The Hidden Truth

115 2 0
                                    

Agad na kinuha ni Sunoo ang phone niya mula sa kanyang bulsa nang marinig niyang may tumatawag dito.

"Hello, hyung," aniya nang masagot niya na ang tawag.

"Tapos na filming namin. Papunta na ako sa café," saad ni Sunghoon sa kabilang linya.

"Arasseo, palabas na rin ako," saad ni Sunoo at saka na ibinaba niya ang tawag.

Binuksan niya ang pintuan at saka na napatingin sa lalakeng papindot na sana ng doorbell nila habang may hawak itong kahon.

"Ah, Lee Heeseung-ssi?" saad ng lalake kay Sunoo.

"Ah, sandali lang ah," paalam ni Sunoo. Nilingon niya ang pintuan ng kwarto ni Heeseung na nakasara. "Heeseung hyung!" pagtawag niya.

Pero walang sumagot sa kanya.

Nilingon na lang niyang muli ang lalake. "Ako na lang magre-receive," ani ni Sunoo.

Tumango ang lalake at saka na inabot kay Sunoo ang kahon kasama ang resibo na pipirmahan ni Sunoo. Agad itong pinirmahan ni Sunoo at saka na nagpaalam na ang lalake sa kanya. Nang mawala na ito ay sinara na ni Sunoo ang pintuan at saka na naglakad patungo sa pintuan ng kwarto ni Heeseung.

Binuksan niya ang pintuan at saka na napahinto.

"As long as you stay with me, I promise I won't change and will love you both on good and bad days, my sun."

"I will always say you're pretty, even when you cry and shout. I will hold you both on hot and cold days, my sun."

"I will hug you on all days of the calendar, even if you become fat or thin. I will always admire you, my sun."

"Hyung!" tigalgal ni Ni-Ki na nakaupo sa harap ng kompyuter. Mabilis niyang pinatay ang tumutugtog sa speaker nang makita niya si Sunoo na hindi niya namalayang pumasok.

Napakurap naman si Sunoo. "Ah, m-may package si hyung. Lagay ko na lang dito," saad niya at saka na pinatong ang kahon sa kama.

Matapos niyang ilagay ang kahon sa kama ay natigilan siya. "Na-record na pala iyan ni Heeseung hyung," komento niya at saka na napatingin kay Ni-Ki.

"Eh?" tauli ni Ni-Ki. "Naparinig na ito sa 'yo ni hyung?"

"Hmmm," pagtango ni Sunoo. "Ang ganda nga e. Kaso hindi ko alam kung anong title."

Natahimik sandali si Ni-Ki at saka na humarap muli sa kompyuter. Napatingin siya sa papel na nasa tabi ng keyboard at tinitigan ito nang matagal. Pinag-iisipan niya kung ipapakita niya ito kay Sunoo.

Napahinga siya at saka na kinuha ang papel. Muli siyang humarap kay Sunoo.

"Hmmm." Iniabot niya ang papel kay Sunoo.

Napatingin naman si Sunoo sa papel. Lumapit siya kay Ni-Ki at saka na kinuha ang papel na hawak nito.

"That's the whole song lyrics," saad ni Ni-Ki.

Hinawakan ni Sunoo sa dalawa niyang kamay ang papel at saka na tinignan ito.

"Confession to Sun—" pagbasa ni Sunoo pero agad din siyang natigilan. Napakurap nang bahagya ang mga mata niya habang tinititigan nang maigi ang pamagat ng kanta.

Gusto niyang magsalita pero hindi niya maibuka ang bibig niya. Napatikom siya habang naguguluhan sa nakikita niya.

"You're so oblivious, hyung," saad ni Ni-Ki. "Heeseung hyung has been liking you for a long time already, and yet you believe he isn't."

Just a Little Bit (ENHYPEN Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon