Dati

129 2 1
                                    

NAUPO si Sunghoon sa tabi nina Ni-Ki at Jake. "Sinusundan niyo ba kami?" usisa niya sa dalawa.

Napatingin naman sa isa't isa sina Ni-Ki at Jake. Matapos ang ilang segundo ay binalik ni Jake ang tingin niya kay Sunghoon saka na napailing.

"Hindi a—"

"Yes, we are," putol ni Ni-Ki kay Jake.

Nanlaki ang mga mata ni Jake saka na napalingon siya kay Ni-Ki na saktong napalingon din sa kanya.

"Akala ko—" saad ni Ni-Ki.

Napapikit si Jake at saka na napahinga nang malalim. Muli siyang humarap kay Sunghoon. "Yeah, we are."

Natahimik si Sunghoon. Napadako ang paningin niya sa kinauupuan ni Sunoo at ni Heeseung na nakapwesto malayo mula sa kanila. Nakaharap si Sunoo sa kanila kaya nakikita ni Sunghoon ang ekspresyon ng mukha nito.

Muli siyang napatingin kina Jake at Ni-Ki. "Are you siding with Heeseung hyung?" usisa niyang muli.

Napabuka ang bibig ni Jake. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay at saka na winagayway ang mga ito sa ere.

"Ani! I mean, we do—" Napahinga siya nang malalim at saka na ibinaba ang kanyang mga kamay. "No, we are not siding with anyone, Sunghoon-ah."

"Well, if you do, I hope you'll side with me," saad ni Sunghoon. "Hyung already turned him down. Para saan pang ginagawa niya ito? He's just making Sunoo confused. He's just making it hard for him," dagdag niya.

"Pero, Sunghoon, may rason naman si hyung kaya niya nagawa iyon," pagpapaliwanag ni Jake.

Napakrus naman ang kilay ni Sunghoon. "But why did he not stick to his reasons? Hindi niya dapat ginawa iyon kung hindi niya kayang pangatawanan. What Sunoo needs is someone who knows his priority. Hindi isang tao na ano mang oras ay maaari siyang saktan dahil hindi niya alam kung anong mas mahalaga."

Nagkatinginan sa isa't isa sina Ni-Ki at Jake, matapos ay humarap si Ni-Ki kay Sunghoon.

"Hyung, naiintindihan ka namin," saad ni Ni-Ki. "Pero at the end of the day, hindi ikaw, hindi kami, o si Heeseung hyung ang magpapasya kung anong magpapasaya kay Sunoo hyung. Kasi siya lang ang makapagde-decide no'n para sa sarili niya."

Natahimik si Sunghoon sa narinig. Napasandal siya sa kanyang kinauupuan at saka na napatinging muli sa direksiyon ni Sunoo. Agad na napayukom ang kanyang kamao. Sa mga lumipas na linggo ay wala siyang ginawa kung hindi iparamdam kay Sunoo na palagi siyang nariyan para rito. Ngayon ay natatakot siya na mauwi lamang sa wala ang lahat. Dahil hanggang ngayon ay si Heeseung pa rin ang mahal nito.


🍀🍀🍀

Napasalikop nang mahigpit ang mga kamay ni Sunoo na nakalagak sa kanyang kandungan habang tinitignan si Heeseung. Kung kagat-kagat nga lang niya ang kanyang dila ay baka dumugo na ito dahil sa mariing pagkagat ng kanyang mga ngipin sa isa't isa.

"Anong gusto mong pag-usapan, hyung?" seryosong tanong ni Sunoo.

Intimidating—iyon ang salitang maihahambing ni Heeseung sa mukha ni Sunoo sa tuwing seryoso ito. At ito rin ang eskpresyon na hindi niya gustong makita kay Sunoo sa tuwing magkakaharap sila.

The look on his face was so cold. It made Heeseung's heart drown in ice.

Halos umurong ang dila niya dahil sa malamig na pakikitungo nito sa kanya. Kanina lang ay nagngangalit siya sa selos kaya nagawa niyang yayain si Sunoo. Pero ngayon ay halos hindi na niya alam kung saan magsisimula.

