Joahae

122 5 2
                                    

Napahinga nang malalim si Sunoo at saka na napadako ang tingin niya sa mga pinagkainan sa lamesa.

"Dang yeon haji—" Lumapit si Sunoo sa lamesa at saka na yumuko rito. "—I always suck at rock, paper, scissors," pagtanto niya.

Napangiti naman si Heeseung. Nagtungo siya sa gabinete malapit sa pintuan at saka na kumuha mula roon ng itim na plastik. Bumalik siya sa lamesa at saka na iniabot kay Sunoo ito.

Napatingin si Sunoo sa plastik at saka na kinuha ito mula kay Heeseung. Binalik niya ang tingin niya sa lamesa at isa-isang isinilid sa plastik na hawak niya ang mga basura.

Tumulong naman si Heeseung sa pagligpit ng mga plato at kobyertos habang pasulyap sulyap ang mga mata niya kay Sunoo na nakapokus sa paglilinis.

"Are you still playing LOL, Sunoo-yah?" tanong ni Heeseung.

Lumapit siya kay Sunoo at saka na nilagay sa plastik na hawak ni Sunoo ang laman ng plato na hawak niya.

"I stopped playing it," sagot ni Sunoo.

Mahilig kasi siyang maglaro nito noon kasama si Heeseung. Pero tumigil na rin siyang laruin ito simula no'ng umiwas siya kay Heeseung.

"Ah, geurae?" saad ni Heeseung. "Ano na pa lang pinagkaaabalahan mo?"

"Hmmm..." Napaisip si Sunoo habang tinitignan ang ginagawa ni Heeseung. "I'm into books nowadays," sagot niya.

"Ah, jinjja?" komento ni Heeseung.

Alam naman talaga niya na ito na ang pinagkaaabalahan ni Sunoo dahil lagi niya itong nakikitang nagbabasa sa sofa.

"Anong binabasa mo?" usisa pa niya kahit alam din naman niya ang sagot sa tanong na ito.

"Hmmm... Son, Read This When You’re Tired of Life by Yoon Taejin," sagot ni Sunoo. "Binabasa ko iyon kapag marami akong iniisip at kapag naghahanap ako ng solusyon sa iniisip ko," dagdag niya.

Natahimik si Heeseung. Nagtungo siyang muli sa lamesa at saka na niligpit pa ang ibang pinagkainan doon.

"If you're worried about something, don't overcome it by yourself. I told you I would always be here to help you," saad ni Heeseung habang abala ito sa nililigpit niya.

Natigilan si Sunoo at saka na pinagmasdan si Heeseung. Palaging sinasabi ito ni Heeseung sa kanya noon pa, pero ni minsan ay hindi niya nasabihan ito ng mga problema niya. It was because he wanted to always look good and be worry-free in front of Heeseung. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa taong nagugustuhan niya.

"Don't worry, hyung. I'm all good," pagtitiyak ni Sunoo at saka na binuhol ang plastik na hawak niya. "How about you, hyung? Anong pinagkaaabalahan mo ngayon?" paglayo niya ng usapan mula sa kanya.

"Hmmm... I'm practicing producing songs with Jake and Ni-Ki," sagot ni Heeseung.

Nanlaki ang mga mata ni Sunoo sa narinig. Kahit noon pa lang kasi ay pangarap na niyang makitang gumawa ng kanta si Heeseung at marinig ang mga ito. Nasabi na ni Heeseung noon sa kanya na may balak itong mag-produce ng kanta kaya nga bumili ito ng kompyuter. Pero dahil nahilig si Heeseung maglaro ng computer games ay hindi na ito nakapag-pokus sa paggawa ng kanta. Kaya natutuwa si Sunoo na marinig ito.

"Jinjja? Have you produced any songs already?" masiglang tanong ni Sunoo.

Napatango si Heeseung. "But I'm not that good yet."

"Geojismal," pagsalungat ni Sunoo. "You're Lee Heeseung. Everything you do, I know, will be good."

Napangiti si Heeseung. He's been missing hearing compliments from Sunoo. Not in front of the camera, but personally. Napatingin siya kay Sunoo.

Just a Little Bit (ENHYPEN Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon