Napatitig nang matagal si Sunoo kay Heeseung na seryoso ang hitsura habang nakatingin sa kanya. Napabuka lamang ang bibig niya at tila ayaw sumagot ng kanyang dila sa tanong nito. Ngunit nang maramdaman niya ang tila paglapit ng mukha ni Heeseung sa kanya ay agad siyang nahimasmasan.
Napakurap si Sunoo nang ilang beses at saka na napaiwas. "Ne, hyung," sagot nito.
Natigilan si Heeseung at saka na lumapit pa sa tainga ni Sunoo. "Geurae?" bulong niya.
Napaharap muli si Sunoo sa kanya pero dahil sa sobrang lapit na ng mukha ni Heeseung sa kanya ay nagulat siya, napa-atras, at halos mawalan ng balanse. Ngunit agad namang nahawakan ni Heeseung ang likuran niya at saka na hinila siya papalapit.
Halos hindi makapagsalita si Sunoo habang tinititigan siyang muli ni Heeseung nang mas malapitan. Hindi na niya maintindihan kung bakit ganito ang kinikilos nito pero sapat na ang ginagawa ni Heeseung upang mawala ulit sa wisyo si Sunoo. Hindi na nga rin niya namamalayan na halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ni Heeseung sa kanya.
"Yah! Wala pa sila Sunoo!"
Napakislot si Sunoo dahil sa boses ni Sunghoon mula sa sala. Napakurap siya at saka na napabuka ang kanyang bibig.
"N-Ne, hyung," utal ni Sunoo. "Naka-move on na ako."
Muling nagpantig ang tainga ni Heeseung sa narinig. "Let's get closer then," saad niya at saka na binitawan ang likuran ni Sunoo. Hinila niya ang kamay nito at sinama niya si Sunoo palabas ng kwarto.
Sumunod lamang si Sunoo sa kanya hanggang sa nakarating silang dalawa sa sala.
"Uy, ang sarap niyan ah," bungad ni Heeseung at saka na naglakad siya patungo sa lamesa.
Sumunod lamang si Sunoo kay Heeseung at saka na napansin niya si Sunghoon. Ang mga mata nito ay nakatuon sa iba. Agad na sinundan ni Sunoo ang tinitignan nito at doon lamang niya napagtanto na nakatingin ito sa kamay ni Heeseung na nakahawak sa kamay niya. Mabilis na bumitaw si Sunoo sa kamay ni Heeseung na dumeretso lamang na naglakad patungo sa tabi ni Jake.
Napahinto si Sunoo at saka na tuminging muli kay Sunghoon na saktong nakatingala na sa kanya. Magsasalita sana siya pero ngumiti lamang si Sunghoon. Tinapik nito ang pwesto sa tabi niya. Natahimik na lamang si Sunoo at saka na umupo ito sa tabi ni Sunghoon.
"Here." Inabot ni Sunghoon kay Sunoo ang natitirang plato at chopsticks.
Kinuha naman ni Sunoo ang mga ito habang pinagmamasdan ang mukha ni Sunghoon.
Napatingin sa kanya ito. "Wae?" tanong ni Sunghoon.
May gustong sabihin si Sunoo pero hindi mahanap ng dila niya kung ano ito. Gusto niyang magpaliwanag pero maski siya ay hindi alam kung anong ipaliliwanag niya. Hindi nga niya maalala kung anong nangyari.
Napailing na lamang si Sunoo at saka na ngumiti nang bahagya. Napaharap na siya sa lamesa at saka natuon ang tingin kay Heeseung na nakikipagtawanan na kina Jake at Ni-Ki.
Muling sumagi sa isip ni Sunoo ang nangyari kanina. Pero sa dami ng emosyon na nanaig sa kanya at tila nablanko na rin ang pag-iisip niya kanina ay hindi na niya masabi kung anong nangyari. He thought Heeseung had almost tried to do something, but his brain was telling him it was absurd.
Napapikit siya nang sandali at saka na napailing.
Hindi iyon ang unang beses na inakala niyang may nararamdaman sa kanya si Heeseung. He doesn't want to entertain the idea once more.
"Let's get closer then."
Sumagi sa isip niya ang huling sinabi nito. Napatingin siyang muli kay Heeseung na abalang nakikipagtawanan kila Jungwon. Maya-maya pa ay napatingin din ito sa kanya at saka na ngumiti. Napangiti rin siya at saka na muling ibinaling ni Heeseung ang paningin sa mga katabi nito.
Gusto niyang bumalik sila ni Heeseung sa dati at naisip niyang iyon ang ginagawa ni Heeseung.
Natawa siya nang marahan at saka na napahinga. Napagtanto niyang masyado siyang nag-iisip at binibigyan ng kahulugan ang ginawa ni Heeseung. Itinuon na lamang niya ang sarili sa mga pagkain na nasa harapan niya.
