Sorbetes

173 5 0
                                    


NAKANGITING pinagmamasdan ni Sunghoon si Sunoo na abalang inuubos ang choco mint flavored ice cream na hawak nito. Naglalakad na sila pabalik sa kanilang dormitoryo matapos nilang magtungo sa malapit na convenience store.

Napalingon si Sunoo kay Sunghoon at saka na napadako ang kanyang tingin sa hawak na sorbetes ni Sunghoon.

"Hyung, hindi mo ba kakainin iyan?" tanong ni Sunoo.

"Ha?" Napayuko si Sunghoon at saka na napatingin sa hawak niya. "Ah...." Agad siyang napalunok.

Muntikan na niyang makalimutan na nangako siyang kakain din ng choco mint flavored ice cream—o ipinagdasal niya na makalilimutan ni Sunoo na pinangako niya iyon.

"Sinasabi ko na nga ba. Hindi mo talaga susubukang tikman iyan," pagnguso ni Sunoo at saka na mabilis na naglakad palayo kay Sunghoon

"Sunoo! S-Sandali lang!" paghabol ni Sunghoon at saka na inabot ang braso ni Sunoo nang mahabol niya na ito. Napahinto si Sunoo sa paglalakad at saka na napalingon sa kanya. "Titikman ko, promise," ani ni Sunghoon.

Nanliit ang mga mata ni Sunoo at saka na napakunot ang kanyang noo. "Eh 'bat hindi mo pa tikman? Natutunaw na kaya," saad niya at saka na muling tinignan ang hawak ni Sunghoon.

"Ah, eh, kasi—" Nagpagala-gala ang mga mata ni Sunghoon sa paligid at saka na napatigil ang kanyang paningin sa mga nakahanay na mahabang bangko na pinagigitnaan ang bawat isa ng mga halaman. "—titikman ko roon!" katwiran niya at saka na napaturo sa pinakamalapit na bangko.

Napatingin naman si Sunoo sa tinuro ni Sunghoon. "Gusto mong tumambay?"

"Oo. Gusto ko pang makasama ka nang matagal," sagot ni Sunghoon.

"Ha?" paglingon ni Sunoo sa kanya.

"I mean, oo. Gusto kong tumambay muna," mabilis na bawi ni Sunghoon at saka na iniwan si Sunoo. Agad siyang naglakad patungo sa tinuro niyang bangko.

Napanguso na lamang si Sunoo at saka na sinundan si Sunghoon. Sabay silang umupo sa bangko at napatingin sa mga naglalakad sa tabing ilog. Natahimik silang dalawa habang pinagmamasdan ang paligid.

Hindi ito ang unang beses na napag-isa si Sunghoon kasama si Sunoo. Kung minsan ay kumakain sila sa labas nang silang dalawa lamang. Pero bihira lamang ang mga pagkakataong iyon. Mas madalas pa rin kasing si Jungwoon o si Jake ang nakakasama ni Sunoo lumabas. Sa tuwi namang lumalabas sila ni Sunoo ay walang humpay ang mga reaksiyon nito. Hindi ito nauubusan ng kwento at laging nakangiti. Pero iba ang Sunoo na katabi niya ngayon.

Napalingon si Sunghoon sa kanyang katabi. Seryoso ang mukha ni Sunoo habang nakatingin ito sa malayo. Pinagmasdan na lamang siya ni Sunghoon. Although he wants Sunoo to always smile, he also wishes for the latter to show him his vulnerable sides. He wishes to see every side of his sun.

"Hyung," bulong ni Sunoo.

"Hmmm?"

"Gomawo." Napalingon si Sunoo kay Sunghoon. "Alam ko naman talaga kung bakit mo ako niyayang lumabas."

Pinagmasdang maigi ni Sunghoon ang mga mata ni Sunoo. Hanggang ngayon ay namumula pa rin ito. Napangiti siya nang bahagya at saka na hinawakan ang ulo ni Sunoo.

"Just know that I'm always here for you. Handa akong samahan ka at makinig sa 'yo kahit ano pa iyan," saad ni Sunghoon.

Napangiti si Sunoo. "Geurae? I have a question then." Itinaas niya ang kanyang mga paa sa bangko at saka na inikrus ang isa niyang paa sa kabila. Umupo siya paharap kay Sunghoon.

Just a Little Bit (ENHYPEN Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon