Nanlaki ang mga mata ni Sunoo sa biglaang pagdampi ng mga labi ni Sunghoon sa kanya. Agad siyang napahawak sa mga balikat ni Sunghoon at naitulak ito mula sa kanya.
Napakurap nang maraming beses si Sunoo. "H-Hyung!"
Napabuka ang bibig ni Sunghoon. "M-Mian, Sunoo-yah."
"Mohae?"
Agad na napalingon sina Sunghoon at Sunoo kay Jungwon na kapapasok lamang ng kwarto habang pinupunasan ng tuwalya ang sariling buhok.
"Should I leave?" tanong ni Jungwon habang pinagmamasdan ang dalawa na halata ang pagkagulat sa pagpasok niya.
"A-Ani!" pagwagayway ni Sunoo ng kanyang kanang kamay sa ere. Bumaba siya mula sa kama at napatayo. "L-Lalabas lang ako," paalam niya at saka na naglakad palabas ng kwarto.
Sinundan naman siya ng tingin ni Jungwon, matapos ay napatingin naman siya kay Sunghoon na nakatulala habang nakaupo sa sahig.
"Did something happen?" usisa ni Jungwon.
"Ha?" Napalingon si Sunghoon kay Jungwon. "W-Wala, Jungwon-ah."
Napaimpis ang mga labi ni Jungwon at saka na nagkibit-balikat. "Arasseo," saad niya at saka na nagtungo siya sa sarili niyang kama.
Nagtungo naman si Sunoo sa sala at saka na napaupo sa sofa. Napatulala siya sa palabas sa telebisyon.
"What did just happen?" tanong niya sa isip niya.
Sa sobrang pagkatulala niya sa telebisyon ay hindi na niya namalayang nakalabas na si Ni-Ki mula sa banyo. Tinawag siya nito pero hindi niya ito narinig o napansin kaya naman hinayaan na lamang siya ni Ni-Ki at dumeretso na lang din ito sa loob ng kwarto nila.
Maya-maya pa ay napalingon si Sunoo dahil may tumusok sa pisngi niya. Napakurap si Sunoo nang makita si Heeseung na nakaupo na sa tabi niya.
"Gwaenchana?" pag-aalala ni Heeseung. Pinagmamasdan niya ang mukha ni Sunoo.
Napakurap muli si Sunoo. "Nae... Hyung."
"Jinjja?" usisang muli ni Heeseung. "Kanina ka pa nakatulala."
Kanina pa kasi nakaupo si Heeseung doon pero hindi rin siya napansin ni Sunoo.
"Ah.... I... I was just thinking, hyung," sagot ni Sunoo.
"Hmmm...." pagtango ni Heeseung at saka na napaharap pero agad ding siyang lumingong muli kay Sunoo. "What is it? Are you troubled with something? Maybe I can help you."
Agad na inangat ni Sunoo ang dalawa niyang mga kamay sa ere at saka na winagayway ang mga ito. "Ah, w-wala, hyung. It's not something you should be concerned about."
Napatikom nang sandali si Heeseung habang tinitignan si Sunoo.
"But everything about you concerns me," saad ni Heeseung.
"Eh?"
"I mean... I'm your hyung so it's natural for me to be concerned," dahilan ni Heeseung.
"Ahhh..." reaksiyon ni Sunoo. "But I'm okay, hyung, jinjja," pagtitiyak niya.
Napaimpis ang bibig ni Heeseung at saka na napatango.
"Arasseo. Magpahinga ka na." Hinawakan niya ang ulo ni Sunoo. "May schedule pa tayo bukas," dagdag niya.
"Hmmm," pagtango ni Sunoo. "Ikaw rin, hyung."
BINABASA MO ANG
Just a Little Bit (ENHYPEN Fanfiction)
FanfictionSunghoon now has a chance to win Sunoo's love now that Heeseung has turned him down. Will Sunoo have a change of heart for Sunghoon, or is it Heeseung who will change his mind? 🍀 Most Impressive Ranking: #1 SunSun #1 Heesun