Give Up

134 4 0
                                    

"WHY did you do that?" pagharap ni Heeseung kay Sunghoon.

Nasa likod sila ng café habang iniwan sila nina Jake at Ni-Ki upang sundan si Sunoo.

"Ang alin? Iyong pinigilan kita o iyong nag-confess ako kay Sunoo?" sagot ni Sunghoon.

"Parehas. Look, Sunghoon-ah, kaibigan lang ang tingin sa 'yo ni Sunoo. Alam nating lahat na sa 'kin siya may gusto."

Napaigting ang panga ni Sunghoon sa narinig. Kung hindi lang niya kaibigan si Heeseung ay baka nasapak niya na ito.

"Pero binalewala mo iyon, hyung," paalala ni Sunghoon. "Hindi ba binasted mo na nga siya? Why are you suddenly doing this? Bakit mo pa siya pinapahirapan?"

Napahinga nang malalim si Heeseung. "Alam mong hindi iyan ang intensiyon ko, Sunghoon-ah. You should know me better."

"Iyon na nga, hyung, e. Kilala kita. Alam ko kung bakit mo ginawa iyon. Alam ko na pinaka-importante sa 'yo ang grupo. Alam ko na mas uunahin mo ang reputasyon nating lahat kaysa sa pagmamahal na mayroon ka kay Sunoo. Kasi iyon ka e. Hindi man ikaw ang leader natin but you will always have a leader's mindset. Pero, hyung—"

Lumapit si Sunghoon kay Heeseung.

"—hindi ako gano'n e. Kaya kong ipagsigawan sa mundo na mahal ko si Sunoo kahit ano pang criticism ang ibato sa 'tin. Kahit mawalan pa tayo ng maraming fans. Kasi alam ko kung anong mas mahalaga sa 'kin at si Sunoo iyon. I want him to be loved. I want him to be happy. Kaya ko iyon ibigay sa kanya. Pero ikaw, hyung, kaya mo ba iyon? Kaya mo ba talaga siyang piliin over the group's reputation?"

Napatikom ang bibig ni Heeseung. Napa-atras siya mula kay Sunghoon at saka na napatalikod. Pumikit siya at saka na napahinga nang malalim.

He had lost the chance to make his debut once. Kahit gusto niyang maging masaya para sa mga kasamahan niyang naunang nag-debut ay hindi niya maitatanggi na naiingit siya sa mga ito. Hinihiling niya na sana balang araw ay makapag-debut din siya at makaharap ang maraming taga-hanga na susuporta rin sa kanya at sa grupong makakasama niya.

He had to join a survival show and prove himself once more. He was anxious, knowing that he might not debut for the second time. Kaya naman ang isipin na baka masira ang pangarap na halos muntikan nang kumawala sa kanyang palad ay masakit at mahirap para kay Heeseung. He could not afford to let his dream slip out of his hand the second time.

Kaya naman kaya nga ba niya?

Kaya nga ba niyang ipaglaban ang nararamdaman niya kapag dumating ang panahon na kailangan nilang harapin iyon ni Sunoo?

"Kaya, hyung, I'm begging you—" saad ni Sunghoon. "—please give up."

Napabuka ang bibig ni Heeseung at saka siya napatingala. Unti-unting tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Sunghoon's words were like a sharp knife stabbing him and there's nothing he could do but to accept them.


🍀🍀🍀


Nakatulala si Sunoo mula sa kinauupuan niya nang maramdaman niya ang pagdampi ng malamig na bagay sa pisngi niya. Agad siyang napalingon at saka na napatingala.

"Hyung," saad ni Sunoo nang makita si Sunghoon.

Napangiti si Sunghoon at saka na iniabot kay Sunoo ang hawak nitong tasang de papel. "Apology gift," aniya.

Kinuha naman ito ni Sunoo habang hindi inaalis ang paningin kay Sunghoon na umuupo na sa tabi niya.

Napalingon si Sunghoon sa kanya nang makaupo na ito. "Wae?"

"It's just... You always manage to find me," sagot ni Sunoo at saka na napatingin sa tasang de papel na hawak niya. Napangiti siya dahil sa choco mint flavored ice cream na laman nito. "And you always know what to give me."

"Of course. Didn't I already tell you? It's because I like you."

Napatingala si Sunoo at saka na pinagmasdan si Sunghoon na nakatitig sa kanya.

"You—" Napanganga siya at saka na itinaas ang kaliwang kamay niya upang iharang sa bibig niya. "—you are serious?!" tigalgal niya.

Natawa naman si Sunghoon. "Hindi ba ako obvious?"

Napailing-iling si Sunoo. "You're always making fun of me, so how am I supposed to think that? And besides—" Ibinaba niya ang kanyang kamay mula sa kanyang bibig. "—why would you like me of all people?"

Napaimpis ang bibig ni Sunghoon. "Hmmm..." huni niya at saka na napatingin sa malayo. "Because you're cute?"

Napakrus ang mga kilay ni Sunoo. "'Yon lang?"

Natawa nang marahan si Sunghoon. "Hmmm... Because you're fun to tease?" dagdag niya at saka na napalingong muli kay Sunoo.

Agad na nanlisik ang mga mata ni Sunoo na nagpatawa muli kay Sunghoon.

Inabot niya ang ulo ni Sunoo at hinawakan ito. "It's because you are Kim Sunoo. I just like everything about you."

Natahimik si Sunoo sa narinig. Hindi niya inaasahan na magkakagusto sa kanya si Sunghoon. Bukod kasi kay Heeseung ay malaki rin ang paghanga niya rito simula pa lamang no'ng trainees pa lang sila. Kaya nga naglakas loob siya noong lapitan ito habang naghuhugas ito ng pinggan sa survival show.

Pero ang paghanga niyang iyon kay Sunghoon ay hindi niya nabigyan ng ibang kahulugan. Dahil ang mga mata niya ay sa isang tao lang kumikinang.

"But, hyung, the truth is I actually like—"

"I know," putol ni Sunghoon kay Sunoo. "I know you like Heeseung hyung," dagdag niya at saka na inialis ang kamay niya sa ulo ni Sunoo. "I also know that he turned you down and that you are avoiding him."

Napayuko si Sunoo. Napagtanto niyang muli na hindi talaga siya magaling sa taguan ng feelings.

"But you can't really avoid him forever, Sunoo-yah."

Napatinging muli si Sunoo kay Sunghoon.

"That's just impossible. You won't be able to forget him in that way," dagdag ni Sunghoon.

"Then, what should I do?"

Napatikom nang sandali si Sunghoon habang tinititigan ang mga mata ni Sunoo.

"Ibaling mo ang pagtingin mo sa iba," sagot ni Sunghoon. "Try to look at someone else—someone who really loves you."

Napakurap si Sunoo. Napagtanto niya ang ibig sabihin nito.

"But, hyung... I can't do that to you. Paano kung hindi ko mabalik iyong feelings mo. Ayokong masaktan ka, hyung."

Napangiti nang bahagya si Sunghoon. "It's okay, Sunoo-yah. What's more important to me is that you at least give me a chance. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?"

"Pero, hyung—"

"Please? Can you just give me a chance?"

Napatikom muli ang bibig ni Sunoo. Napayuko siya at saka na napatitig sa hawak niyang tasang de papel na may lamang ice cream. If only his feelings could melt like an ice cream. Hindi na sana siya mahihirapan nang ganito.

Napabuntong-hininga siya at saka na napatinging muli kay Sunghoon. "I can't promise, but I will try—"

Naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang yakapin ni Sunghoon.

"Thank you, Sunoo," malawak na pag-ngiti ni Sunghoon.

Natahimik na lamang si Sunoo habang iniisip kung tama ba ang naging desisyon niya.

Just a Little Bit (ENHYPEN Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon