Sa ginawa ni Lutish kay Dolor, hindi na makatulog nang maayos ang babae habang iniisip kung paano siya hinalikan ni Lutish.
Bakit sa dami ng pwedeng gawin sa kaniya bakit kailangan pa siyang halikan nito na naguguluhan na siya. Hindi na siya pinapatahimik ng utak n'ya kaiisip ng mga posibleng mangyayari.
“Toni...” bati n'ya kay Toni Rose na nakatayo ngayon sa Sala nila na pinagbuksan ni Atots.
“Lalabas lang ako,” paalam ni Atots sa kanilang dalawa bago ito lumabas. Dalawa nalang sila ang magkaharap ngayon.
Si Toni na hindi maipinta ang mukha nito na gustong manghatak ng buhok ang itsura n'ya. Bigla namang nahirapan sa paghinga si Dolor na iniisip kung ano ang pakay ni Toni ngayon sa kaniya na maaga siyang dinalaw.
“Ginagawa mo ba ang trabaho mo?” may diin ang pagkasambit nito habang magkasalubong ang dalawang kilay n'ya. Umiwas ng tingin si Dolor kaya hindi nito napigilan na sigawan ito. Iba kung magalit ang isang Toni Rose.
“Dolor! Baka nakalimutan mo... Sinuswelduhan kita!” Tumitirik na ang mga mata nito sa inis na ikinalunok ni Dolor habang kumukurap.
“Iyong pinapatrabaho ko sa iyo hindi mo naman tinatrabaho... Ano? Kuha ka lang nang kuha ng pera?” Tila isang matulis na patalim ang sinabi nito na tumama sa magkabilang tainga ni Dolor. Tumulis din ang nguso ni Dolor at may nakakalokong ngiti na sumilay mula sa labi nito.
“Ha! Ano ba ang pinuputak mo diyan? Diretsahin mo ako!” reklamo ni Dolor na gusto na nito tapatin na siya ni Toni na pumikit ngayon na nagme-meditate.
“Si Lutish! He slept last night at Veme's house.” Napa-tsk si Dolor at saka ito umiwas ng tingin.
“Ano sa tingin mo ang ire-react ko? We had an agreement and I paid you to do your job to stop my son to go on that girl!” Umangat ang magkabilang kilay ni Dolor na sinasabi n'ya rito kay Toni kung ano pa ang gustong sabihin nito sa kaniya.
“Haha! It's not beyond of my control.” Pagpapaintindi ni Dolor rito na ikinainit lang ng ulo ni Toni.
Kung hindi lang need ni Dolor ang pera noon. Hindi n'ya naman sana tatanggapin ang offer sa kaniya ni Toni Rose.
Nakulong kasi ulit ang kuya n'ya na napagbintangang magnanakaw ng mga Abuel. Dahil pumasok ito sa mansyon, sa pamamahay ng ex-husband n'ya. Binugbog n'ya ang kuya n'ya noon sa ginawa na dinala siya sa kahihiyaan. Bakit pa kailangan pagnakawan ng kuya n'ya ang pamilya ng taong nanakit sa kaniya. Ayaw naman magsalita ng kuya n'ya sa ginawa nito na hanggang ngayon hindi n'ya pa naririnig ito na inamin ang ginawang pagnakaw sa loob ng mansyon.
Si Toni Rose ang nag-alok kay Dolor. Tutulungan nitong makalaya ang kuya n'ya at hindi naman pwedeng hanggang doon nalang na tutulungan siya nito. May kapalit syempre. Kailangan lang nitong sundin ang ipapagawa sa kaniya ni Toni. Kahit labag sa kalooban ni Dolor, nilunok n'ya ang pride n'ya. Sino ba naman siya na naghihirap pa rin. Ayaw n'ya ng mga panahon na iyon malaman ng parents n'ya na nakulong ang kuya nito. Hanggang ngayon hindi alam ng parent nila. Sila palang ng kuya n'ya ang nakakaalam at gumawa siya ng paraan para makapagpyansa ito.
That time, papakasalan na ni Lutish si Veme. Ayaw ni Toni. Ayaw n'ya na magpakasal ang unico hijo nito sa babaeng may panganay na. Kaya ginamit n'ya si Dolor na alam n'yang makatutulong sa kaniya para dumistansya ang anak n'ya sa babaeng iyon na ayaw n'ya maging daughter-in-law.
Biktima lang si Dolor ng pera. Nang dahil sa pera kailangan n'yang kumagat sa alok sa kaniya ni Toni.
“Dapat may gagawin ka ngayon. Hindi pwedeng tutunganga ka lang dito!” Uminit ang magkabilang tainga ni Dolor sa narinig nito sa babae kung umasta pati buhay n'ya binayaran na nito.
BINABASA MO ANG
A Roasted Child-star
RomanceCelebri-Taste Series: A Roasted Child-star High price for high pleasure. Dollor price for Dolores's pleasure.