FINALE

116 2 0
                                        

The real ending finale...

Mahangin sa labas dahil may bagyo ngayon na unang bagyo na pumasok ngayong January 07.

Tumingkayad si Dolor para maabot ang dulo ng bintana na kaniyang inalsa hanggang sa matanggal ito mula sa pagkakabit sa maliit na pabilog na alambre at saka na sumara ang pa fly up and down na bintana ng bahay . Nakarinig ito ng kaluskos mula sa kusina na ikinakunot ng noo n'ya hanggang sa pumaibabaw ang ingay ng pusa na naghahanap ng pagkain ngayon. Bigla n'yang naalala hindi pa pala siya nakapag saing ngayon.

Dumayo siya sa kusina at naabutan ang pusa na kumakaripas ng takbo na tumalon sa nakabukas na bintana sa kusina ngayon na ikinatigil n'ya. Hanggang sa kusa siyang kumilos para sa pagsaing n'ya.

Nang nakahanda na ang almusal, chineck n'ya ang kwarto na walang tao kaya nagtaka ito at naisip na baka nasa dalampasigan ang tao na pakay n'ya sa kwatong walang tao.

Napahawak ito sa malaking umbok ng tiyan n'ya. Buntis siya at madaling hulaan kung sino ang ama. Ang lalaki lang naman na lubos n'yang pinagkakatiwalaan; na inalay n'ya na ang buong buhay n'ya roon.

Wala namang nagbago sa pangangatawan nito na ganun pa rin dahil three times a day siyang kumakain araw-araw. Sea girl na siya ngayon dahil malapit sa dagat na siya nakatira. Ibinenta n'ya iyong malawak na lupain n'ya sa Sorsogon at piniling tumira malapit sa dagat ngayon kasama ang mga bagong mahal n'ya sa buhay.

Kanina pa ito lumalakad na hinahanap ang pakay n'ya. Malawak ang dagat at alam n'yang nasa pangpang lang tumatambay ang hinahanap n'ya ngayon. Hanggang sa lumapad ang ngiti n'ya habang pinagmamasdan ang may katandaang babae ngayon na nasa binti nakaupo ang isang cute na baby.

“Hi... Kanina ko pa kayo hinahanap,” saka siya mahinang ngumiti habang tinitingnan ang baby girl. Mabilis lang siyang tiningnan ng may edad na babae na mas lalong kumulubot ang balat nito dala ng katandaan n'ya.

Pumuwesto si Dolor sa likod nila at saka hinila paatras ang wheelchair kung saan nakaupo ang dalawa lalo na ang matandang babae na hirap ng lumakad dahil sa iniindang sakit ngayon.

“Uwi na tayo. Nakahanda na ang almusal,” malambing na tugon nito at saka itinulak ang wheelchair hanggang sa makarating sila ng bahay. Pagkahinto, kinuha n'ya ang baby n'ya mula sa lap ni Toni Rose na umangal ngayon dahil gusto pa makasama ang apo.

Dalawang taon na ang lumipas. Sa dalawang taon na iyon hindi pwedeng hindi siya mabuntis dahil wala silang proteksyon dalawa ni Lutish at gusto na siyang buntisin ni Lutish noon na naisakatuparan nga ang ambisyon na iyon.

Ngayon may panganay na siya na itong baby girl ngayon na binubuhat n'ya. Time flies so fast.

“Babalik lang ako Mamang. Ihiga ko lang si Toniara sa kwarto.” Walang sagot siyang nakuha mula kay Toni na inaantok na ang mga mata ngayon.

Mahina na ito ngayon dahil sa patuloy na paglaban n'ya sa kaniyang sakit. She had a Brain tumor. And iniisip n'ya na ang sakit na unti-unti siyang pinapatay ay ang karma n'ya na ngayon sa mga kasalanan na nagawa n'ya.

She had a forbidden affair with her brother-in-law, her only one sister knows about that na piniling maging Martyr wife. She feels sorry for her sister na ayaw na siyang makita ngayon. Hinintay ni Karel na siya mismo ang umamin ng lahat. Hindi na kaya ni Toni kaya ito umamin at dahil doon, itinaboy siya ng kapatid n'ya na sinusumpa na siya na ayaw makita hanggang sa mamatay siya. Ang araw ng pag-amin n'ya, iyon din ang araw nang nalaman n'ya ang tungkol sa sakit n'ya.

“Mamang, tinimplahan kita kanina ng gatas. Eto po... inumin ninyo,” saka nito nilugay gamit ang kutsara ang isang basong gatas na malamig na ngayon; na mas prefer inumin ni Toni. Masama itong tiningnan ni Toni Rose na sanay na siya.

A Roasted Child-star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon