She's catching her breath while holding the doorknob and doubtful if she will open the door. Her hand that holding the doorknob also trembling that made her anxious right now.
Lumalakas ang pagkatok na tino-todo ng may-ari ng kamay mula sa labas. Napapikit si Dolor hanggang sa umiling siya at saka n'ya hinila ang doorknob at bumukas ang pinto. Bumati sa kaniya ang baril na biglang itinutok ng lalaki sa noo nito na pinintok pa sa noo n'ya. Lumaki ang mga mata ni Dolor at natatakot siya sa posibleng mangyari sa kaniya ngayon.
“Nasaan ang kuya mo, ha?” parang lasing na tanong sa kaniya ng lalaki na naka stripes na skyblue na longsleeve ngayon na naka-tuck in sa slack nito na itim. Umiigting ang panga ng lalaki na gigil nitong tiningnan si Dolor na matagal sumagot.
Bumaling si Dolor sa likod n'ya na sinundan naman ng mga mata ng lalaki na tiningnan n'ya rin kung ano ang tinitingnan ni Dolor. Namumutla na ito ngayon at pinagpapawisan sa mga kaganapan sa loob ng apartment ngayon.
“T-Tito...” nahihirapang tawag n'ya sa lalaki na bigla nalang binuksan ang kwarto nito at pumasok na may hinahanap sa loob. Nangangatog ang mga tuhod ni Dolor na sumunod sa kaniya na naninira na ng mga gamit ngayon. Kung ano ang dadamputin ng lalaki sa inis nito hinahagis at binabato n'ya nalang kung saan.
“S-Sino ho ba ang hinahanap ninyo? Trespassing na po iyang ginagawa n—”
“TUMAHIMIK KA!” Nanggagalaiti na hiyaw nito sa galit na hindi n'ya nakita ang hinahanap n'ya ngayon.
Mas lalong ipinikit ni Dolor ang mga mata nito nang itutok na naman ng matandang lalaki sa kaniya ang baril na hawak nito na nangingitngit na sa galit ngayon.
“Ti-Tito... A-Albe...” ilang beses lumunok si Dolor na umaatras ngayon habang papalapit sa kaniya ang baril. Tiningnan n'ya kung paano pumuwesto ang isang daliri ni Albe sa trigger ng baril and how he tightly hold the grip of the gun. Konting galaw nalang ni Albe kahit humatching ito mapipindot nalang nito at kinakabahan si Dolor na maaring tatama sa kaniya.
“Nasaan ang kuya mo?” matigas na pagkasambit nito. “Alam ko na pumunta siya rito!” sure na sabi nito na alam n'yang kay Dolor lalapit ang lalaking gusto nitong patayin ngayon.
“Tito... Hindi. Hindi pumunta si Kuya rito. Isa pa... M-matagal na po kaming hindi nagkikita dalawa.”
“Kasi asawa ko ang inaatupag n'ya! May hidden place pa silang dalawa!” parang lalabas na sa balat nito si Albe sa inis n'ya ngayon.
“Para malaman mo! Hinuhuthutan ng animal mong kuya ang asawa ko! Bumili pa talaga si Anisa ng Bahay at lupa para doon n'ya patirahin ang kuya mo na kabet n'ya!” Puno ng galit ang mga mata ni Albe. Nang isang araw n'ya lang nalaman ang tungkol sa sinasalita n'ya ngayon at pati ang matagal na pala siyang pinagtataksilan ng pinakamamahal n'yang asawa. Aminado ito na sinaktan n'ya si Anisa na nagdilim lang ang paningin n'ya sa nalaman na hindi n'ya sukat akalain na may lalaki ang asawa n'ya.
“Lahat ginawa ko para makontento lang siya sa akin.” Pagkwento nito habang nakatutok pa rin ang baril kay Dolor na umiikot na ang paningin n'ya na napapansin n'ya ngayon.
“Hindi kami nabigyan ng anak dahil hirap siyang magbuntis na may problema siya sa ovary. Pinili kong hindi siya iwan dahil mahal ko siya... Okay lang kahit hindi na kami magkaroon ng anak. Basta magpaka-asawa lang siya sa akin. Anong ginawa n'ya? Pinaramdam n'ya sa akin kung ano ako ka-bobo na sana iniwan ko nalang siya noon!”
“T-Tito, a-alam ko ang galit ninyo... Please naman po. Pakibaba na ang baril na hawak ninyo.” Pagmamakaawa ni Dolor na hindi ito mapapanatag hangga't nasa kaniya nakaharap ang bukana o ang muzzle ng baril.
Tiningnan lang siya ni Albe habang nagmamakaawa na ang mga mata nito na puno ng takot. Alam ni Dolor na mali ang ginawa ng kuya n'ya. Ang totoo n'yan matagal na nitong alam ang relasyon ng kuya n'ya at ni Anisa.
BINABASA MO ANG
A Roasted Child-star
RomantikCelebri-Taste Series: A Roasted Child-star High price for high pleasure. Dollor price for Dolores's pleasure.