NAPATINGIN si Sunoo kay Sunghoon na ngiting-ngiti sa harapan ng cellphone habang nakaupo ito sa sofa.
"Mohae?" tanong ni Sunoo at saka na naglakad ito patungo kay Sunghoon.
Napatingala naman si Sunghoon habang nakangiti pa rin ito.
"What are you watching?" usisa pa ni Sunoo. Umupo siya sa tabi ni Sunghoon at saka na sumilip sa pinapanuod nito.
Pinagmasdan lamang ni Sunghoon si Sunoo at saka na nangiti nang malawak nang mapatingin sa kanya si Sunoo.
"Why are you watching that?" pagtawa ni Sunoo at saka na aktong hahablutin ang cellphone ni Sunghoon.
Agad namang nailayo ni Sunghoon ang cellphone niya bago pa ito maagaw ni Sunoo. "Wae? This is my hobby," pagtawa niya.
"Hobby?" hindi mapakapaniwalang saad ni Sunoo. "Hobby mong panuorin akong nag-i-aegyo?" natatawa niyang dagdag.
"Oo." Inilapit muli ni Sunghoon ang cellphone niya at saka na pinakita ito kay Sunoo. "Tignan mo. Ang cute mo kaya."
Pinindot ni Sunghoon ang screen ng phone niya at saka na muling nag-play ang bidyo na pinapanuod niya. Parehas silang napatutok sa cellphone pero matapos ang ilang segundo ay inagaw ni Sunoo ito.
"Yah!" reklamo ni Sunghoon.
Itinaas ni Sunoo ang cellphone na pilit inaabot ni Sunghoon.
"Stop watching this," bungisngis ni Sunoo.
"Arasseo, arasseo, I'll stop watching it."
"Ani. You're—" Napalingon si Sunoo nang makita si Heeseung na akmang pupunta sa salas pero pumasok itong muli pabalik sa kwarto nito. "—lying."
Napadako ang mga mata ni Sunghoon sa tinitignan ni Sunoo. "Wae?"
Ibinaba ni Sunoo ang braso niyang nakataas.
"Ah, w-wala," sagot niya at saka na ibinigay kay Sunghoon ang cellphone nito habang nakatuon pa rin ang mga mata niya sa pintuan ng kwarto ni Heeseung.
Kinuha naman ni Sunghoon ang cellphone niya mula kay Sunoo. "You're the one who's lying, Sunoo-yah. What is it?"
"It's just... I think—" Lumingon si Sunoo kay Sunghoon. "Heeseung hyung is avoiding me."
Simula kasi no'ng huli nilang pag-uusap sa café ay napapansin na ni Sunoo ang pagiging mailap nito sa kanya.
Natahimik naman si Sunghoon at saka na napatingin sa pintuan ng kwarto ni Heeseung. Muli niyang ibinalik ang paningin kay Sunoo.
"Maybe he's doing that for you," saad ni Sunghoon.
"For me?" ani ni Sunoo. "It is true that I avoided him first but I think... I'm fine now."
"Wae? Why do you think so?" usisa ni Sunghoon.
"Hmmm..." pagnguso ni Sunoo at saka na napasandal sa sofa. "Hindi ko na siya naiisip masyado hindi kagaya nang dati," pagtanto niya.
"Jinjja?" Inihilig ni Sunghoon ang ulo niya pakaliwa. "E 'di sino na pa lang iniisip mo ngayon?"
Napatingin si Sunoo kay Sunghoon. "Wae? Sino sa tingin mo?"
Napangiti si Sunghoon. "Molla."
"Tsss..." Napaikot ang mga mata ni Sunoo. "Oo na, mas naiisip na kita madalas. Masaya ka na?"
Napangisi naman si Sunghoon at saka na nagkibit balikat.
🍀🍀🍀
Magkasabay na napatingala ang mga mata nina Sunoo at Jungwon nang marinig ang tumunog na doorbell. Magkatabi ang dalawa sa sofa habang nagbabasa sila ng kanya-kanyang libro.
"Iyong food delivery na ata iyan," saad ni Jake na katabi nina Sunghoon at Ni-Ki sa sahig habang naglalaro silang tatlo sa cellphone.
