Reason

160 3 0
                                    

"HYUNG!" pagtawag ni Jake pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng kwarto ni Heeseung.

Napatingin naman si Ni-Ki  na nakaupo sa kama ni Heeseung kina Jake at Jungwon na magkasunod na pumasok sa silid.

"Hyung," pagtawag naman ni Jungwon.

Pero parehas silang hindi nilingon ni Heeseung na nakatalikod sa kanila habang nakatuon ang pansin sa nilalarong video game sa kompyuter.

Napalingon si Ni-Ki kay Heeseung at saka na gumapang siya sa kama upang abutin ang kinauupuan ni Heeseung.

"Hyung," pagkalabit ni Ni-Ki sa braso ni Heeseung.

Napalingon si Heeseung kay Ni-Ki at saka na inalis nito ang suot na headphones.

"Wae?" pagtatanong ni Heeseung.

Napatango si Ni-Ki sa direksyon nina Jake at Jungwon na nakatayo sa likuran ni Heeseung. Agad namang lumingon si Heeseung sa likuran niya.

Nilapag muna ni Heeseung ang hawak niyang headphones sa kanyang lamesa at saka na iniikot niya ang kanyang upuan upang harapin ang dalawa.

"Wae?" pagtatanong ni Heeseung sa dalawa.

Napatingin si Jungwon kay Jake at saka na binangga nang marahan ang braso nito.

"Ah! Ano kasi, may itatanong ako," panimula ni Jake.

"What is it?" usisa ni Heeseung.

Napakamot naman sa ulo si Jake at saka na umupo sa kama ni Heeseung.

"Uhm... Balita ko binasted mo raw si Sunoo," panimula ni Jake.

"Ha?" sabay na reaksyon ni Ni-Ki at Jungwon.

Mula kay Jake ay napalingon si Ni-Ki kay Heeseung. "W-Wae?" pagtatakang tanong nito.

Umiwas ng tingin si Heeseung mula sa kanila at saka muling hinarap ang kanyang kompyuter. "Where did you hear that?" tanong niya at saka na pinalakad-lakad ang karakter na kanyang nilalaro sa kompyuter.

"I heard it from Jay. He saw him—" Napatingin si Jake kay Jungwon na nakatayo sa harap niya, matapos ay kay Ni-Ki na nasa kama at katabi niya. Parehas na nakatuon ang tingin sa kanya. "—crying earlier."

Kung nakamamatay lang ang titig ay siguradong na dead-on-the-spot na siya ng dalawa.

Parehas na napakunot ang noo nina Jungwon at Ni-Ki sa narinig. Sabay rin silang napalingong muli kay Heeseung na abala sa harapan ng kompyuter.

Uminit man ang ulo ni Jungwon sa narinig ay ayaw niyang husgahan agad si Heeseung. Alam niyang ano man ang nangyari ay hindi hangarin ni Heeseung ang saktan si Sunoo. Alam niyang tinanggihan ni Heeseung ang nararamdaman ni Sunoo sa pinakamaayos na paraang alam nito.

"Did you do that for our own good?" kalmadong tanong ni Jungwon.

Napahinto si Heeseung sa ginagawa niya. "Hmmm..." sagot nito.

"But I thought you like—"

"Then let's just leave it at that," putol ni Jungwon kay Jake.

"But Jungwon-ah!"

Napalingon si Jungwon kay Jake. "Let's leave it—" maigting na saad nito. "—hyung."

Napatikom ang bibig ni Jake. Mas nakatatanda man siya kay Jungwon ay hindi ito naging lider nang walang basehan. Ano man ang desisyon ni Jungwon ay siguradong pinag-isipan nitong mabuti.

"Arasseo," pagsantabi na lamang ni Jake. Tumayo siya mula sa kama at lumabas ng kwarto.

Tumango si Jungwon kay Ni-Ki na nakatingin sa kanya at saka na lumabas na rin siya ng kwarto. Nang makalabas na ang dalawa ay napalingong muli si Ni-Ki kay Heeseung.

"Hyung," pagtawag ni Ni-Ki.

"Ni-ki... Can you... Can you leave me for a bit?" hiling ni Heeseung.

Natahimik si Ni-Ki. Tinignan niya nang sandali ang nakatalikod na nakatatanda.

"Alright, hyung," sagot ni Ni-Ki at saka na tumayo na ito mula sa kama.

Napatingin muna siya nang sandali kay Heeseung at saka na nagpasyang lumabas na rin ng kwarto.

Nang marinig ni Heeseung ang pagsara ng pintuan ay napapatong ang kanyang magkabilang braso sa lamesa at saka na isinandal ang kanyang noo rito. Napahinga siya nang malalim habang pinapakawala ang matinding bigat sa kanyang dibdib. Mabilis na tumulo ang kanyang luha matapos niyang buksan ang emosyong kanina pa niya kinandado simula no'ng iwan niya si Sunoo sa silid na iyon.

Hindi iyon naging madali sa kanya. Ang makita lamang ang nagbabadyang luha ni Sunoo kanina ay tila nais na niyang bawiin ang salitang binitawan niya.

I can't reciprocate—isang kasinungalingang ilang beses niyang pinaulit-ulit sa isipan bago siya naglakas ng loob na sabihin iyon kay Sunoo.

Sa kabila ng kabulaanan na iyon ay nagtatagong mga katagang—Mahal din kita.

Pero pinili niyang unahin ang kapakanan ng grupo bago ang sarili. Mayroon mang susuporta sa kanila ay alam niyang mas maraming hindi. Bilang isang grupo na kaka-debut pa lang sa industriya na puno ng maraming mata na mapanghusga ay hindi niya kayang isa-alang-alang ang pangarap na binuo nila para lang sa pag-ibig. Hindi niya kayang maging sakim.

Masakit man sa kanya ay alam niyang kasalanan niya rin ito. Pinakita niya kay Sunoo ang magkaparehong interes. Dahil nang mga panahong iyon ay hindi pa niya nakikita ang mga bagay na kailangan niyang i-sakripisyo. Mura pa ang pag-iisip niya noon. Ang isiping gusto niya si Sunoo ay simple lang sa kanya. Pero simula nang mag-debut sila ay hindi pala iyon gano'n kasimple. Ano mang segundo ay maaari silang atakihin ng ano mang isyu. Ayaw niyang ang pagmamahal na iyon ang ikasira ng grupo. Kaya napagpasyahan niyang gawin ang bagay na pinaka-ayaw niya—ang saktan si Sunoo.

Napahawak ang kanang kamay ni Heeseung sa kanyang dibdib at saka na hinampas-hampas ito nang malakas. Tila binabarena ang kanyang puso. Halos hindi na siya makahinga sa sakit.

Kung maaari lang magmahal ng malaya—iyon ang kahilingan niya. Nais niyang mabuhay ulit sa mundong parehas silang normal na mga tao ni Sunoo.

Napangiti siya sa sariling imahinasyon. Sa imahinasyong iyon ay naglalaro siya ng basketball kasama ang mga kaibigan nang matamaan siya ng bola. Nabaling kasi ang atensiyon niya sa lalakeng may pinakamagandang ngiti na naglalakad sa labas ng court. Mabilis niyang pinuntahan ang lalake habang hindi pinapansin ang pagtawag ng mga kalaro niya. Naramdaman niya ang mabilis na pagtalon ng kanyang puso nang lumingon sa kanya ang lalake.

"Hi," nahihiyang bati ni Heeseung. Inalok niya ang kanyang kamay sa lalake. "I'm Heeseung. You are?"

Ngumiti ang lalake at hinawakan ang kamay niya. "Hi, Heeseung. I'm Sunoo."

Napatahan sa pagluha si Heeseung. Muli niyang ipinatong ang kanyang kanang braso sa kaliwa niyang braso at inihigang muli ang kanyang ulo roon. Napapikit siya nang maigi at nawala sa sariling imahinasyon.

Just a Little Bit (ENHYPEN Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon