With You

152 4 2
                                    

Umupo si Jay sa kanyang kama, at saka na umusod patungo sa tabi ni Sunoo. Nakaupo si Sunoo sa higaan ni Jay, habang nakadantay ang kanyang noo sa kanyang magkabilang tuhod.

Napalingon si Sunoo nang hawakan ni Jay ang kanyang ulo.

"Jay hyung," balisang saad ni Sunoo.

Napaimpis ang mga labi ni Jay. "Hanggang kailan mo iiwasan iyong dalawa?"

Napahinga si Sunoo, at saka na napapikit. Muli niyang idinantay ang kanyang noo sa kanyang mga tuhod. "Naguguluhan ako, hyung."

Napasandal si Jay sa pader, at saka na napatingin sa kawalan. "What are you confused about?"

Napadilat naman ang mga mata ni Sunoo. "Alam kong ginagawa ni Sunghoon hyung lahat para sa 'kin. Nakikita ko lahat ng efforts niya, at naa-appreciate ko iyon. Geundae..." Natigilan si Sunoo nang sandali. "Hindi ko maalis sa isipan ko si Heeseung hyung."

Napatingala si Sunoo, at saka na nilingon si Jay. "Wae? 'Bat niya ginawa iyon? Parang mabibiyak na ang utak ko kaiisip ng sagot, hyung."

Napatingin din si Jay kay Sunoo. "You know what you're good at, Sunoo-yah? You're good at talking. You resolve things by talking, and you will also find the answers the same way. If knowing the answer helps you, you should talk to hyung," payo niya.

Napasandal din ang ulo ni Sunoo sa pader, at saka na napatingin sa paligid. "I'm actually dying to talk to him, but I keep on thinking about Sunghoon hyung. What if..."

Natigilang muli si Sunoo, habang pinagmamasdan naman ni Jay ang hitsura nito. Alam niyang siya ang nagtulak kay Sunghoon na i-pursue si Sunoo, pero mas nangingibabaw sa kanya na hindi magkamali si Sunoo ng desisyon. He cares more about Sunoo.

"Sunoo-yah," panimula ni Jay. Napatingin naman si Sunoo sa kanya. "If a person truly loves you, that person will be happy for you no matter who you choose."

Bumigat naman ang mga mata ni Sunoo. "But, hyung... I don't want to hurt anyone," naluluha niyang sagot.

"I know," pagtitiyak ni Jay. "Pero kapag nagmamahal tayo, masasaktan din tayo. Palaging magkasama iyon. Hindi ba?"

Tumulo ang luha ni Sunoo, at saka na tumango.

Ngumiti nang bahagya si Jay, at saka na pinunasan sa mga daliri niya ang pisngi ni Sunoo. "Alam mo kung anong iyong isa sa mga strength mo? Iyon ay iyong masyado kang nagpapahalaga sa nararamdaman ng iba. Pero minsan, Sunoo-yah, kahinaan mo rin iyon. Kasi mas nauuna mo ang nararamdaman ng iba kaysa sa sarili mo."

Humikbi si Sunoo sa sinabi ni Jay. Hindi nga siya nagkamali no'ng napagpasyahan niyang puntahan ito. Jay is the most reliable person Sunoo can go to whenever he needs someone to knock sense into his head.

Pinunasan ni Sunoo ang mga mata niya. "Gomawo, hyung."

Ngumiti naman si Jay. "Now." Napalingon siya sa pintuan ng kwarto. "Stop avoiding and talk," dagdag niya.

Napatingin din si Sunoo sa pintuan, at doon ay nakatayo si Sunghoon.

Bumaba na si Jay mula sa higaan niya, at saka na nagtungo kay Sunghoon. Tinapik niya muna ito sa balikat, at saka na nagpasyang iwan ang dalawa.

Nang makalabas na si Jay sa kwarto ay nagtungo na si Sunghoon sa kama. Sinusundan naman siya ng tingin ni Sunoo habang papaupo na siya sa tabi nito.

"Why are you crying again?" pag-aalala ni Sunghoon nang makaupo na ito sa tabi ni Sunoo.

Just a Little Bit (ENHYPEN Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon