Chance

214 8 5
                                    

ABALANG nagpapalit sina Jay at Jake ng damit sa kanilang kwarto nang mapalingon sila sa direksyon ng pintuan na biglang bumukas. Mula rito ay pumasok si Sunghoon.

"Ano iyon? Anong sasabihin mo sa 'kin?" kunot noong bungad ni Sunghoon kay Jay pagkapasok nito.

Napalingon naman si Jay kay Jake na napalingon din sa kanya. Halata sa mukha nito ang kyuryusidad.

Napabuntong-hininga si Jay at tinignang muli si Sunghoon. "'Di ba sabi ko sa 'yo magpalit ka muna," saad ni Jay.

Galing kasi sila sa huli nilang schedule at kauuwi lamang nila sa kanilang dormitoryo.

"I can't wait. You sounded urgent when you chatted me," seryosong sagot ni Sunghoon. Napaupo ito sa kama ni Jake. "So what is it?"

Napalingong muli si Jay kay Jake.

"What? Gusto ko ring malaman," ani ni Jake.

Napahingang muli nang malalim si Jay at saka mabilis na sinuot ang hawak niyang t-shirt. "Fine," ani nito at saka umupo sa higaan niya.

Umupo naman si Jake sa silya na katabi ng bintana.

"Don't worry. It is good news," panimula ni Jay habang nakatingin kay Sunghoon.

"Good news? So what is it?" pag-aatubili ni Sunghoon.

"I saw Sunoo crying earlier," sagot ni Jay.

"What?!" Napatayo si Sunghoon. "Anong good news do'n?" ismid niya.

"Oo nga," komento naman ni Jake.

Napailing si Jay at saka na nimuwestra ang kanyang kamay kay Sunghoon upang umupo itong muli. "Hindi pa kasi ako tapos," dugtong nito.

Nagkrus naman ang kilay ni Sunghoon at saka dahan-dahang napaupong muli. Kung ipapasuri lamang ang kanyang blood pressure sa pagkakataong ito ay siguradong highblood na siya.

"It is because Heeseung hyung confronted him. Tinanong niya si Sunoo kung may gusto siya sa kanya. To cut the story short, he dumped Sunoo at once. Kaya umiyak si Sunoo," maikling pagpapaliwanag ni Jay.

"What? He dumped him?" pagtataka ni Jake. "Hindi ba—"

"What's important is that you have a chance now," putol ni Jay kay Jake habang nakatingin siya kay Sunghoon na nakatulala dahil sa narinig.

Hindi alam ni Sunghoon kung dapat ba niyang ikatuwa na umiyak si Sunoo dahil nabigo ito kay Heeseung. Naaawa siya at nasasaktan para kay Sunoo. Pero tama si Jay. Pagkakataon niya na. Kung ayaw ni Heeseung kay Sunoo ay handa siyang maging rebound para rito.

Napatayo si Sunghoon mula sa kama at nagpasyang magtungo kay Sunoo.

*****

"Hyung? Sigurado ka bang ayos ka lang?" marahang pagtapik ni Jungwon kay Sunoo na nakahiga sa kama habang nakatalukbong ito ng kumot.

"Ayos lang ako, Jungwon," mahinang sagot ni Sunoo.

Napakunot ang noo ni Jungwon. Alam niyang nagsisinungaling ito. Magkalapit lang ang edad nila ni Sunoo at halos palagi silang magkasama. Kaya alam niya na may mali sa kinikilos nito simula pa lang nang masulyapan niya ang mukha ni Sunoo kanina sa van.

Muli ulit tinapik ni Jungwon ang nakatakip na braso ni Sunoo. "Hyung, kung may nararamdaman ka—"

Agad na napalingon si Jungwon nang makaramdam siya ng paghawak sa balikat niya. Napatingala siya kay Sunghoon na marahang tinapik ang balikat niya. Nag-alangan man si Jungwon ay minabuti na lamang niyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa higaan ni Sunoo at hinayaan si Sunghoon.

Umupo si Sunghoon sa tabi ni Sunoo at malumanay na hinawakan ang nakatakip na braso nito.

"Sunoo-yah," maamong pagtawag ni Sunghoon.

"Hmmm..." huni lamang ni Sunoo.

"Gusto mong lumabas? Bili tayo ng choco mint ice cream," pag-aya ni Sunghoon.