"I'll get it." Tinigil ni Jay ang pinapanuod niyang pelikula sa telebisyon at saka na tumayo mula sa kinauupuan niya.
Maya-maya pa ay may bitbit na si Jay na mga plastik na naglalaman ng pagkain. Ipinatong niya ang mga ito sa lamesa na nasa gitna ng salas.
"I'll get the plates," paalam ni Jungwon at saka na tumayo na rin ito.
Napatingin naman si Sunoo sa paligid. "Where's Heeseung hyung?"
Napatingin din sa paligid si Jake. "Baka nasa kwarto niya," sagot nito.
"Hmmm..." huni ni Sunoo at saka na napatayo. "I'll go get him."
Agad na napatingala si Sunghoon kay Sunoo at saka na sinundan ito ng tingin.
"Tatawagin lang," komento ni Jay. "Kinakabahan agad?" tudyo pa nito.
Napalingon si Sunghoon kay Jay at saka na binato niya ang nakagusot at nirolyong flyer na nasa gilid niya papunta sa mukha nito. Agad namang natawa si Jay sa reaksiyon ni Sunghoon.
"Hyung?" tawag ni Sunoo pagkapasok niya sa kwarto ni Heeseung.
Nakatalikod si Heeseung habang nakaupo ito at nakatutok sa kompyuter. Hindi naman siya nilingon nito kaya minabuti na lamang niya itong lapitan.
"Hyung," pag-uulit ni Sunoo at saka na hinawakan ang balikat ni Heeseung.
Agad na napalingon si Heeseung at saka na inialis ang suot niyang headphones. Napatingala siya kay Sunoo.
"Sunoo-yah... Wae?" tanong ni Heeseung.
"May pagkain sa sala. Tara?" pag-aya ni Sunoo.
"Ah... Mamaya na ako. Hindi pa ako gutom," pagtanggi ni Heeseung at saka na humarap muli sa kompyuter.
Natahimik nang sandali si Sunoo. Napatingin siya sa nilalaro ni Heeseung at saka na pinindot niya ang Esc button ng keyboard nito.
"Yah!" tigalgal ni Heeseung at saka na muling nilingon si Sunoo. "'Bat mo ginawa iyon?!"
Napahinga nang malalim si Sunoo. "Hyung, stop avoiding me," siphayo niya.
Napakurap si Heeseung. "I'm not avoiding you," pagharap nitong muli sa kompyuter.
"Pero, hyung, iyon talaga iyong nararamdaman ko," nuynuy ni Sunoo.
Napapikit si Heeseung at saka na napahinga nang malalim. Humarap siyang muli kay Sunoo. "Wae? Do you want us to get closer?"
"Nae!" Natigilan si Sunoo at saka na umiwas ng tingin. "I-I mean, close naman talaga tayo, hyung. May nangyari lang. Pero okay na ako." Napatingin siyang muli kay Heeseung. "Okay na ako, hyung. Kaya hindi mo na ako kailangan iwasan."
Natahimik si Heeseung. Hindi niya nais masaksihan mula sa dalawa niyang mga mata na nagkakaroon ng pagtingin sa iba si Sunoo. Hindi niya nais makitang masaya ito sa iba kaya iniiwasan niya ito.
But hearing it directly from Sunoo hits different. Heeseung could not take it.
"Wae? Did you move on already?" seryosong tanong ni Heeseung.
Napalunok si Sunoo. "Ne," sagot niya.
Nagpantig ang tainga ni Heeseung sa narinig. "Geurae?" aniya at saka na napaharap sa kompyuter.
Tinitigan ni Heeseung nang sandali ang screen at saka na tumayo. Muli siyang humarap kay Sunoo at nilapitan ito. Napa-atras naman si Sunoo dahil sa biglaang paglapit nito pero agad na nahawakan ni Heeseung ang kamay niya.
"Is that so, Sunoo-yah?"
BINABASA MO ANG
Just a Little Bit (ENHYPEN Fanfiction)
FanfictionSunghoon now has a chance to win Sunoo's love now that Heeseung has turned him down. Will Sunoo have a change of heart for Sunghoon, or is it Heeseung who will change his mind? 🍀 Most Impressive Ranking: #1 SunSun #1 Heesun