Tagaktak ang pawis ni Dolor nang makarating ito ngayon sa isang high-end Hotel sa Mandaluyong.
“Alia!” tawag n'ya sa isang babae na ang ganda ay pwede na maging candidates ng Miss Universe. Nilingon siya ng babae at saka ito may ibinulong sa mga kausap n'ya bago nilapitan si Dolor.
“Dolor, nakapunta ka!” saka sila nagbeso-beso dalawa. Nahihiya naman si Dolor dahil amoy araw siya ngayon. Napangiti ito nang pagmasdan ang babae na bagay sa kaniya ang suot na isang gray na sleeveless dress ngayon na kumikinang dahil maraming silver dust.
“Anyway, thank you sa cupcakes na pinadala mo kanina rito.” Halos maiiyak na si Alia sa pagpapasalamat nito kay Dolor na ma-effort pagdating sa kaniya.
“I will promote your shop.”
“Iyan din ang naisip ko nang pinag-bake kita, haha— Joke!” nag-apir silang dalawa na malapit na isa't isa.
Dating child-star rin itong si Alia na nakasama ni Dolor sa isang drama na ang papel ni Alia ay ang batang kaibigan n'ya noon.
Bridal shower ni Alia ngayon at parang mini reunion na rin dahil nakita ni Dolor ang ilang mga artista na nawala sa camera, sumikat nang gusto at ang ilan ay nakikilala pa rin siya. Hindi rin napigilan ng ilan na kumustahin siya after n'ya nahinto sa pag-arte.
Iba ang pagmamayagpag ni Dolor noon na ngayon ay natutuwa siya na may nakaalala pa rin pala sa kaniya. Sino ba naman siya, isang child-star na sumikat noon. Kahit bigyan pa siya ng role ngayon, hindi matitinag ang pag-arte nito at ang husay n'ya sa pagganap ng papel na isasabuhay n'ya. ‘Cause she was a roasted child-star. Hindi gano'n kahilaw dahil luto na sa industriya ng pag-arte.
Nawalan man siya ng kinang. May rason pa rin para kuminang siya sa ibang paraan.
“Dolor, may ipapakilala ako sa ‘yo.” Hinila siya ni Alia hanggang sa nakarating sila sa table na kung saan mga bigatin ang nakaupo. May isang rebolto ng babae na nakatalikod. Nang tinawag ni Alia, umawang nalang ang bibig ni Dolor. Hindi nito akalain na makikita n'ya ang taong ito rito. Two years na rin nang hindi n'ya na nakikita ito na mas lalong gumanda pa ngayon.
“Dolor, meet Govina!” pasigaw na pagbanggit pa ni Alia sa pangalan ni Govin. Parang candidates ng Miss Universe na sinisigaw ang country na pini-present nila gano'n ang energy ni Alia.
Hindi nakaimik si Dolor nang maalala ang huling pagkita nila ng baklang ito. May part sa kaniya na nagtatampo siya rito dahil tinahian ng baklang ito ang inasawa ng ex-husband n'ya ng wedding gown. Dinidikdik na naman ang puso n'ya ngayon sa alaalang pumasok bigla sa isip n'ya.
“Gov, si Dolor ang nagtahi nitong night gown ko.” Sumayaw-sayaw si Alia na ang saya nito dahil satisfied sa gown na itinahi sa kaniya ni Dolor na suot n'ya ngayon mismo sa Bridal shower n'ya. Tumango-tango naman si Govin na hindi pa rin matingnan si Dolor sa mga mata nito.
“Dolor, itong precious friend ko ang nagtahi ng wedding gown ko na susuotin ko sa kasal ko!” Yumakap si Alia sa braso ni Govin na ang seryoso ng mukha ngayon. Walang emosyon na tiningnan ni Dolor si Govin na tutok ang mga mata nito sa kaibigang si Alia na nangingisay ngayon.
“Hmm... She's the one who inspired me to... m-make a dress.” Walang tono na salita ni Dolor at tiningnan na siya ni Govin, na pumapalakpak ang magkabilang tainga ngayon sa sinabi ni Dolor.
“Oh! Really?” hindi makapaniwalang bulalas ni Alia na palipat-lipat ang tingin sa dalawa na nagtatanong kung matagal na ba ang mga ito magkakilala.
“She's my mentor, pagdating sa pagiging fashion designer k-ko...” Tipid na ngumiti si Dolor habang nakaawang pa rin ang bibig ni Alia na curious sa closeness ng dalawa. Si Govin naman isa pang 'She' ni Dolor, hihilahin n'ya na talaga ang buhok nito. Kinikilig siya na hindi n'ya alam na maiiyak siya na kaharap n'ya ngayon si Dolor.
BINABASA MO ANG
A Roasted Child-star
DragosteCelebri-Taste Series: A Roasted Child-star High price for high pleasure. Dollor price for Dolores's pleasure.