Hindi sumagot si Sunoo. Napalingon naman si Sunghoon kay Jungwon na nakatayo habang inu-obserbahan ang gagawin niya.

Napahinga nang malalim si Jungwon at saka na napailing.

Muling binalik ni Sunghoon ang paningin niya kay Sunoo. "How about—"

"Will you eat choco mint ice cream too?" biglang sagot ni Sunoo.

Natigilan si Sunghoon sa tanong na iyon. Isa siya sa mga anti-choco mint flavor sa grupo nila. Ayaw na ayaw talaga niya ito dahil para sa kanya ay lasa itong toothpaste. Kaya naman hindi niya maintindihan si Sunoo kung bakit paboritong paborito niya ito.

"Nevermind. I'll just sleep," saad ni Sunoo nang hindi sumagot si Sunghoon.

Napakurap nang ilang beses si Sunghoon at napanganga sa narinig. "F-Fine! I-I'll eat it. I'll eat it if you go with me."

It is now or never. Iyon ang sumagi sa isip ni Sunghoon. He can't afford to hesitate now that he has a chance.

Agad na napaupo si Sunoo mula sa kama dahilan upang panandaliang makalimutan ni Sunghoon ang salitang paghinga. Nasa kalagitnaan pa lamang siya nang pakikipag-away sa utak niya na ayaw ng choco mint flavor nang mapaupo si Sunoo at magtama ang kanilang mga paningin. Ang mukha nito ay ilang pulgada na lamang ang agwat sa mukha niya. Kung mas malapit pa nga sana nang kaunti ang mukha ni Sunghoon ay baka mahalikan na siya ni Sunoo.

"Hyung, sure ka?" tanong ni Sunoo.

Napakurap si Sunghoon at muling nakahinga nang magsalita ito. Agad niyang iniwas ang paningin niya at saka na napalayo ng upo.

"H-Ha?" utal ni Sunghoon.

"Na kakain ka ng choco mint ice cream. Huwag mo sabihing binabawi mo na agad," pagsimangot ni Sunoo.

Napalingon si Sunghoon kay Sunoo at sa pagkakataong iyon ay itinaas na ng utak niya ang bandilang puti. Itinaas naman ng puso niya ang bandilang kulay pula na may mukha ni Sunoo.

"Yes. I am sure. I will eat it," sagot ni Sunghoon.

Agad na kumurba paitaas ang mga gilid ng labi ni Sunoo. "Gaja," ngiti nito at saka na hinila ang braso ni Sunghoon.

Napangiti rin si Sunghoon at saka na napatayo. Napatingin siya kay Jungwon na tumango sa kanya tanda ng pasasalamat. Marahang hinawakan ni Sunghoon ang balikat ni Jungwon at tinapik ito.

"Jungwon-ah, what do you want? We'll buy it for you," tanong ni Sunoo.

"I'm good. Go ahead," ngiting sagot ni Jungwon.

"Arasseo," ani ni Sunoo at saka na napatingin kay Sunghoon. "Gaja?"

Tumango si Sunghoon at saka na lumabas na sila ng dormitoryo.

Nang mawala na ang dalawa ay lumabas si Jake mula sa kwarto nila ni Jay at nagtungo sa kwarto nila Jungwon.

"Where's Sunoo?" tanong ni Jake habang inuusisa niya ang loob ng kwarto. Nakatayo siya sa may pintuan.

"He went out with Sunghoon hyung," sagot ni Jungwon na abalang inaayos ang mga damit niya sa gabinete.

Napatango-tango si Jake. "Let's go to Heeseung hyung," pag-aya nito kay Jungwon.

"Wae?" pagtataka ni Jungwon.

"It's about Sunoo," sagot ni Jake.

Napatigil naman si Jungwon sa ginagawa niya. "Do you know what happened to him?" pag-usisa niya.

Tumango si Jake. "Pretty much. But there's something I'm curious about. So I'm going to Heeseung hyung for answers. Will you come with me?"

Agad na sinabit ni Jungwon ang hawak niyang damit sa hanger at saka na isinabit ito sa loob ng gabinete. Matapos ay naglakad na siya patungo kay Jake. "I'll go with you," sagod nito.

Just a Little Bit (ENHYPEN Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon