“PENNY!”
“Wala akong alam... Alam na ni Mima na ang sabi hayaan nalang daw si Atots.” Lumunok si Dolores na nag-alala sa kaibigan bakit bigla nalang ito umalis.
“Dolor.” Napatingin si Dolor nang hawakan ni Penny ang braso nito. “Paano kung ipa-salvage si Atots— kasi umalis siya. Naalala ko lang si Maria na umalis din siya rito... Tapos— Nakita nalang ang bangkay n'ya na palutang-lutang sa Pasig river.”
“Penny! Anong pinagsasabi mo? ‘Di mangyayari iyang iniisip mo kay Atots.” Kahit si Dolores ay kinakabahan na baka maaring mangyari kay Atots ang sinabi ni Penny. May naririnig na rin siya na kwento sa mga babae na aalis sa Bar at kung ano ang kahihinatnan ng babaeng aalis. Kaya hindi n'ya kayang umalis kahit hindi siya pumirma ng contract baka ipapatay rin siya na kinakatatakutan n'ya dahil marami pa siyang pangarap para sa pamilya n'ya.
Kahit ayaw lumabas ni Dolores na labis ang pag-alala kay Atots na bigla nalang umalis na hindi manlang nagpaalam sa kaniya. Wala pa rin siyang may magagawa nang pinapasabi ni Amanda na kailangan n'ya gumiling ngayong gabi lalo na nabalitaan ng matanda na na-Hospital si Crusu. Kaya kailangan magka-extra income ito para sa Bar at para may kikitain naman ang mukhang pera n'yang handler mula sa kaniya.
Black Criss-Cross Bodystocking Chemise ang suot n'ya ngayon na libreng ibinigay sa kanilang lahat na mga worker ni Volta ang totoong manager talaga nila na isang Bakla.
Criss-Cross ang magkabilang gilid ng dress na above the knee n'ya. Pero may stocking na natatakpan ang magkabilang gilid na skin ni Dolores. Ang harapan lang na Criss-Cross ang walang stocking at kita ang cleavage at bilog na cocomelon ni Dolores na hindi naman gano'n kalaki. Parang may ipagmayabang lang siya na may laman ang bomba n'ya. Mahaba rin ang suot nitong boots na color black.
Sa three weeks sinanay n'ya na ang sarili n'ya na magsuot ng maninipis at maiksi na damit kahit na ayaw n'ya dahil sa pinalaki siyang conservative ng magulang n'ya. Pero isa siyang hampaslupa na palagi siyang ‘𝗡𝗼 𝗖𝗵𝗼𝗶𝗰𝗲’
“Miss Dollar!” magiliw na bati sa kaniya ni Lila na naka-bra at panty nalang ngayon pero may cover naman na Rainbow multi net lingerie dress. Parang magsu-swimming lang ang porma.
Miss Dollar ang tawag ng mga katrabaho n'ya sa kaniya. Dahil sa ang mahal nito magpabayad sa kakausap sa kaniya.
“Magkano rate mo ngayon?”
“One hundred thousand.”
“Wow! Gold yarn!” kantiyaw ni Lila habang pumapalakpak at may nginunguyang bubble gum.
“Babaan mo naman Spaghetti pababa...” Sinayaw pa ni Lila na nagpatawa kay Dolores na mula kanina pa sadgirl dahil na-miss na si Atots.
“‘Di pwede.”
“Wew! Twenty tots lang kasi ang ibabayad sa ‘yo ng gusto ka i-table. Gwapo at professional.”
“No deal.”
“Grabe ‘di pinag-iisipan sagot agad.” Lumunok lang siya sabay pikit ng mga mata n'ya. Hanggang sa umingay ang mga tao dahil may sasayaw ngayon sa ibabaw ng stage na baguhan at ngayon lang nakita ni Dolores.
“Si Enus ‘yan. Ngayon lang pumasok. Grabe ‘no? First timer pero marunong nang gumiling.” Nakatutok ang mga mata ni Dolores sa babaeng baguhan na nangangalang Enus. Saka nakakasilaw ang dim light na tumatama sa babaeng Star of the Night na sumasayaw ngayon sa pole.
Parang hindi ito baguhan na ang professional na ng dating sa paggiling sa ibabaw ng entablado na lahat ng mga kalalakihan naglalaway na sa hotness n'ya at gusto na siyang i-table. Dahil alam ng lahat na bago siya.
BINABASA MO ANG
A Roasted Child-star
RomanceCelebri-Taste Series: A Roasted Child-star High price for high pleasure. Dollor price for Dolores's pleasure.