Chapter 1

280 5 0
                                    

PASADO ALAS DYES na nang gabi bumalik sa Bar si Dolores na nanghihina pa rin at mahirap para sa kaniya kalimutan ang kagabi.

“Saan ka galing?” tanong kaagad sa kaniya ni Penny Rose na kasama n'ya sa isang kwarto pagkapasok n'ya sa loob.

“Kagabi ka pa hinahanap ni Atots at saka ni Mima Amanda.” Umupo si Dolores sa hinihigaan nito na double bed.

“Naku! Muntik ka na nilang i-report sa Pulis na nawawala ka. Pero sabi naman ni Volta nasa Sugar daddy mo raw ikaw.” Nakatitig lang si Dolores kay Penny na ayaw n'yang kausapin ang babae ngayon dahil pagod na siya.

Kahit sabihing bayarang babae sila, prostitute, hostess, stripper, and kung ano pa ang tawag sa kanila na konting kembot lang nila may pera na sila agad. Still their manager and handler protected them lalo na nang dahil sa kanila nagkakaroon ng kita ang mga ito.

“Dolor!” Si Atots na kapapasok lang. Kaibigan n'ya ito na kababata n'ya at magkapitbahay silang dalawa. Dalawang taon na si Atots sa Bar na mas matagal siya kumpara kay Dolor na wala pang isang buwan.

Atots was wearing Lace up Back Ribbed Thong Bodysuit. Para itong swimsuit kung nasa Beach na color black. Bagay naman kay Atots lalo na mahaba ang buhok na color black at saka wavy.

“Kausapin mo nga ‘yan ‘di ako kinakausap,” si Penny na tumayo at saka lumabas ng kwarto. Kumunot ang noo ni Atots at saka tinabihan ang best friend n'ya ngayon na inakbayan n'ya.

“Anong nangyari sa inyo ni Crusu at bakit ngayon ka lang umuwi? Grabe! Pinagod ka ba n'ya?” then Dolores glared Atots.

“Ano nga? Magkwento ka, haha!” Napa-tsk si Dolores na pagod siya. Ayaw n'ya magkwento dahil feeling n'ya masisira ang lalamunan n'ya kapag isasalaysay n'ya lahat.

“Galing ako sa Hospital.”

“Ano?” Bulalas ni Atots na kinuha ang braso na nakapatong sa balikat ni Dolores.

“Gagā! Anong ginagawa mo roon?” Nasampal ni Dolores ang buong mukha n'ya na gulong-gulo na siya.

“Laceration? Haha! Ang laki ba na dinala ka pa sa Hospital?”

“Atots.”

“Magkwento ka dali!” atat na atat na ang kaibigan nito hanggang sa nagkatitigan silang dalawa sabay tawa.

“Ano ang ikukuwento ko hindi nga natuloy,” kita ang pagkadismaya sa itsura ni Dolores kaya mas lalong na-curious ang kaibigan nito.

“Ayaw n'ya sa donut na may strawberry jam.”

“Yuck!” Nang agad nahulaan ni Atots ang kung anong ibig sabihin nito.

“Kung maka-Yuck ka diyan.”

“Gagi anong flavor ba gusto n'ya ng donut ang walang flavor? Haha! Bakit naman kasi may strawberry jam pa?” Napakamot si Dolores sa ulo n'ya na biglang nangati.

“Nabaril si Crusu.”

“Ano?” Bulalas ni Atots na malapit kay Crusu lalo na kilala n'ya ang lalaking iyon para sa kaibigan n'ya.

“Kaya ka ba doon nanggaling? Kumusta siya?” bumuntong-hininga si Dolores bago tiningnan si Atots sa mga mata nito.

“Nakuha na ang bala. Pero babalik ako roon bukas. Dadalawin ko siya ulit kahit hindi pa siya nagigising.” Malungkot siyang tiningnan ni Atots pero agad itong may naalala. “Nandito si Volta. Dapat hindi n'ya malaman na nasa Hospital si Crusu dahil kapag malaman n'ya? Ipipilit ka n'ya na makipag-table sa iba.” Napahilamos si Dolores sa mukha n'ya. Mahigpit si Volta at kung hindi si Crusu ang customer n'ya pinipilit siya nito na i-entertain ang ibang customer na gusto siya maka-table na ayaw n'ya naman lalo na kay Crusu palang malaki na magbigay.

A Roasted Child-star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon