Bata palang si Dolor, naging puhunan n'ya na ang pag-arte para makatulong sa pamilya. Ang ate n'ya lang naman ang nakinabang sa kinita n'ya at hinayaan iyon ng mga magulang n'ya.
Bata palang nagbabanat na ng buto para sa ikaganda ng future n'ya. Ang inaasam na magarang buhay, hindi iyon nangyari. Iyong pag lumaki siya may nakahanda na na magandang buhay para sa kaniya. Need n'ya pa rin magbanat ng buto. Nasa laylayan pa rin ang pamilya n'ya. Kinailangan n'yang maging entertainer sa Bar para makaipon sa piyansa ng Kuya n'ya na nakulong; hanggang ngayon hindi pa alam ng parents n'ya.
Hindi naging madali ang kapalaran para sa kaniya.
Inalila siya ng pera. Pumayag siya sa isang alok na pinasok n'ya na need n'yang ilayo ang lalaki mula sa babae na ayaw ng mommy n'ya rito.
When the situation sucked her.
“Kailan mo plano magpatayo ng Bahay rito?” tanong ni Atots na dinala n'ya ngayon rito sa palayan na pagmamay-ari n'ya sa Sorsogon. Naikwento n'ya na rito sa kaibigan na dito plano tumira balang araw. Kaya gustong malaman ni Atots kung tuloy ba ang plano n'ya na iyon.
Lumanghap ito ng hangin at pumikit ang mga mata na nag-i-imagine. Tapos tiningnan n'ya ang kaibigan sa mga mata nito.
“‘Di ko alam... Parang ibebenta ko nalang ito,” malungkot na pahayag nito na desidido na sa gagawin.
“Ay! Tapos ano ang gagawin mo sa pera?” paghihinayang ni Atots.
“Tsk! Sa akin nalang ‘yun kung ano ang gagawin ko.”
Nahihirapan na itong mag-isip at mag-desisyon nang umalis sa buhay n'ya si Lutishu. Literal na umalis.
Naki-balita ito kay Toni na nagpaalam at sumusuko na na ayaw n'ya na sumunod sa kung ano pa ang iuutos ng matanda sa kaniya. Sinabi n'ya rin kay Toni na alam na ng anak nito ang napagkasunduan nilang dalawa. Nagalit ito. Mabuti nga hindi n'ya binawi ang pera na ibinigay n'ya kay Dolor. Dahil hindi naman nito tinapos ang kontrata nila.
Dumating ang balita sa kaniya na pumuntang Abu Dhabi si Lutish at doon na raw mags-stay. After two days, nabalitaan n'ya na nasa abroad na rin titira si Veme. Inisip n'ya na magkasama na ang dalawang iyon.
Nag-gamitan lang silang dalawa ni Lutish.
“Nakikita ko na tayong dalawa na ang magkakasama hanggang sa pagtanda.” Nakangiting saad ni Dolor na sure na ito sa future nilang dalawa ni Atots. Natawa naman si Atots na hindi n'ya pa nai-imagine.
Nakarinig sila ng tunog at tumingala silang dalawa. Nagkatinginan ang mga ito nang makita ang Helicopter na ang baba ng lipad sa kahanginan at mukhang pababa.
“Sino iyan?” takang tanong ni Atots na hinihintay ang pag-landing ng helicopter sa lupa.
Parehong nakabuka ang bibig nilang dalawa hanggang sa para na silang liliparin dahil sa lakas ng hangin na nagmula sa malaking electric fan na nasa ibabaw ng helicopter.
“Dolor...” dilat na dilat ang mga mata ni Atots na napahawak ito sa kamay ni Dolor. Hindi nila magawang matingnan ang isa't isa dahil sa peligrong paparating ngayon.
Si Albe na naka black suit habang may hawak na baril at kitang-kita sa mukha nito na papatay ng tao habang papalapit kila Dolor.
“A-Atots... sinasabi ko... h-huwag kang haharang k-kapag sa akin n'ya iyan ipuputok...” may diin ang bawat pagsambit nito na pinagbabantaan ang kaibigan. Alam n'yang ililigtas siya ni Atots at okay na siya kung ano man ang magiging kapalaran n'ya ngayon.
“You lied!” galit na galit na simula ni Albe habang na kay Dolor nakatutok ang baril na hawak nito at umuusok ang ilong.
“Albe... mapag-uusapan naman ito, ‘di ba?” malambing na pakiusap ni Atots sa kaniya. Pinatunog lang nito ang leeg n'ya. Humigpit ang paghawak ni Atots sa kamay ng kaibigan nito habang nangangamba. Palipat-lipat din ang tingin n'ya sa dalawa na ang kalmado lang ng kaibigan nito na kinakabahan na siya.
“Hindi na, Atots! Ipinangako ko na rito sa kaibigan mo na tutuluyan ko siya kapag malaman ko na nagsisinungaling siya.” Nanlilisik ang mga mata na bigkas nito.
“Dolor...” Nangingilid ang luha na anas ni Atots sa kaibigan n'ya na nakatulala ngayong nakatingin kay Albe. Hinihintay na ang sunod na mangyayari sa kaniya. She ready herself.
Ginalaw-galaw ni Atots ang kamay nito para magtama ang mga mata nilang dalawa. Tila na-paralyze si Dolor na hindi na gumagalaw sa kinatatayuan n'ya. Hanggang sa tumunog ang putok ng baril na nagpataas ng magkabilang balikat ni Atots na pumikit ito at nanginginig na sa takot. Humigpit pa lalo ang paghawak nito na madudurog na ang kamay ng kaibigan habang nagsitaasan ang mga balahibo n'ya.
Naging tahimik ang kapaligiran at pagmulat ni Atots, nanlaki ang mga mata nito nang naiwan sa ere ang kamay na hindi na hawak ang kamay ni Dolor. Dahil nasa bisig na ni Crusu ngayon na yakap ito. Nanginginig ang bibig nito na umaawang at ramdam n'ya na rin ang bigat ng panga n'ya. Wala sa sariling inilibot ang tingin at napahawak nalang ito sa bibig nang makita na nakadapa na sa damuhan si Albe habang may tatlong Pulis na umaasikaso rito.
“Dolor!” humahagulhol itong tumakbo sa kaibigan at saka n'ya ito niyakap nang mahigpit na muntik na silang mawalan ng balanse dalawa.
Nahimasmasan na si Dolor at nakauwi na silang dalawa ni Atots sa apartment nila. Mula sila sa presinto na hiningian sila ng impormasyon tungkol sa nangyari lalo na wala na si Abel. Dinala pa ito sa hospital na nag-aagaw buhay hanggang sa idineklara ng doctor na 'Dead on arrival'.
Ang Helicopter na ninakaw ni Abel mula sa kapatid nito na si Acashu na daddy ni Crusu, ang sinakyan nilang tatlo pabalik.
“Crusu...” tawag nito sa dating asawa na kalalabas lang ng apartment.
Pinanlakihan siya ng mga mata nito at lumapit ng konti sa kaniya.
“Thank you.” Pasasalamat n'ya rito na ito naman ang dahilan kung bakit n'ya ito tinawag. Lumitaw ang ngiti ni Crusu at saka siya nito kinumusta na tinanguan n'ya.
Nalaman nila ni Atots mula kay Crusu na matagal na nito minamanmanan ang Uncle n'ya. Nang nasa Sorsogon sila, nakasunod si Crusu sa kanila at tumawag rin ito ng Pulis sa Sorsogon para ipahuli ang Uncle n'ya.
Ang huling habilin ni Anisa kay Crusu nang hinatid n'ya ang mga ito, bantayan n'ya si Dolor habang nandidito siya sa Pilipinas. Alam ni Anisa na nasa panganib ang buhay ni Dolor na mapapatay ito ni Albe kapag malaman na tinulungan sila nito. Hangga't buhay si Albe, nanganganib ang buhay ni Dolor.
May closure na silang dalawa. Tanggap na rin nila kung saan umabot ang relasyon nilang dalawa.
Gano'n naman talaga. Hindi pwedeng ipilit para lang sa kagustuhan ng bawat isa.
Sa Cebu na nakatira sila Crusu at Velle na doon na ang bagong bahay nila. Hindi na bumalik pa sa New Jersey ang mag-asawa dahil dito na sa Pilipinas titira ang mga ito.
Marami na rin napagdaanan si Dolor. Mga drama sa totoong buhay n'ya na nalampasan n'ya. Natuto siyang umarte nang bata pa siya na dinala n'ya rin hanggang sa nagdalaga siya. Niluto na siya nang husto para hindi na nito iindahin ang mga unos na darating pa sa buhay n'ya.
Sinunog na rin siya kaya ano pa ang dapat na ikatatakot n'ya?
Kahit sunog may lasa pa rin at may ibubuga pa rin siya kahit saan man dalhin.
She's a roasted child-star, that's the real definition. She definitely rocked!
THE END!
FOLLOW ME 👇🏼
Daradarsi
BINABASA MO ANG
A Roasted Child-star
RomanceCelebri-Taste Series: A Roasted Child-star High price for high pleasure. Dollor price for Dolores's pleasure.