Matapos nilang maubos ang mga pagkain ay napatayo si Heeseung. "Why don't we play to determine who's going to clean and wash the dishes?" mungkahi nito.
Napatayo rin ang iba at saka na pinalibutan nila ang lamesa. Sabay-sabay nilang inangat ang kani-kanilang kanang kamay at saka na niyukom ito. Nagkatinginan pa sila sa isa't isa.
"Ahn naemyeon jin guh gawi bawi bo!"
Agad na napasigaw sina Jake at Jay, habang napasayaw naman si Ni-Ki dahil sa paghagis nilang tatlo ng hugis batong kamay.
Napahinga naman nang malalim si Jungwon habang napatalikod naman sina Heeseung at Sunghoon. Napasigaw naman habang natatawa si Sunoo sa nangyari. Apat kasi silang nagbato ng kamay na hugis gunting.
Muling humarap sina Heeseung at Sunghoon at saka na iniangat nilang apat ang kani-kanilang kanang kamao.
"Ahn naemyeon jin guh gawi bawi bo!"
"Yoi!" Napaluhod si Jungwon habang nakataas ang kanyang kanang kamay na nakahugis gunting.
Natahimik naman si Sunghoon habang nakatitig sa mga kamaong naka-angat pa rin sa ere. Ang kanyang kamay ay nakahugis gunting din habang naka hugis papel naman ang mga kamay nina Heeseung at Sunoo.
"You are my destiny, geudaen. You are my destiny—" pagkanta ni Jay habang nakaunat ang kanyang mga braso. Napatingin siya kay Sunghoon at saka siya napahinto dahil masama na ang titig nito sa kanya.
"Kami na lang ni Sunoo, hyung," pagprisinta ni Sunghoon sa sarili at saka na napatingin kay Heeseung.
Natigilan si Heeseung at saka na napalingon kay Sunoo na nakatingin kay Sunghoon.
"Ani," sagot ni Heeseung at saka na tuminging muli kay Sunghoon. "You already had your chance, Sunghoon-ah, so let me do this."
Bubuka sana ang bibig ni Sunghoon pero agad na hinawakan ni Jay ang braso niya.
"Come on, we already won. Let's go," paghila ni Jay at saka na napatingin kina Ni-Ki, Jake, at Jungwon. Tumango siya sa mga ito.
"Ah, balik na kami sa kwarto," paalam ni Jungwon kina Heeseung at Sunoo at saka na tinulak sina Jake at Ni-Ki palayo sa sala.
Nang makapasok na sina Jay at Sunghoon sa kwarto nila Jay ay agad na inialis ni Sunghoon ang kamay ni Jay sa braso niya.
"Akala ko kakampi kita," ismid ni Sunghoon kay Jay.
Napahinga nang malalim si Jay. "To be honest, wala naman akong kinakampihan sa inyo ni Heeseung hyung. It's the same for the rest of us."
Napapikit at saka na napailing si Sunghoon. "Pero, Jay-ah—"
"Oo alam ko, Sunghoon-ah," putol ni Jay kay Sunghoon. "Pero chill ka lang, okay?" Itinaas ni Jay ang dalawang kamay niya sa ere.
"Hindi pwedeng palagi mo na lang haharangan si hyung. At some point, kailangan pa rin nilang maging malapit sa isa't isa kasi magkaka-grupo tayo," paglilinaw ni Jay.
Napabuka ang bibig ni Sunghoon at saka na napahinga nang malalim. Napaupo siya sa kama ni Jake. "I know. It's just that—"
"You're overthinking," saad ni Jay. "Hindi mo ba nakikita kung gaano na sila ka-awkward sa isa't isa? Even if they stop avoiding each other, they can't really go back to how they used to be. Hindi na sila babalik sa dati, Sunghoon-ah. And besides—"
Umupo si Jay sa tabi ni Sunghoon at saka na hinawakan ang balikat nito. "—kahit may feelings pa rin si Sunoo sa kanya, he likes you more now than heeseung hyung. You already have an advantage. Kaya huwag mo masyadong bakuran. Baka hindi pa kayo eh masakal na sa 'yo si Sunoo ngayon pa lang."
Napayuko si Sunghoon at saka na sinandal ang kanyang noo sa kanyang dalawang kamay habang nakatungkod ang kanyang mga siko sa kanyang mga hita. Napatitig siya sa sahig habang inaalala ang nakita niya kanina.
Alam niyang may punto si Jay pero hindi niya maialis sa isipan niya ang nakita niya.
BINABASA MO ANG
Just a Little Bit (ENHYPEN Fanfiction)
FanfictionSunghoon now has a chance to win Sunoo's love now that Heeseung has turned him down. Will Sunoo have a change of heart for Sunghoon, or is it Heeseung who will change his mind? 🍀 Most Impressive Ranking: #1 SunSun #1 Heesun