Sunoo always has this effect on him. He would made him speechless both in good and bad way.

"Hyung, kung wala—"

"Sunoo—" panimula ni Heeseung.

Agad na napatikom ang bibig ni Sunoo, kasabay no'n ay ang mabilis na pagtalon ng kanyang puso. Gusto niyang mainis sa sarili. Hanggang ngayon kasi ay ganito pa rin ang epekto sa kanya ni Heeseung kahit iniiwasan niya na ito.

Whenenever he calls his name, all the butterflies in his stomach become unruly.

"—pwede ba tayong bumalik sa dati?" dagdag ni Heeseung.

Hindi magkamayaw ang mga mata ni Sunoo habang nararamdaman niya ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Napaimpis ang kanyang mga labi at saka na napalunok.

"What do you mean?"

Napabuka ang bibig ni Heeseung. Pero napatikom din kaagad. Natahimik siya habang tinitignan si Sunoo.

Napakapit naman si Sunoo nang mahigpit sa dulo ng kanyang suot na t-shirt. Akala niya ay maririnig niya ang gusto niyang marinig. Pero umasa lang pala siya.

Umasa na naman siya.

"I'm sorry, hyung, pero hindi ko pa kayang bumalik tayo sa dati," saad ni Sunoo. "Alam kong napapansin na ng mga fans natin iyong pagiging malayo natin sa isa't isa. Alam ko, hyung. Alam kong iniisip mo ang kapakanan natin. Pero pasensiya na talaga. Sa ngayon kailangan ko 'tong gawin para sa 'tin—para sa 'yo. Para hindi ka mahirapan," dagdag niya.

Napabukang muli ang bibig ni Heeseung at saka na napasamyo. "That's not what I mean, Sunoo. I—" pakli niya at saka na napalunok. "I..."

Napatingin siya sa lamesa.


"You just need to trust us, hyung."


Napahinga siya nang malalim at saka na muling tinignan si Sunoo. "The truth is, I like—"

"Sunoo!"

Agad na napalingon sina Heeseung at Sunoo. Nakatayo na sa gilid nila si Sunghoon. Sa likod naman niya ay sina Jake at Ni-Ki.

"Hyung, jebal—" paghawak ni Ni-Ki sa braso ni Sunghoon. Pero hindi siya pinansin nito.

Nakatingin lamang si Sunghoon kay Sunoo. "Sunoo, I like you," pagtatapat niya.

Napapikit saka na napabuntong-hininga sina Jake at Ni-Ki. Agad namang napaigting ang panga ni Heeseung sa narinig.

"Mwo? W-What are you talking about, hyung?" Napakrus ang kilay ni Sunoo. Napadako ang tingin niya kina Jake at Ni-Ki. "Is this a prank? May hidden camera ba rito?" dagdag niya at saka na napatingin sa paligid.

"I'm not pranking you, Sunoo," saad ni Sunghoon. Muling napatingin sa kanya si Sunoo. "I really—"

"Sunghoon-ah," putol ni Heeseung kay Sunghoon.

Napatingin si Sunghoon kay Heeseung. His eyes were desperately pleading.

Agad na humarap si Heeseung kay Sunoo at saka na hinawakan ang kanang kamay nito na nakapatong na sa lamesa. "Listen to me, Sunoo."

Napalingon si Sunoo kay Heeseung.

"No, listen to me first, Sunoo—"

Napalingon namang muli si Sunoo kay Sunghoon.

"Sunoo—"

"Sunoo—"

"Stop!" Napatayo si Sunoo. Napatingin siya kina Heeseung at Sunghoon. "Stop, both of you."

Napatingin si Sunoo sa paligid at karamihan na sa mga customers ay nakatingin na sa kanila. Napalunok siya habang halos pabagsak na ang kanyang luha mula sa kanyang mga mata. Agad niyang sinuot ang itim na mask na nakababa lamang sa leeg niya.

"This is not funny at all," aniya at saka na naglakad ito palayo mula sa kanila.

Just a Little Bit (ENHYPEN Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon