Chapter 15

55 2 0
                                    

Emotional damage, much like physical scars, isn't always visible to the eye, yet its impact can be profound and lasting. Just as a wound takes time to heal, emotional wounds require care, understanding, and patience. Often caused by past traumas, heartbreaks, or difficult experiences, emotional damage can shape our perceptions and interactions with the world.

But remember, you are not defined by your scars. Just as a tree grows stronger around a wound, you too can grow and find strength in your struggles. Seek support from loved ones, professionals, and self-care practices. Your journey towards healing is an affirmation of your resilience and capacity for renewal.

-------

“Wow! Himala! Ikaw ang nagsaing, haha!” si Govin na kagigising lang ngayon. Mugto ang mga mata nito mula sa matinding pag-emote kagabi.

“Anong ulam ang lulutuin ko?” tanong pa ni Dolor habang tawang-tawa ngayon si Govin. Siya kasi palaging naghahanda ng almusal para sa mag-asawa. Lalo na nakitira lang siya sa unit ng kaibigan n'ya. Kaya nagulat siya na first time lang n'ya nakita na maaga nagising itong si Dolor para maghanda ng pagkain.

“Hindi ka naman nag-a-almusal. Ako na ang sa ulam.”

“Hindi. Ako na!” Ngumuso si Govin sa pagiging makulit ni Dolor. Bigla itong ngumisi nang may naalala.

“Ikaw ang wife na maagang nagigising para ipaghanda ng breakfast ang husband n'ya. Tapos hindi ka rin sasabay sa pagkain. May lason ba iyong niluto mo?”

“Hoy! Grabe ka, a!” angal ni Dolor sa hindi makatarungang bintang sa kaniya ni Govin.

“Haha! Hindi ka maloko sa umagang ito.” Lumaki ang ngiti ni Dolor nang maalala na may pinagdadaanan itong border nila ngayon.

So far maligalig naman ito ngayon na hindi na malungkot.

“Okay ka lang?”

“That's an useless question.” Pinagkrus ni Govin ang dalawang braso nito while leaning his back toward the backrest of the chair he was seated. Nagmamaldita na naman ito.

“Sarap mong tirisin.”

“What?” nang hindi n'ya narinig ang mahinang sinabi bago lang ni Dolor na nangingisay na ngayon habang hinuhugasan ang kamay n'ya sa gripo.

“Good morning, Ma'am.” One of the Govin's staff greeted them both when they entered the shop.

Dinala ni Govin si Dolor sa shop nito para hindi lang ito puro sa Bahay na need n'ya ring gumala.

Dolor's mouth was gaping after seeing the big signage in the reception area and the written word, ‘Transinity Boutique’. She surprised that Govin had a business like this about dresses, gown, fashion apparel and more about aesthetic fashion stuffs.

“Bakit Transinity Boutique?” tanong agad ni Dolor pagkaupo nito sa isang upuan na nasa harapan ng lamesa ni Govin. May sariling office ito sa shop n'ya.

“Itanong mo sa isa kong staff,” tinatamad na dahilan nito habang nakapikit ang mga mata n'yang nakasandal sa swivel chair nito na na-miss n'ya. Dahil matagal na siyang hindi nakaupo at nakadalaw sa boutique n'ya.

“Transinity... Trans, kasi isa akong transgender... 'Sinity' insanity, clarity, lahat ng may ty-ty—Ops! My bad...” Tinakpan nito ang bibig n'ya dahil sa bad words na nasambit n'ya na naglalaro sa utak n'ya ngayon.

“Purity, and infinity... beyond,” dagdag n'ya pa habang ngumingisi.

“For your more information, I have another business about beauty products. Transinity Beauty Skincare ang name.”

A Roasted Child-star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon