaharap niya.

"Sunoo..." panimula ng lalake na mabilis na nagpatalbog sa puso ni Sunoo.

Tinawag pa lang siya nito sa malamig nitong boses ay parang bibigay na ang tuhod niya.

"H-Hyung?" utal ni Sunoo.

Bumuga nang malalim na hangin ang lalake. "May gusto ka ba sa 'kin?"

Napakurap nang ilang beses si Sunoo habang pinu-proseso sa utak niya ang tanong ni Heeseung. Agad na nanuyo ang mga labi niya at tila nanigas ang mga tuhod niya sa tanong na iyon.

Ang sagot ay matagal na niyang alam. Ang paghanga niya kay Heeseung simula nang una niyang makita itong kumanta at sumaway noong sila ay trainees pa ay hindi rin nagtagal at agad ding napalitan nang mas malalim na pakiramdam. Sa tuwing hahawakan siya nito ay hindi niya maitago ang malaking ngiti niya. Ang kausapin lamang siya nito ay masasabi niya ng kumpleto ang araw niya. Pakiramdam niya ay siya na ang pinaka-maswerteng tao sa mundo sa tuwing yayayain siya nitong bumili ng magkaparehas na singsing o bracelet. Kaya naman masayang-masaya siya noong napasama siya bilang miyembro ng ENHYPEN. Bukod sa naabot niya na ang pangarap niya ay mas napalapit pa siya sa isa pa niyang pangarap. Ang makasama si Heeseung sa iisang grupo.

Hindi na niya maitatanggi. Hindi na lamang niya hinahangaan ito. Ang nararamdaman niya ay siguradong...

"Sorry, Sunoo."

Hindi magkamayaw ang mga mata ni Sunoo. Sinusuri niya ang mukha ni Heeseung matapos nitong banggitin ang salitang, 'sorry'.

"I know. I know what your feelings are. But—" Hinawakan ni Heeseung ang braso ni Sunoo. "—I could not reciprocate that."

Halos mamasa na nang sobra ang mata ni Sunoo. Isang kurap na nga lang ay tuluyan nang malalaglag ang pinipigilan niyang luha na hinaharangan na lamang nang mahahaba niyang pilikmata.

"I'm sorry, Sunoo... You..." Napatikom nang sandali si Heeseung habang pinagmamasdan ang ekspresyon ni Sunoo. Agad niyang inilayo ang kamay niya mula sa braso ng nakababatang miyembro. "You understand me, right?"

Napalunok si Sunoo. Agad siyang napatingala nang sandali sa kisame at saka muling ibinalik ang paningin kay Heeseung.

"Yes, hyung. I understand," matatag niyang saad sa kabila ng tinik sa kanyang lalamunan.

Bahagyang ngumiti si Heeseung at saka na marahang tinapik ang braso ni Sunoo. Pinilit ngumiti pabalik ni Sunoo dahil iyon na lamang ang kaya niyang maihayag sa pagkakataon na iyon. Hindi niya na kayang magsalita.

Sa huling pagtapik ni Heeseung sa braso niya ay naglakad na ito palabas ng kwarto. Nang marinig ni Sunoo ang tunog nang pagsara ng pintuan ay agad siyang napahawak sa kanyang bibig at napabagsak sa kanyang tuhod. Mabilis na umagos ang mga luha mula sa kanyang mga mata at pigil na pag-iyak na lamang niya ang maririnig sa bawat sulok ng kwarto.

Naisip naman na niya ito noon pa lang. Sa tuwing bibigyan siya ng atensiyon ni Heeseung ay hindi niya maalis sa isipan ang posibilidad na baka parehas sila ng nararamdaman. Minsan naisip niya na ring umamin dito. Pero sa tuwing naiisip niya na baka mailang ito sa kanya o iwasan siya kasalungat nang inaakala niya ay umuurong ang dila niya. Hindi niya kayang maging ganoon ang relasyon nila ni Heeseung. Kaya itinago niya na lamang ito.

Pero hindi pala siya magaling sa taguan ng feelings.

Matapos niyang iiyak lahat ng sakit na nararamdaman niya ay napatayo na siya mula sa pagkakaluhod sa sahig. Napatingin siya sa gilid niya kung saan nakasabit ang isang mahabang salamin. Naglakad siya patungo rito at hinarap ang sariling repleksyon. Agad niyang pinunasan ang bahid ng luha sa kanyang mga mata at malakas na sinampal ang magkabila niyang pisngi.

"Sunoo, kaya mo iyan. Malakas ka. Malakas tayo. We..." Napatitig siya sa sarili niyang mga mata at saka na umimpis ang kanyang mga labi. "We can move on. Let's not make it hard for Heeseung hyung."

Tumango siya sa kanyang sarili at saka na lumayo mula sa salamin. Pero agad din namang napadako ang paningin niya sa pintuan na biglang bumukas. Napahinto siya nang makita si Jay mula rito.

"Hyung..." tawag ni Sunoo.

"Nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin—" Napatigil si Jay nang makita ang mukha ni Sunoo. "W-Wae geurae?"

"Hyung!" Agad na inangat ni Sunoo ang kanyang braso at hinarang ito sa kanyang mga mata.

Hindi lang pala sa taguan ng feelings siya hindi magaling. Hindi rin pala siya magaling magpanggap na malakas sa harap ng nakatatandang miyembrong si Jay. Makita lang ang mukha nito ay sapat na upang pabagsakin ang baluti niyang pinilit buuin kanina sa harapan ng salamin. Muli ulit tumulo ang mga luha niya.

Agad na lumapit si Jay kay Sunoo at saka hindi mapakaling hinanap ng mga kamay niya kung saan hahawakan ang umiiyak na nakababatang miyembro.

"W-Why are you crying? What happened?" pag-aalala ni Jay.

"Hyung!" pag-iyak lamang ni Sunoo. Inibaba niya ang kanyang braso mula sa kanyang mga mata at saka na napayuko.

Magkahalong pag-aalala at pagkalito ang nararamdaman ni Jay. Nakalimutan na nga niyang naiinis siya kanina dahil naubusan siya ng grilled corn. But being ignorant to what is happening in front of him is more frustrating than the-one-that-got-away corn.

Napabuntong-hininga si Jay. "Yah! Stop crying!" sigaw nito.

Nagulat naman si Sunoo at napatingala.

Agad na inobserbahan ni Jay ang hitsura nito na nakasimangot at pulang-pula ang mga mata. He might be tough-looking but he has a soft heart for his younger members.

"I... I did not mean to yell," malumanay na saad nito. Maingat niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Sunoo at saka na humilig ito paharap upang titigan si Sunoo. "Just tell hyung what happened. Sinong nanakit sa 'yo? I'll smash the head of whoever did this to you."

Natawa naman si Sunoo sa narinig. Sigurado kasing hindi nito masasabi ang pagbabantang iyon kung malalaman lang nito kung sinong iniiyakan niya.

Agad na pinunasang muli ni Sunoo ang mga mata niya gamit ang kanyang braso at saka na sinimulang ikwento kay Jay ang nangyari.

Just a Little Bit (ENHYPEN Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon