How to move-on?

166 4 0
                                    

NAPAKISLOT sabay na napalingon si Sunoo sa kanyang kinauupuan nang makaramdam siya nang pagkalabit sa kanyang braso.

"Hyung, ayos ka lang?" tanong ni Ni-Ki na nakaupo sa tabi ni Sunoo.

Napakurap naman nang ilang beses si Sunoo. "H-Ha? O-Oo, ayos lang ako. Bakit?"

"Kanina pa kasi kita tinatawag. Parang tulalang-tulala ka," sagot ni Ni-Ki.

"Ahhh..." Napanganga si Sunoo. "May—" Muli niyang binalik ang paningin sa kanina niya pa tinitignan. "—iniisip lang ako."

Napaharap ng tingin si Ni-Ki at saka na tinignan ang tinitignan ni Sunoo. Sa may hindi kalayuan ay sina Sunghoon, Jake, at Heeseung na nakaupo sa likod ng mahabang lamesang kulay puti habang nakapustura na tila kumakain. Sa harapan nila ay ang potograpo na kumukuha ng kanilang mga litrato para sa Balenciaga Summer Collection.

"Hyung." Napalingong muli si Ni-Ki kay Sunoo. "Kung gusto mo ng kausap nandito lang ako."

Napalingon din si Sunoo kay Ni-Ki at saka na napangiti. "That's so unlike you," tudyo nito.

Napakurap si Ni-Ki at saka napaiwas ng tingin. "What are you talking about? I'm always like this."

Napanguso naman si Sunoo. "'Wag ako," salungat nito at saka na napaharap muli ng tingin. "But thank you."

Napatitig si Sunoo sa direksyon ni Heeseung. He can't help but to admire how cool he is. Kahit anong pustura kasi ang gawin nito sa harapan ng kamera ay nababagay pa rin dito.

"How could someone get over a person as cool as you?" bulong ni Sunoo.

Napalingon naman si Ni-Ki. "Ha?"

Napalingon din si Sunoo kay Ni-Ki. "Ano sa tingin mo, Ni-Ki? Paano ba makaka-get-over ang isang tao sa isang taong gustung-gusto niya?"

Napatikom si Ni-Ki sa narinig. Pinagmasdan niya si Sunoo nang maigi at saka na napalunok. "'Bat mo tinatanong?" aniya at saka na napaiwas ng tingin.

"Ah eh kasi, 'yong kaibigan ko nagtatanong sa 'kin," palusot ni Sunoo.

Napahinga ng malalim si Ni-Ki. Alam naman kasi niya na hindi ito tungkol sa kaibigan ni Sunoo.

"Mahirap makalimot, hyung," panimula ni Ni-Ki. "Pero posibleng mabawasan iyong nararamdaman mo at maging daan para makalimutan mo rin siya pagdating ng panahon."

"Paano?" interesadong tanong ni Sunoo.

Napa-impis ang mga labi ni Ni-Ki. "Iwasan mo siya."

Itinaas ni Sunoo ang kanyang kanang binti sa upuan at saka na hinarap nang maayos si Niki. "E paano ko siya—I mean, paano niya gagawin iyon kung palagi silang magkasama? Parang katulad sa ating grupo. Palaging magkakasama. Nakatira sa isang bubong."

Napabuntong-hiningang muli si Ni-Ki.

"Maaari pa rin naman iyon, hyung. Huwag kang dumikit sa kanya. Huwag mo siyang lapitan. Dumistansiya ka. Huwag kang maging clingy sa kanya na para bang—" Napaharap siya kay Sunoo. "—hindi mo kayang wala siya palagi sa tabi mo."

Napa-panglaw ang mukha ni Sunoo at saka na napayuko. "Geurae? Sa tingin mo magwo-work iyon?"

Napayuko rin si Ni-Ki sabay na muling iniharap ang sarili sa harapan. "I think so... It did work for me a bit," bulong niya.

Napabaliktanaw si Ni-Ki sa lumipas. Ang lumipas kung kailan palagi pa siyang nakadikit at nakabuntot kay Sunoo. Paboritong paborito niya ito. Kung nasaan si Sunoo ay naroon din siya. Ang bawat kilos, galaw, at amoy nito ay alam na alam na ni Ni-Ki. Hanggang sa higaan ni Sunoo ay nakasunod siya upang mayakap niya ito hanggang sa pagtulog. Kung tatanungin nga siya kung nasaan ang bawat nunal ni Sunoo sa katawan ay siguradong masasagot niya.

Just a Little Bit (ENHYPEN Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon